Chapter 18

2041 Words

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nanatili sa veranda pagkatapos naming pag-usapan iyong tungkol sa ex-girlfriend niya. Kung tutuusin ay saglit lang iyon, pero nanatili pa rin kaming tahimik na nakatingin lang sa kawalan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto ko ang dagat. Iyong bang parang nawawala na lang lahat ng alalahanin at problema mo kahit na nakatitig ka lang sa kahabaan nito? Iyong parang kasabay na inaanod ng alon ang mapait na reyalidad, pinapalitan nito ang nararamdaman mo ng galak. Iyong para kang nasa paraiso na walang dapat ibang isipin kung hindi ang maging masaya dahil nawawala ang lahat ng problema. Kung tutuusin ay kaya kong manatili rito kahit na si Tita lang ang kasama ko. At sa tingin ko ay hinding hindi ako magsasawa. Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD