4

1659 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full --------------------------------- Si Jerry, nakatayo sa may likuran ko at mejo groggy. "Hey! Lasing ka ba?" "Hindi naman tol, nakainum lang..." "Halika nga rito, mag-usap tayo" sabi kong pasigaw at may halong pagka-inis." Tumabi sya sa inuupuan ko, nakayuko na parang batang mangungumpisal. "Ibig mong sabihin, hindi mo ako sinipot dito sa tamang oras dahil may kainuman ka? At sino naman ang kainuman mo? Sya ba yung nag-turo sa iyong humithit ng m*******a?" Hindi sya sumagot. Parang napikon ako sa hindi nya pag-imik. "Ok, isang tanong lang ang gusto kong sagutin mo: importante ba sa yo ang pagkakaibigan natin?" sabi kong nakatingin sa kanya na hindi pa rin natinag sa pagyuko. "Dahil sa side ko, napaka-importante ng pagkakaibigan natin, at napaka-importante mo sa akin at yung mga pinagsamahan natin, yung mga masasayang samahan natin, at lahat-lahat sa pagkakaibigan natin. Iyong mga araw na hindi tayo nag-uusap, nato-torture ako eh, ansakit-sakit ng nararamdaman ko, alam mo yun? Gusto kitang kausapin at ibalik yung dating closeness natin ngunit nag-aatubili akong gumawa ng hakbang dahil hindi ko alam kung galit ka sa akin o ikaw pa rin ba yung best friend na nakilala ko... parang hindi na kasi kita kilala eh. Parang hindi na ikaw yung nakilala kong napaka-mahiyain at napakabait na Jerry. Pero kahit ganun pa man, heto, gumawa pa rin ako ng paraan, kinapalan ko ang mukha ko sa pagpunta sa pwesto mo kangina at ibagsak yung asukal, hindi ko pinansin kung may makakakita man sa ginawa ko at kung meron man wala akong pakialam. At ngayon heto, naghintay ako sa iyo ng isa't kalahating oras, nagmukhang tanga, nag-iisa habang ang hinihintay kong 'best friend' ay nakikipag-inuman kasama ang ibang tao. Ganyan ba ang isang matalik na kaibigan? Iiwanan ka, pinapabayaan ka dahil mas importante ang inuman" "Tama na Mike, tama na, please... nasasaktan ako" pagmamakaawang sabi nyang tumutulo na pala ang luha. "Bakit? Hindi ba ako nasaktan din, ha?" "Alam kong nasaktan ka, Mike, alam ko yun.... At kung ano man ang sakit na nararamdaman mo, ganun din ako. At hihingi ako ng tawad jan. Mali ako... Pero pwede ba, pakinggan mo naman ako?" Hindi na ako kumibo. "Una, pasensya na, late ako at nakainom. Hindi ko kasi alam kung paano haharap sa iyo..." Huminto sya, nag-isip ng sunod na sasabihin. "Marami kang hindi alam sa pagkatao ko, Mike... Magkaiba tayo ng mundo. Nasa itaas ka, samantalang ako ay nasa ibaba lang. Hindi nga lang nasa ibaba eh, nasa putikan pa" sabi nyang nakayuko pa rin at pinakawalan ang napakalalim na buntong-hininga. "Alam mo, nung namatay ang papa ko, ten years old lang ako nun, dun ko naranasan ang tindi ng hirap ng buhay at ang magalit sa mundo. Sa tinutuluyan naming bahay, tito ko mismo ang umabuso sa akin. Lumayas ako at nagpalaboy-laboy sa kalye, natutong suminghot ng rugby, hangang sa drugs na kung minsan, kasama ang mga tambay at batang lansangan. Nakulong ako dahil sa pagnanakaw at sa kulungan naranasan ko ulit ang maabuso ng pulis at mga kapwa preso. Nung makalabas ako, tuloy na naman ang pakikibaka ko. At nung may isang beses na inalok ako ng panandaliang aliw para magkapera, naisipan kong gawin yun dahil na rin sa hirap at pangangailangan ng pamilya ko. 13 years old lang ako nun... Nung malaman ng mama ko iyon netong taon lang, nagalit sya at nagdesisyon na sumama na kami ng mga kapatid ko sa kanya sa pagbenta ng soybeans... Kaya ganyan na lang ang galit ko sa mundo at sa sarili. Ang sumisiksik palagi sa utak ko ay yung pagbababoy nila sa pagkatao ko. Wala e... Wala akong maipagmamalaki, wala akong kwentang tao. Siguro kung hindi sa mukha kong to, walang pumapansin sa akin. Ito lang naman ang habol ng mga tao sa akin e, ang mukha at katawan ko...." at tuluyan na syang humahagulgol. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi makapagsalita sa narinig kong iyon. At ang nangingibabaw sa akin ay awa at habag sa kanya. "... at kasama ba ako dun sa mga tao na sinabi mong mukha mo lang ang habol sa iyo?" Tiningnan nya ako. "Hindi, Mike, iba ka sa kanila. Tinanong mo kung importante sa akin ang pagkakaibigan natin? Oo. At aaminin ko, simula nung magkaibigan tayo, dun lang sumaya ulit ang buhay ko. Sa pagkakaibigan natin ko lang natutunan muli ang tumawa, ang maghintay sa pagdating ng umaga sa dahilang magkita na naman ulit tayo at magkasama sa buong maghapon. Sa yo ko lang nararamdaman uli ang tunay na diwa ng pakikipagkaibigan. Iba ka sa lahat Mike... espesyal ka para sa akin. Kung kaya't wala akong lakas na sabihin sa iyo ang mga sikreto ko dahil ayaw kong pandirihan mo ako at mawala ka sa akin. Ngunit hindi rin tama na ilihim ko na lang sa iyo ang lahat. Kaya yung nangyari sa atin sa farm ninyo ang paraang naisip kong gawin... upang ipakita sa iyo kung ano ang pinaka-tago-tago kong pagkatao at bahala ka nang mag-desisyon kung kaibiganin mo pa rin ba ako o pandirihan. At sa tingin ko, pinandirihan mo ako dahil sa hindi mo na pagpansin sa akin. At dahil dun, unti-unti na namang bumalik ang galit ko sarili at sa mundo..." "Hindi tol, hindi totoo yan! Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganun ang nangyari dahil hindi mo naman sinabi sa akin. Nalilito lang ako..." paliwanag ko habang niyakap sya. "Walang nagbago sa akin, tol, wala. At ngayong alam ko na ang buong kwento mo, lalo akong humanga sa katatagan mo. Totoo yan. At lalo akong bumilib sa iyo." "Pero may mali pa rin, Mike. Iba ka at iba ako. May katuturan ang buhay mo, malaki ang pag-asa." Yumuko sya at may iginuhit sa buhangin. "Kumbaga, ikaw nandito sa tuldok na to at dito sa kabilang tuldok ay ang patutunguhan mo, ang pangarap mo. Sa gitna netong dalawang tuldok ay ang guhit na nagsilbing tulay. Diretso ang buhay mo; alam mo rin kung saan ang patutunguhan mo. Higit sa lahat, nanjan lang ang guhit na sya mong tulay patungo sa iyong pangarap. Samantalang ako, oo, nandito ako sa tuldok ko. Kahit pinipilit ng mga taong burahin ito, lumalaban pa rin ako. Ngunit hindi ko alam kung hanggang saan ko kaya at kung nasaan ang isang tuldok, kung meron man. At ang hindi ko rin alam ay kung nasaan ang guhit na nagdudugtong dito na sya kong tatahakin..." (Kaya ayaw kong madamay ka sa dumi at kawalan ng pag-asa ng buhay ko. Ayokong maging masamang impluwensya sa iyo. Tama nang may isang katulad ko na masama, walang pag-asa sa buhay... Napakabait mong tao, matalino ka at normal ang pamumuhay mo. Hindi malayo na magiging matagumpay ka sa buhay...) Halos hindi ko ma-intindihan ang napakalalim nyang binitiwang salita. Naisip ko na lang na siguro ang dahilan ng malalalim nyang pag-iisip ay dahil sa matinding karanasan nya sa buhay. At ang naitanong ko na lang ay, "Naniniwala ka ba sa tadhana?" "Hindi ko alam... sa dami ko ba namang dinaanang kahirapan sa buhay. Yan ba ang tadhana? At bakit ako pa? Di ba unfair?" "Ewan ko, hindi ko masasagot yang mga katanungan mo. Pero alam mo, sabi ng tatay ko na ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ay may dahilan at katuturan. Kadalasan, hindi natin nalalaman ang dahilan ng mga pangyayari subalit hindi na mahalaga kung malaman mo man o hindi. Ang mahalaga, ay hindi nawawalan ang tao ng pag-asa... (kuwento ng nagkasakit ang inay ay at ang itay ay nagmamadaling umuwi dahil naghihingalo ang inay at baka di na nila maabutan pa. Di nakasakay sa barko ngunit lumubog ang barko... at nang nakauwi ang itay kinabukasan, normal na ang kalagayan ng inay...)" Sabi ko habang hinawakan ang isa nyang kamay. "At ang sabi mo, nasa putik ang kinalalagyan mo ngayon; na wala ka ng pag asa. Ayaw mo na bang umahon, tumayo at linisin ang putik sa katawan mo? Ayaw mo na bang baguhin ang takbo ng buhay mo?" Natahimik sya ng ilang sandli. "Di ko alam tol kung paano..." "Di kaya ang dahilan kung bakit nakilala at naging kaibigan mo ako ay dahil ako ang sinasabi at hinahanap mong guhit na syang magsilbing tulay mo patungo sa iyong mga pangarap?" "Hmmmm...." nag-isip sya. "Maari." "Kung ganun, magtiwala ka. At simula ngayon, ako na ang official 'guhit' ng buhay mo? Sabi kong pabiro. At binitiwan na naman nya sa akin ang pamatay nyang ngiti. "Sure!" "So Friends ulit?" sabay offer ko ng pakipagkamay sa kanya. "Jerry Rodriguez" sabi nyang nakangiti pa rin, sabay hablot ng kamay ko at hinila yun para magyakap kami. Masigla at mahigpit... Nasa ganung ayos kami ng parang may gumagapang na namang init sa katawan ko. Nagtitigan kami at aktong idadampi na sana nya ang bibig nya sa bibig ko nang may bigla akong naalala. "May m*******a ka jan?" Napahinto sya at nagtaka. "Meron" ang mabilis nyang sagot. Dinukot ang isang stick at ibinigay sa akin. "Ito lang ba?" tanong ko. "Oo... actually di naman sa akin yan e, kay Bong, yung kasamahan ko sa soybeans" pag iiexplain nya. Sisindihan na sana nya iyon ng bigla kong pagpupunitin at itapon. "Ei! Anong ginawa mo?" sigaw nyang nabigla sa ginawa ko "Di ba sabi mo ay ayaw mo akong madamay sa pagigign "masama" at masira ang buhay ko? Tumango siya. "Di ba ako ang official 'guhit' ng buhay mo?" Tumango uli syang kitang-kita pa rin sa mukha ang pagtataka. "Pwes may rules ang guhit na yan. At ang sabi dito, hmmmm.... bawal ang m*******a!" sabi kong mejo pasigaw na may halong biro. "Hah...? E, di naman akin yun e." sagot nya habang kamot-kamot ang ulo. "At bakit mo naman sana sindihan, aber?" tanong ko ulit. "Akala ko ba gusto mo?" "Pwes, maraming namatay sa maling akala. At simula ngayon..." dugtong ko "wala nang sigrilyo o m*******a, OK? "Labo naman neto! OK... sinabi mo eh!" Wala na syang nagawa. At sabay na lang kaming nagtawanan. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD