Zhairell Kheina X. Mirachovich’s POV
“You are all here quite earlier than scheduled.” Kababalik lang nila Kuya Zhaiken at Zhairy mula sa Royal University kung saan hinarap nila ang ilang grupo na pinadala doon ng Aletta. “And you all look horrible.”
Puro tuyong putik ang mga damit nila, kahit ang mga braso at mukha nila ay hindi nakaligtas sa putik. Kulang na lang yata ay isipin kong nagtampisaw sila sa putikan na parang kalabaw at hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon para makaligo.
Ang dami din nilang plaster sa katawan at bondage sa mga braso kaya siguradong hindi naging madali ang naging laban nila doon.
“Why don’t you take a shower first before we talk?” Itinuro ko ang shower rooms na ipinatayo ko sa gilid ng main gate ng Chess Estate.
Tumaas ang kilay ni Zhairy. “When did you make those?”
“Right after you left,” I said. “Hindi lang kayo ang umuuwi ng ganyan ang itsura kaya naisip ko na mas mabuting dito pa lang sa gate ay makapaligo na kayo. Kaysa dugyutin kayong bumandera sa mga nakikitira dito sa atin.”
As much as possible, we are not using any of our cars whenever we go outside. Takaw-pansin kasi ang mga iyon kaya sa tuwing may aalis sa amin para may gawing misyon sa labas ay isang van o bus na ang ginagamit.
At hindi na namin iyon pinapasok dito sa loob ng estate para maiwasan ang kahit na anong aberya sa seguridad namin kaya tuwing may umuuwi ay kailangan nilang lakarin ang distansya mula sa gate hanggang sa bahay na tinutuluyan nila.
“Also, I have been receiving a lot of reports from my spies that Aletta is planning to use some airborne virus to lessen the people still staying on the mainland,” I added. “Kaya lahat ng lalabas ng estate ay kailangang maligo para makapasok muli.”
“We will talk about that later.” ani Zhaiken. “You did a good job on this, Khei…”
“Oh. It is not my idea,” I said. “Si Che-che ang nakaisip niyan. She said that most available viruses in this country can only pass through physical contact so we should disinfect everyone who went outside the estate before allowing them to get inside.”
Pinanood ko ang reaksyon niya at napailing na lang ako nang makita kong nagpipigil siyang ngumiti. Iyong ngiti na para bang isa siyang boyfriend na proud sa ideya ng kanyang girlfriend.
Damn! He is definitely in love with Rayzsel.
“What is that smile?” Inakbayan siya ni Zhairy at tinusok-tusok ang kanyang pisngi. “You looked so proud of her, huh?”
“Shut up, Ry!” Tinabig niya ang braso nito. “Go clean yourself up, idiot. We need to discuss what we discover in RU.” At nagpatinuna na siyang pumasok sa isa sa cubicle ng shower room.
Natawa at napailing na lang kami sa ikinilos niya.
Malinaw naman na tuluyan nang nahulog ang loob niya kay Rayzsel pero wala siyang ginagawa para i-pursue ito. Tingin ko ay isa pa din sa dahilan noon si Rachelle.
Rayszel was also showing signs that she was in love with my brother and it is one of the reasons why she was so adamant to prove her worth to the people around us. I guess she wanted them to see that she was no longer some damsel in distress. That she can do something for the group and that proves that she deserves to be with my brother.
But to be honest, none of it matters to us.
For our family, it is enough that they love each other.
We will accept her, just like how we accepted her sister.
Pumasok na din ang iba pa para makapag-shower at eksakto naman ang dating ni Rayzsel dala ang damit na pamalit nila. Isa-isa niyang inilagay sa bastket na nakasabit itaas ng bawat pinto ang mga damit na para sa mga ito tsaka lumapit sa akin.
“Okay lang ba sila?” tanong sa akin ni Rayzsel.
“Aside from bruises and small wounds, nothing serious,” sagot ko. “But for them to have those wounds tells me that their fight with Aletta’s squad up in Royal University is not easy.”
“Then, ipapahanda ko ang mga gamit kina Milly at Kari para maasikaso agad ang mga sugat nila,” sabi niya. “Magpapahanda na din ako ng makakain nila. Siguradong gutom na sila sa haba ng panahon na nasa labas sila.”
Tumango ako at ngumiti. “Sige, ikaw na ang bahala doon.”
Agad na siyang umalis at eksakto naman na kalalabas lang ni Zhairy ng shower habnag tinutuyo ang kanyang buhok.
“Is that Che-che?” tanong niya habang nakatingin sa direksyon kung saan tumakbo si Rayzsel. “Hindi man lang niya hinintay na matapos si Kuya?”
“She is busy,” I said. “Mula nang makatanggap ng report tungkol sa pagpapakalat ng Aletta ng virus na posibleng makaapekto sa ating lahat ay naging abala na siya sa paggawa ng mga possible antidote sa lahat ng available virus.”
“And dropping our clothes is her way of checking on Kuya?”
Tumango ako. “Nang marinig niyang dumating kayo ay agad niyang inasikaso ang mga pamalit niyo,” sagot ko. “Siya din ang nag-aasikaso ng kakainin niyo ngayon.”
“What about Jeremiah?” tanong niya. “Hindi man lang niya ako sinalubong—aw!” Agad siyang umatras palayo sa akin. “What was that for?”
“Ang arte mo kasi!” Inirapan ko siya. “Jerem has her own little project regarding our water supply. Hindi pa kumikilos ang Aletta laban sa atin pero mas mabuti nang paghandaan ang lahat kaya ngayon pa lang ay may kanya-kanya nang ginagawa ang mga kasama natin para masigurong hindi tayo magkakaroon ng kahit anong problema sa mga susunod na araw.”
“Oh.” Iyong ngiti niya ay parang iyong ngiti ni Kuya Zhaiken kanina. Proud boyfriend here. “I should see her—”
“Not now,” pigil ko sa kanya. “Kailangan muna kayong ma-check nila Klari at Milly kaya didiretso kayong lahat mobile clinic na itinayo namin sa open field.”
“Physical check?” ani Kuya Zhaiken nang makalabas na ng shower room.
Tumango ako. “But I am sure, Milly will also conduct some blood test or any other test to ensure that you never contracted any kind of virus.”
“Well, it is better to be sure.”
We managed to get some additional bus that we can use to transport the people who have gone off the estate straight to the clinic. Mas mabuti na iyong iba ang sasakyan para kung sakali man ay agad naming ma-contain ang anumang sitwasyon na posible naming harapin.
Hindi na ako sumunod sa kanila nang makaalis ang bus na sinasakyan nila.
Tumungo na muna ako sa observation tower kung nasaan ngayon si Attila.
“Boss…” Agad akong sinalubong ni Attila. “Are they all okay?” Tukoy niya sa mga dumating. Sinabihan ko sila na ako lang muna ang haharap sa mga kasama namin na lumalabas ng estate dahil mas mataas ang resistensya ko laban sa kahit anong virus.
“As far as I can see, they are all fine,” I said. “Mukhang hindi pa nakakarating ng Shiganshina ang virus na ginagamit ni Keira laban sa mga nananatili ng mainland na hindi kabilang sa grupo nila.”
Dahil nga naka-down ang internet at ang lahat ng telephone services ay hirap pa din kami sa komunikasyon namin. Limitado lang ang satellite phone na mayroon kami habang ang mga VHF radio na mayroon kami ay may kaakibat na disadvantage kaya pinili na naming huwag na muna itong gamitin.
Kaya naman hindi real-time ang dating ng mga impormasyon sa amin.
Sa ngayon ay wala pa kaming nakukuhang report kung saan na ba ang naaabot ng virus dahil hindi pa ako nakaka-receive ng tawag muna sa mga underlings ko na pinauna ko nang magmanman sa paligid ng Svart Region.
“But I had to do something about that so-called virus before I went to the main base of Aletta.” Bumuntong hininga ako at inis na ginulo ang buhok ko.
Hindi ko akalain na mauunahan ako ng brat na iyon na kumilos.
At dahil dito ay nasisiguro kong sa kanya tumakbo ang nakatakas na leader ng Jagare.
“Call everyone,” sabi ko sa kanya. “Ipapaliwanag ko sa inyo ang mga susunod niyong gagawin hanggang sa araw ng pag-alis ko.”
“Copy, boss.”