Ang dami nilang nakuhang mga prutas at gulay at syempre nag enjoy siya lalo at first time niyang umakyat sa puno ng mangga. Nanguha din siya ng bayabas at iba pang mga prutas. "Taga saan ba yung Troy na pinag seselosan ni Kuya?" Tanong ni Eric sa kanya ng matapos na silang kumain ng tanghalian nila. "Huh?" Nagugulohan na tanong niya dito. Alam niyang malaking bagay ang pagkakabigkas niya ng pangalang Troy kanina para masave ang pride niya. "Ang aga niya na magpabantay sayo." Tudyo pa ni Yaya na abala sa kakangatngat ng bayabas. "Yun yung ka date ko ng nakaraan." Sagot niya nalang. "Ah yun yung dahilan ng away nyo last time?" Tanong ni Dos. Gusto niyang sabihin na di naman iyon ang dahilan ng away nila, kundi ang kahihiyan na dulot ng yakap at halik. At di naman talaga sila nag away d