RANIA'S POINT OF VIEW
KINABUKASAN ay hindi ako lumabas ng aking kwarto. Wala din namang nanggulo sa akin. Which is pinagpapasalamat ko kasi nagkaroon ako ng kaunting katahimikan sa loob ng aking silid.
Ngayong araw ay paplanuhin ko na naman ang tumakas. Di bale na kung ano ang mangyayari. Basta ang mahalaga ay makaalis ako sa bahay na ito.
Hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakalaya sa malaimpyernong buhay na ito.
Napagpasiyahan kong lumabas ng kwarto at nagpuntang garden. Doon makakalanghap ako ng sariwang hangin.
"Lady Rania, gusto niyo pong kumain? Ipaghahanda ko po kung ano ang gusto niyo." Tanong sa akin ng isang katiwala ng makita akong lumabas ng aking kwarto.
Mabilis akong umiling sa kaniya.
"No need. Busog pa ako. Maraming salamat nalang." Yumuko lang ang katiwala at hinayaan ako.
Nagpunta na ako sa garden at naupo sa swing na naroon.
Nakita ko ang paglapit ng mga body guards sa pwesto ko.
Napahigpit ang hawak ko sa kadena ng swing at masamang tinignan ang mga body guards.
Napatigil naman sila at bumalik sa kaniya-kaniya nilang mga pwesto.
Ang higpit talaga ng security ni Samson. Kahit na nandito lang ako sa garden bantay sarado ako. Tss.
Tinawag ko ang isang head ng body guard.
"Guard Smith?" Pagtawag ko sa kaniya. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at magalang na yumuko.
Argh! Stop doing that.
"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo young lady?" Argh! This formality makes me sick!
"Nasan si Samson ngayon?" Tanong ko. Not that I am curious where he is. I am just asking where he could be right this moment.
"Nagpunta po si master sa ibang bansa para sa isang business meeting young lady. Babalik po si master sa susunod na linggo." He politely answered my question.
I nod my head and dismiss him afterwards.
So nasa ibang bansa pala siya? Napangisi ako.
May ilang araw pa akong magplano para malabas sa bahay na ito.
I should plan well. Nang sa gayon maging successful na ang pagtakas ko at hinding-hindi na ako mahuhuling muli ni Samson.
I'll escape from him every chance I get. And I won't stop until I get my freedom.
THIRD PERSON POINT OF VIEW
Nasa ibang bansa ngayon si Samson at hindi siya mapalagay. Hindi siya mapakali. Baka kung ano na ang nangyari doon sa Pilipinas.
Kaya para sa hindi na mapakali ay tinawagan niya si guard Evans.
"Master." Pagsagot nito sa kabilang linya.
"How's everything doing there?" Tanong ni Samson.
"Maayos naman po master. Wala pong naging problema."
Tumango-tango si Samson as if na makikita ito ng kausap.
"How's Rania?"
"Maayos din po si lady Rania, master. Nandito po siya sa garden ngayon. Binabantayan nila Smith at iba pa."
"Good. I want you to keep an eye of her Evans. Huwag niyong hahayaan na makaalis si Rania sa mansyon. Kundi mananagot kayo sakin."
"Areglado po boss. Babantayan po namin ng maigi si lady Rania. Nga po pala master, tinatanong ni young lady kung nasaan ka."
"And?"
"Si Smith po ang tinawag niya master. Baka po namimiss na kayo ng young lady." May himig ng pangangasar ang boses ni Evans.
How I wish she would. Nais na sabihin ni Samson sa kausap.
"Bantayan niyo siyang maigi Evans. I need to hang up now." Paalam ni Samson.
"Areglado boss." At namatay na ang tawag.
Napabuntong hininga na lamang si Samson. Sana nga namimiss siya ni Rania. Pero hindi eh. Malabong mamimiss siya ng dalaga. Kinasusuklaman siya nito sa pagkakaalam niya.
Kaya malabong mamiss siya ng dalaga. Malabong-malabo talaga.
Panatag na ang loob ni Samson ng malaman na ayos na ang lahat.
Ibinalik na niya ang pukos niya sa trabaho. Tatawag nalang siya ulit mamaya.
DALAWANG araw nalang at uuwi na rin si Samson pabalik ng Pilipinas. Stress na stress na siya sa ginagawa niua araw-araw.
Buong akala niya ay kaunti lang ang naging problema ng branch nila dito sa ibang bansa but it turns out diffrrently.
Ang laking pera ang nawala at hinahanap pa rin nila ang taong salarin sa pagdukot ng pera sa kompanya niya.
Papunta na si Samson sa hotel na tinutuluyan niya ng biglang tumunog ang cellphone niya.
Kunot ang kaniyang noo ng kuhanin niya ang kaniyang cellphone at sinagot na ang tawag na galing kay Evans.
"Evans.. Is something wrong?" Bungad niya sa right hand niya and at the same time ay body guard.
"May nagpunta po ditong kamag-anak ng young miss, master. Nanggugulo po sila at pilit na pumapasok." Kumuyom ang kamao ni Samson sa sagot nito.
Talaga namang malakas ang loob ng mga ito na kalabanin siya.
He won't let them get near to Rania. He'll make sure of it. He surely will.
"Don't let them get near with Rania, Evans. Throw them out if ever they force themselves." Matigas na utos niya sa kausap. Talagang ginagalit siya ng mga ito.
"Masusunod po master." Tapos ay binaba na ni Samson ang tawag.
Makauwi lang talaga siya sa Pilipinas at makikita ng mga ito ang hinahanap nila.
--
PAGAKALAPAG ng eroplano na sinasakyan ni Samson ay hindi na siya nagatubili pang bumaba.
Tanging siya at mga bodyguards lang naman ang sakay ng nasabing eroplano.
Ang plano niya ay dumaan na muna sandali sa kompanya bagamat may tumutulak sa kaniyang umuwi na muna.
"Dumiretso muna tayo sa bahay. I want to check if everything is fine there." Pag i-instruct ni Samson sa driver ng kotse niya.
"Masusunod po master." At pinasibad na nito ang sasakyan papuntang mansyon.
Pagkarating sa mansyon ay pinagbuksan siya ng isang body guard.
Bumaba siya at sinalubong ng bati ng mga katulong. Even butler Chad welcome him.
"Welcome home master. Kamusta po ang naging biyahe niyo?" Yumuko ang matanda sa kaniya pati na rin ang mga katulong.
"Good. Si Rania?" Tanong ni Samson kapagkuwan.
"Hindi pa po lumalabas ang young miss mula kahapon. Nagkukulong lang po siya sa kwarto niya buong araw master." Magalang na sagot ng matanda.
"Have you checked her?" He felt uneasy kaya natanong niya iyon.
"Bilin po ng young miss na huwag siyang istorbohin master. Pero may nagdadala naman ng pagkain sa kaniya sa taas. Pagkatapos po ay iiwanan nalang po doon." Tumango si Samson sa sagot ng matanda at hiningi ang spare key ng kwarto no Rania.
Mabilis na kumilos ang mayordoma na asawa ni butler Chad na si Manang Merling at ibinigay sa kaniya ang susi.
Hindi na umimik pa si Samson at umakyat na sa taas patungo sa kwarto ni Rania.
Kumatok muna siya.
"Rania, sweetheart, may I come in?"
Naghintay si Samson ng sagot mula sa dalaga baka natutulog ito.
Naghantay pa siya ng ilang sandali at kumatok muli ngunit ng ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring sumasagot.
Hindi na mapakali si Samaon. Napagpasiyahan niya ng buksan ang pinto at bumugad sa kaniya ang tahimik at maayos na silid.
Biglang pumilipit ang puso ni Samson sa nadatnan.
Napakuyom siya ng kamao.
"EVANS! SMITH!" malakas na sigaw niya.
Rinig niya ang tarantang pag akayat ng mga ito.
"Ano ho iyon master?"
"Hanapin niyo si Rania!! Bakit niyo hinayaang makalabas siya ng mansyon?! Find her right now!!" Galit na galit niyang utos sa mga ito.
Isa-isa na ring umaakyat ang mga katulong sa kwarto ni Rania.
Lahat napasinghap ng makitang wala ang dalaga doon.
"Huwag kayong tumunganga!! Hanapin niyo si Rania!!" Mabilis na kumilos ang mga body guards.
Naitapon ni Samson ang vase sa loob ng kwarto ni Rania at nabasag iyon.
Napaupo si Samson sa sahig at napasapo sa kaniyang ulo.
Why are you so careless Samson?! Damn you!! You idiot!!
Pinapagalitan niya ang sarili. His heart clench with the fact that Rania finally did escape from him.
Nasasaktan siya sa kadahilanang wala na ito at baka hindi na niya ito makitang muli.
Where are you sweetheart?