Chapter 28

1704 Words

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Siguro ay alas cinco pa lang nang tumayo ako mula sa kama at nagpasyang maligo na. Nagising ako na katabi ko si Havoc, hindi naman na ako nagtaka lalo pa at ang sinabi niya kagabi ay kailangang tabi kami dahil nandito sina Mario at Luigi. Nagpasya ako ng maagang tumayo para makapaghanda ng agahan naming lahat. Nakakahiya kasi kung iyong dalawa na naman ang magluluto. Pagkatapos ng pinapanuod naming basketball kagabi ay uminom pa rin naman silang tatlo kagaya ng napag-usapan. Pero hindi naman marami ang ininom nila. Siguro ay mga isang oras lang kaming nakatambay sa tabing dagat nang magka-ayaan nang pumasok para magpahinga. Napag-usapan din namin kagabi na aalis rito sa isla bago magtanghalian. Tumawag kasi sina Mario at Luigi kina Nanang at Tatang a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD