Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov
Habang abala ang mga kasama ko sa Chess sa pagpapatrolya sa kabuuan ng lupaing nasasakop ng Chess Estate, ako ang nagche-check sa mga RU students na piniling sumama sa amin.
At tulad ng napagkasunduan ay kailangan nilang magtrabaho para sa mga bagay na ibinibigay namin sa kanila.
Hinati ko sila sa apat na grupo. Ang grupong kinabibilangan ni Kheeryn at nilagay ko sa pag-aalaga ng livestock na mayroon dito.
Aba, kumpleto naman kasi ito sa food production.
From farm na ipinatayo pa ni Daddy para dito na lang din kukuha ng mga ingredients na ginagamit sa mga restaurant niya. Dito ko pinagtrabaho ang grupo kung saan nabibilang si Farah.
And lives stocks na sina Tito Erhan, Tito Hunter at Tito Jerico mismo ang nag-aalaga.
Self-sustained din ang electricity ng buong estate from solar and wind energy na siyang hina-harvest ng mga solar panels at windmills na sina Mommy at Tita Zerhia mismo ang nag-pondo. Ang grupo na kinabibilangan naman ng ilang black blood na gusto lang ding maka-survive ay dito ko na dinala.
Kahit ang water distribution sa buong estate ay hindi na din dumadaan pa sa private company. And according to Tita Frey and Tita Freya who funded the water supply of this property, nagpagawa pa sila ng sariling dam para lang masiguro na kakayanin ng buong estate na tumayo at hindi umasa sa kahit na anong kumpanya. And the last group na tingin ko ay hindi gagawa ng kahit anong kalokohan ay dito ko na dinala.
Aba, ang tubig ang pinakamahalagang bagay sa amin ngayon kaya ito ang higit kong pinangangalagaan.
“Kamusta naman ang trabaho?” tanong ko kay Kheeryn na siyang abala sa pagpapakain sa mga tupa.
Masamang tingin ang ibinigay niya sa akin kaya bahagya akong natawa.
Well, mabigat kasi sa loob niya ang trabahong ginagawa dahil hindi naman siya sanay sa ganito. Prinsesa kaya siya ng bansa namin at susunod na mamumuno dito pero heto siya, isang utusan sa farm namin.
“Nag-eenjoy ka sa pagpapahirap sa akin, noh?” singhal niya sa akin.
“Hindi kita pinapahirapan, noh,” sabi ko. “You are just earning what you need to survive while you are here in our place.”
“But I am the princess of this country,” sabi niya. “You shouldn’t let me do this kind of thing.”
Napailing ako.
Masyado din kasi talaga siyang na-spoil sa palasyo at ni minsan ay hindi siya lumaki na pinaghihirapan ang mga bagay bago niya ito makuha.
Siguro, ang pinakamahirap lang na napagdaanan niya ay ang training niya kay Mommy para matuto siyang protektahan ang sarili niya.
Other than that, wala na. Kaya nga kinailangan pang ipadala ng hari si Strea para masiguro na mayroong poprotekta sa kanya sa loob ng RU.
“Hindi lang ikaw ang future leader ng isang bansa na nandito at nagtatrabaho para maka-survive,” sabi ko. Itinuro ko ang isang babae na walang arteng pinapaliguan ang mga baboy. “Kilala mo naman siguro kung sino ang babaeng iyan, hindi ba? Siya na anak mismo ng first world country at tulad mong susunod ding reyna ng malaking bansa. Pero nakita mo bang nagreklamo siya sa ginagawa niya?”
Hindi siya nakasagot.
Isa pang lalaki na tahimik na naglilinis ng dumi ng mga hayop. “Eh ang isang iyon? Baka hindi mo alam na siya lang naman ang tagapagmana ng pinakamalaking oil company sa buong mundo. Pero hindi hamak na mas madali pa ang trabaho mo kaysa sa kanya.”
Aba, hindi naman basta-bastang mga tao ang pumapasok sa Royal University. Lahat sila ay galing sa mga prominenteng pamilya at tagapagmana ng malalaking kumpanya.
Pero ano ba ang sitwasyon nila?
Heto at walang reklamong nagtatrabaho sa amin dahil alam nila na ito lang ang nag-iisang paraan para maka-survive sila.
Alam nilang higit na mas madali ang trabaho dito kaysa harapin ang mga kalaban na siyang walang ibang layunin kundi ang patayin sila.
“But I am still your second cousin.”
Napailing ako nang hindi pa din siya tumigil sa pagrereklamo niya.
“Bakit si Strea, hindi mo pinagtatrabaho tulad ng ganito?” dagdag pa niya. “Hindi din naman siya nakatira dito, hindi ba?”
“Dahil higit na delikado ang trabahong hinahawakan ni Strea,” sabi ko. “Siya lang naman ang gumagawa ng paraan para magawa na nating makontak ang mga magulang natin.”
“Huwag mo nang pansinin ang babaeng iyan, Zhairell,” singit ni Aishen, ang unica hija ng malaking business empire na naka-base sa England. “Akala niya yata na porket kamag-anak niyo siya ay deserve niyang maging exempted sa pagtatrabaho dito dahil ipo-provide niyo ang kailangan niya ng libre.”
“Nako, pare-pareho tayong nagta-trabaho para maka-survive sa sitwasyong ito kaya walang exempted kahit kamag-anak,” sabi ko.
“We are aware of that,” nakangiti niyang sabi. “Besides, we are already lucky enough to have a place to stay and you provided that for us kaya wala na kaming ibang hihingin pa na higit doon.”
“Like what your brother said, hindi niyo na kami responsibilidad,” dagdag ni Elizabeth, ang susunod na reyna ng isang first world country sa Europe. “Kung tutuusin ay maaari nyo na nga kaming abandonahin pagkababa natin ng bundok but you choose to offer us something that will help us in this kind of situation.”
“Why do I have this feeling na para bang sinasabi nilang ungrateful ako dahil nagrereklamo ako sa trabahong binigay sa akin?” ani Kheeryn na tinawanan namin.
Well, masaya naman ako dahil wala sa kanila ang maarte at maluwag nilang tinanggap ang trabahong binigay ko sa kanya.
Sa totoo lang, hindi tatakbo ang buong Chess Estate kung walang magta-trabaho sa mga ganitong pasilidad kaya gusto kong siguruhin na hindi sila mapapahamak at mananatiling ligtas ang lugar na ito tulad ng ipinangako ko sa kanila.
“Just to make things clear, I am grateful for what you did,” sabi niya sa akin. “But I am just a human who never did this kind of thing kaya hindi mo naman siguro ako masisisi kung gusto kong gamitin ang princess card ko o kaya ay iyong kamag-anak card ko.”
Tinapik ko na lang siya sa braso. “Just do your job, Kheeryn. Hindi mo habang buhay na gagawin iyan.”
Isa-isa ko pang kinamusta ang ibang nagta-trabaho dito at nang makitang maayos naman ang kanilang ginagawa at wala silang ibang concern ay lumipat na ako sa iba.
“Rell…” Bumaling ako kay Rayzsel na siyang tumawag sa akin.
At nakita ko siyang tumatakbo palapit sa akin kaya agad na akong tumigil sa paglalakad. “Oh? Mukha yatang nagmamadali ka.”
Huminga muna siya ng malalim nang tuluyang makalapit sa akin. “Kanina pa kasi kita hinahanap.”
Kumunot ang noo ko habang nakatitig ako sa kanya.
Bakas kasi ang puyat sa mga mata niya na para bang hindi pa ito natutulog mula kahapon. Hindi pa din nag-iiba ang suot niyang damit kaya siguradong hindi pa ito naliligo. Magulo din ang kanyang buhok na para bang basta na lang itinali at hindi na nag-abala pang magsuklay.
Napailing ako.
Well, I can admit that she has a talent in what she can do. At asset iyon sa amin lalo na’t hardworking person talaga siya.
Pero minsan ay hindi ko nagugustuhan ang sobrang pagtatrabaho niya.
Madalas niyang mapabayaan ang sarili niya para lang may maibigay agad na resulta sa amin. And she is doing that to prove to us that she deserve the trust that Zhairy put on her.
“You know what?” Hinawakan ko ang kanyang balikat at agad siyang itinalikod sa akin pagkuwa’y tinulak ko siya pabalik sa direksyon ng bahay namin. “Mamaya mo na sabihin sa akin kung anuman iyan. Umuwi muna tayo sa bahay para makakain, makaligo at makatulog ka na.”
“Ha?”
“Huwag mo akong ma-haha, Rayzsel,” sambit ko sa kanya. “Mayayari ako kay Kuya kapag nalaman niyang pinababayaan kitang magtrabaho at hindi nagpapahinga.”
“Nagpahinga naman ako,” sagot pa niya. “Nakatulugan ko na nga kahapon iyong ginagawa ko kaya ngayon ko lang natapos iyong antidote na kailangan mo.”
Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya at sinamantala niya iyon upang humarap sa akin.
“Nag-conduct na ako ng test at nasisiguro ko sayo na magagawang alisin ng antidote na gawa ko ang lason sa katawan mo,” sabi niya sa akin. “I just need to get some of your blood. Para naman masiguro ko na wala itong magiging side effects sayo.”
Tempting ang sinasabi niya.
Ibig kasing sabihin noon ay tuluyan nang gagaling ang sugat ko at hindi ko na kakailanganin pang manatili dito sa estate at maghintay lang ng balita mula sa mga kasama kong lumalabas para magmasid sa paligid.
I can conduct my own investigation.
Ngunit napatitig ako sa mukha ni Rayzsel kaya agad kong inalis ang atensyon sa result na hawak niya. Muli kong hinawakan ang kanyang balikat at itinalikod sa akin tsaka muling itinulak.
“As much as I want to get that antidote, I will still insist that it can wait,” giit ko. “Ang prayoridad ngayon ay ang pahinga mo.”
“But—”
“No more buts, Rayzsel,” pigil ko sa akma pa niyang pagrereklamo. “You have to rest or else, pareho tayong malilintikan kay Kuya Zhaiken.”
At wala na siyang nagawa kundi ang magpatangay na lang sa akin dahil alam niyang hindi din talaga magugustuhan ni Kuya Zhaiken kapag nalamang halos hindi na naman siya nagpapahinga.