BB30

1315 Words

Bisita nila ang ina diumano ng kabit ng Papa nila, mukha palang nito ay di na gagawa ng mabuti. Pero dahil pinapasok ng Mama niya ay wala siyang nagawa kundi ang harapin ito. "Ako ang Nanay ni Vina." Sabi nito sa kanila. Ang ate naman niya ay kakalabas lang galing sa kusina, nakabuntot dito si Kuya Patrick na mukhang galing palang ng opisina. Hapon na din kasi kaya nasa bahay na ito. Naglalaro naman ang dalawa niyang pamangkin, gumagapang gapang na si Bell kaya si Bary ang umaaliw aliw dito at si Shana. Nakakakilos ng maayos ang kanyang ate sa bahay dahil kahit papaano ay may titingin sa dalawang bata. Malaki ang kanilang bahay dahil minana pa ang naturang bahay ng Papa nila mula sa mga magulang nito. Pero si Kuya Patrick ang nagpaayos ng ibang parte ng bahay. Nabili na din kasi ng mga i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD