By Michael Juha
getmybox@h*********m
fb: Michael Juha Full
---------------------------------
Mag a alas-11 na ng gabi ng maisipan na naming umuwi. Dahil sa mas malayo ang bahay ko, inihatid ako ni Jerry angkas-angkas sa bisekleta nya. Mejo nawala na ang kalasingan nya. Nung nakarating na kami ng bahay, nagkwentuhan pa kami.
"Sandali... wala ka bang balak matulog o anu...? May trabaho ka pa bukas at ako ay may klase pa?" Tanong kong pagpapasaring na dapat umuwi na sya at matulog na rin ako.
"Oo nga pala, ano. Tulog na tayo?" sabay bitiw na naman ng ngiting hindi lang pamatay kundi nakakaloko pa.
"Ano ba yan... sini-seduce na naman ako neto..." bulong ko sa sarili.
"Anong sabi mo?"
"Wala... Bakit ganyan kang makangiti? At bakit ang sabi mo matulog tayo, e ang bahay mo nandun sa malayo?" tanong ko.
"Dito ako matulog... may problema ba? Nagpaalam na ako sa mama ko na di ako uuwi at dito ako sa bahay nyo matulog. Pwedi naman, di ba?"
At kahit nagdadalawang-isip, pumayag na rin ako. "O sige. Pero puro kalat ang kwarto ko, amoy paa, iisa lang ang kumot, maliit ang bed, etc, etc.
"Ano ka ba? Parang hindi mo ako kilala. Tara na!" pagmamadali nyang sabi.
Bago kami nahiga, hinubad nya ang t-shirt nya at pinahiram ko na rin ng pantulog na shorts. Hindi daw sya makakatulog pag nag t-tshirt. Nag shorts na rin ako at naghubad ng t-shirt. First time nyang matulog sa kwarto ko kaya't di ko maintindihan kung excited ako o ano. At kahit maliit ang bed nag-share pa rin kami.
"OK lang sa akin ang ganito, tol kahit masikip. Ang importante, magkasama tayo at naglalapat ang mga katawan at napakalapit natin sa isa't isa. At..." dagdag nyang pabiro "matsansingan mo pa ako" habang tumagilid paharap sa akin, idiniin ang mukha nya sa mukha ko, yumapos at ipinatong ang isang paa sa harapan ko at ikinikiskis yun dun.
Dama ko ang init ng kanyang katawan sa pagdampi nito sa balat ko. "Shiiiiit! Anjan na naman..." sambit ko sa sarili habang unti-unting tumigas ang ari ko. "Ikaw nga itong may pakana nito, eh, nagde-deny-denayan ka pa jan. Ang alam ko, ikaw itong nanananching sa akin" sagot kong kunyari hindi interesado sa pagpaparamdam nyang pagkiskis ng paa nya sa ari ko. Hinayaan ko nalang kahit na halos bibigay na ako. "Ano bang pangarap mo sa buhay?" tanong ko.
"Simple lang, ang makapag-aral tulad mo at makatapos ng isang kurso. Kapag may pinag aralan ka kasi, abot-kamay mo na lang ang kahit ano man ang gustuhin mo sa buhay. At hindi ka basta inaapi ng tao. Hindi kagaya ko; hindi kagaya ng mama ko... Kaya, naiingit talaga ako sa mga katulad mong nag-aaral."
"Ano lang ba ang natapos mo?"
"Grade six. Sana kung nakapag-aral lang ako, pareho na tayong graduating ng high school ngayon."
"Sa palagay mo kaya, kung may pagkakataon o oportunidad na maibigay sa iyo, pwedi kang mag-aral ulit?"
"Oo naman. Alam mo, nung nag-aaral ako, palagi akong first honor. Bilib nga sa akin ang mga teachers ko e. At na-accelerate din ako isang beses, Grade 3 ako tapos dumeretso ng Grade 5."
"Talaga? Angtalino mo pala. Kaya pala kahit grade six lang ang natapos mo, magaling kang magbasa at magsulat at ang lalim-lalim ng pag-iisip mo na minsan di ko ma pick-up, hehe." Sabi kong natawa "Pero gusto mo ba talagang mag-aral?" Paniguro kong tanong ulit.
"Syempre naman... Kaso, panu ko magagawa iyon, e... heto kumakayod ako para pantawid-gutom lang. Kung mag-aaral pa ako nyan, anong gagastusin ko? Anong kakainin ng pamilya ko? Kaya, wala talagang pag-asa..." buntong-hininga nya. "Kalimutan na nga lang natin ang topic na yan." Saglit syang natahimik. Mayamaya, bumulong sya sa tenga ko. "Mike, mahal mo ba ako?"
May dalang kilig sa akin ang tanong nyang yun. Parang may sumudot sa puso kong di maintindihan. Subalit sumiksik din sa utak ko na parang may hindi tama. Tumagilid ako at nagka-salubong ang mga tingin namin. Tinitigan kong maigi ang mukha at mga mata nya. "Hindi ko alam Jerry... Ang alam ko lang, masaya ako pag magkasama tayo"
"Ako ba mahal mo?" tanong ko rin sa kanya.
Tinitigan din nya ako at hinaplos ang mukha. "Hind ko rin alam e. Basta ganun din ako, masayang-masaya pag nagkakasama tayo, kagaya ngayon, yakap-yakap natin ang isa't-isa. Pag magkasama tayo, parang humihinto ang oras, nawawala ang pagod ko at pag-alala sa bukas..." Nahinto sya sandali at nagtanong ulit. "Ano ba ang nagustuhan mo pala sakin Mike?"
"Ewan ko. Siguro yung ngiti mo, super-pamatay talaga e. Alam mo, nung una nating pag-uusap at nginitian mo ako, sarap na sarap akong tingnan ang bibig mo, tapos yung ngipin, at mata. Pag ngumiti kanang ganyan, heaven talaga, pramis, hehehe".
(lacking here)
kitang umuubo parang may nag-udyok sa akin na ako na lang ang bubuga ng usok sa bibig mo. Nakakabighani kasi. Hayyyy... mag-uusap nalang ba tayo hanggang umaga?" sabay bitiw na naman ng nakakalokong ngiti.
"O sige na, matulog na tayo. Good night!" sabi kong kunyari hindi ko nakuha ang ibig nyang sabihin.
"Hindi yan. Heto - hmmmmpppttttt!" at idinampi ang labi nya sa labi ko...
Sa gabing iyon muli na naman naming ipinapalabas ang bugso at init ng aming mga katawan na kung saan naudlot dun sa plaza. At sa pagkakataong iyon, mas mapusok, mas mainit, at mas sabik sa isa't isa...
Kinabukasan, maaga kaming nagising, nag-breakfast kasama ang pamilya ko at sabay na ring umalis ng bahay, sya sa pagtitinda at ako naman sa eskwelahan. Bago kami naghiwalay, sinabi ko sa kanya na hindi ako makapuntang tindahan at may gagawin ako sa school at kung gusto nyang magkita kami, puntahan nya nalang ako sa bahay mga 8 ng gabi.
Dumating nga sya, 730 palang, may bitbit na mainit na tinapay galing sa isang sikat na bakery sa lungsod namin, yung paborito naming kinakaing tinapay kapag namamasyal kami sa gabi. "Hey... musta ang best friend ko? Na-miss ko ang number one fan at taga-masid sa akin sa pagtitinda ako e, hehe" sabay hug sakin.
"Na-miss din kita tol, at alam mo, may good news ako para sa iyo!" sabi kong excited na excited para sa kanya.
"Talaga? Ano yun?" tanong nyang excited din.
"Natandaan mo kagabi nung tinanong kita kung ano ang ambisyon mo at ang sagot mo ay gusto mong mag-aral? Naisip ko na i-apply kita sa scholarship program ng school namin na pagmamay-ari ng mga madre. Kaya hindi ako nakapuntang tindahan ngayon dahil pinuntahan ko talaga ang office ng direktor. Qualified ka kasi dahil para lang ang program na to sa mga batang gustong mag-aral ngunit walang panggastos. Pag pumasa ka, libre ang lahat ng gastusin sa school, may allowances pa at ang klase ay sa gabi. Kayat pwedi ka pa ring makapagtinda sa araw. O di ba ok?"
Mejo nag-aalangan sya. "Papasa kaya ako?"
"Bakit hindi? Matalino ka nga e! Alam ko papasa ka, tol. Tsaka wag kang mag-alala. Tulungan kitang mag-review. Magtiwala ka, ok? Di ba..." dugtong ko, "ako ang official guhit ng buhay mo, ang tulay mo patungo sa iyong mga pangarap?" sabay tawanan at nag-hug ulit kami.
Ang saya-saya nya ng gabing iyon.
Nai-apply din namin ang scholarship ni Jerry. Ininterview sya at nakapag take ng test. After two weeks nagbigayan na ng results. Isa-isang tinawag ang mga aplikante sa opisina ng direktor, pinakahuli si Jerry. Nung tinawag na sya, pati mama nya ay pinapasok din sa loob ng opisina at kinausap. Nagtaka ako at kinabahan kung bakit si Jerry lang ang mejo matagal at pati mama pa nya ay kinausap din. Hindi ako mapakali habang hinihintay ang paglabas nila at kung ano ba ang pinag-usapan nila sa loob.
Malungkot si Jerry nung lumabas sila ng office. "Tol, anong balita? Pumasa ka ba?" tanong kong hindi mapakali.
Hindi sya sumagot. Parang walang narinig at dumeretso sa pag-upo sa tabi ko, nakayuko at halos tutulo na ang luha.
"Nakapasa ka ba? Sagutin mo naman ako, o..." pagmamakaawa ko.
(Itutuloy)