BB3

1100 Words
Maaga siyang sinundo ng hinayupak kaya naman ay ito sya at ngarag na ngarag siya. "Pambihira alas tres palang ng hapon Kiel. Alas singko ang usapan anong oras palang?" maktol niya dito. "Dadaan pa kasi tayo ng grocery store. " sabi pa nito na tila ba ay ito ang may ari ng schedule niya. "Marami pa akong gagawin, litse ka talaga." Inis na gusto niya na magpapadyak, todo ang ngisi lang ng baliw na lalaki. "Maghihintay lang ako dito, tapusin mo lang yan." sabi pa ng damuho, as if makakapag concentrate siya pag nasa paligid ito. Palagi pa itong nakatingin sa kanya na tila ba e gandang ganda sa kanya. Pero ang totoo niyan ay dinidistract lang siya nito para mas maaga silang makaalis. Ganun naman ang mudos ng lalaki simula paman nung una palang. "Wag kang tanong ng tanong kung tapos na ako ha." inunahan na niya kasi tiyak mababadtrip lang siya pag nangulit na naman ang huli. Ang nangyari ay nakatanghod ang lalaki habang nag piprint siya ng mga leaflets na kanilang ipapamahagi bilang bahagi ng kanilang marketing strategic plan. Naramdaman kasi nila ang tila pagbaba ng kanilang sales nitong nakalipas na mga buwan. Before its too late, they need to do something para maibangon ang kanilang pabulusok na sales. Nahihirapan sila lalo at dumadami na din ang kompetensya nila sa kanilang negosyo. She know it has something to do with the apps that is trending now a days. Mas prefer na ng mga clients nila na mag book ng tickets online. Nahuhuli na sila dahil narin sa pagiging old fashioned ng kanilang heads. Ayaw nito na makipagsabayan sila sa trend, meaning she is not approving other executives proposal about having a web site for their company. Para sana yung nasa ibang lugar ay maari din nilang maging client. Nakakabanas lang kasi sa kanila pa sinisisi ang pagbaba ng sales. "Marami paba yan?" mamaya maya ay tanong nito, kaagad na sinamaan niya ito ng tingin. Tatawa tawa naman itong nag peace sign sa kanya. "Sinabi nang walang tanong ng tanong e." pagsabog na tumayo siya, di rin naman niya magawa ng maayos ang kanyang mga gawain. Kaya nagpasya na siyang umalis nalang kasama ito. Dapat hanggang three pm lang ang trabaho niya. Kaya lang dahil masyado siyang dedicated sa kanyang trabaho ay minsan alas syete na din siya umuuwe. "Haist salamat akala ko matagal pa e. " sabi pa nito na nag inat inat. Nakasuot ito ng slacks at polo shirt na kulay puti. She look so fresh and neat, nakadagdag pa ang balbas nito na patubo na naman. "Matagal pa sana kaya lang ang iba dyan masyado nang nakakaabala. Distracted ang mga tao sa office kakatambay mo dun mabuti kung napakatahimik mo lang, mas maingay kapa kay Melbs." ingus niya dito. Sinabayan siya nito ng lakad at inakbayan. "Sus selos kana naman dun sa bago niyong empleyado, tinanong ko lang ang pangalan di ko aasawahin." sabi pa ng damuho. Tila aliw na alow talaga sa kanyang pagkainis. "Wala akong paki kahit asawahin mo!" Sikmat niya dito. "Ang sungit mo talaga, kailangan mo na talagang mag date. Padilig kana." Sabi pa nito. "Gago anong akala mo sa akin halaman?" Sabi pa niya na sumakay na din sa sasakyan nito. Di naman sila sobrang hirap talaga, wala lang silang sasakyan. Di naman din siya marunong mag drive kaya wala siyang paki sa mga sasakyan. Ni minsan ay di siya nahumaling sa mga sasakyan lalo at takot siya pag nasa kalsada. Lalo pag nagpupunta sila outside Manila, dun sa mga lugar o highway na pwede ang 120 kilometers per hour na takbo ng sasakyan. Pakiwari niya ay naiiwan ang kaluluwa niya sa Manila palagi. "May bulaklak ka kasi kaya kailangan ng dilig." Sabi pa ng baliw, mukhang nasa mood na mang asar sa kanya. Alam kasi ng huli na ayaw niya ng mga ganung topic. "Ezekiel! Sasamain kana talaga sa akin." Banta niya sa lalaking di naman apektado sa kanyang galit mode. "Bakit may bulaklak ka naman a, masanay kana kasi ng mga ganung usapin. Matagal kana nga dapat na napitas e, masyado kalang pihikan este man hater." Sabi pa nito. Di nalang niya pinansin ang papitas pitas nito, medyo naiinitan siya sa topic na ganun e. Masyadong bulgar para sa kagaya niyang inosenteng babae. "So ano nalaman mo na kung sino ang nagbigay ng number mo doon sa kalansay mong ex?" Tanong niya dito. Napakamot naman ito sa ulo, mukhang na realize na nito na mali ang bintang nito sa kanya. Bakit ba niya ibibigay sa babaeng kalansay na iyon ang number ng best friend niya gayong alam naman niya ang naging nakaraan ng mga ito. "Tungkol pala doon, sorry sabi niya kasi sayo niya nakuha." Sabi nito na halatang guilty. "Yan mas nagpapaniwala ka kasi sa alipunga na yun, bagay na bagay talaga kayo nun. Siya alipunga ikaw mukhang paa." Nasa mood siyang makipag away dito. "Grabe ka sa akin, ang gwapo ko namang paa. Sorry na nga kailangan paba ng kiss?" Seryuso ang mukha nitong tanong sa kanya. "Siraulo ka, puro ka talaga kalokohan. Dadaan tayo sa apartment ko, wala akong uniform bukas." Sabi niya dito. "Ipinagpaalam na kita kay Martin, isasama kita sa Palawan bukas hanggang friday." Sabi nito na tila kaswal lang. Ito ang nagpasok sa kanya sa trabaho niya kaya kilala nito ang kanyang boss. Kahit ano ang hilingin nito sa boss niya kung tungkol sa kanya ay napagbibigyan talaga. Dapat kasi sa kompanya nito siya nito i hire pero tumanggi siya lalo at pinapamper siya nito. Nakuha niya ang apartment niya dahil din dito. Pinilit siya nitong kuhanin ang apartment, that time maayos na ang kalagayan niya sa trabaho. Nagulat pa siya ng malaman niyang kalahati nalang binayaran niya. Tiyak niyang maabuso niya ang pagiging galante nito. Lalo na at parang mas girlfriend pa nga siya nito kaysa sa mga babaeng nagdaan sa buhay nito. Mas priority siya nito, pag birthday niya at pag may mga okasyon di maaring walang regalo ang isang Ezekiel Lacsamana sa kanya. Minsan napapaisip na din siya kung ano nga ba ang boundary ng relasyon ng isang best friend. Paano pag dumating ang araw na mag asawa na ito? Alam niyang hahanap hanapin niya ang presence ng lalaki sa buhay niya. Di rin naman din kasi biro ang mga taon ng pinagsamahan nilang dalawa. Biro nga ng pamilya nila ay kasal nalang ang ky ng sa kanilang dalawa. Lahat yata ng mga dasal ay ginawa na niya wag lang siyang mapamahal sa kaibigan niya kasi masasaktan lang siya. Alam niyang hanggang kaibigan lang ang tingin nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD