9

1915 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full --------------------------------- NAPABUNTONG-HININGA na lang ako habang binalik-balikan sa aking isip ang mga alaalang iyon. Ang sakit lang kasi. Nangako siya na hindi niya ako iiwan. Pero iniwan niya rin pala. Isang araw bago dumating ang aking birthday ay nakatanggap ako ng birthday card mula kay Jerry. Nakapetsa ng December 8 sa postal, sampung araw din ang takbo sa koreo. Hindi ko talaga alam kung bubuksan iyon o hayaan na lang. Ngunit nanaig ang kagustuhan kong mabasa ito. Nang binuksan ko, ang card niya ay may drawing na kulay gold na dalawang kampana na may malaking pulang ribbon, may mga bulaklak at dahon ng poinsettia at sa ibaba nito ay may dinagdag na hand-made lang na drawing ng dalawang pulang magkasudlong na puso na tinusok ng palaso. Gusto kong matawa kasi nga pamasko ang dating ng card ngunit may pang-valentine na drawing. Binasa ko ang dedication nito. Iyong dedication ng good wishes sa pinagsamang pasko at birthday para sa isang best friend. Tapos may sulat-kamay din sa baba, "Isang bagay lang ang tunay na nakapagpapasaya sa akin sa pasko, ang makasama ang best friend ko. Kaya ang hiling ko ay ang mapatawad niya ako. At dahil birthday niya rin, sana ay matupad ang mga hiling niya sa buhay. At sana... kasama ako sa mga hiling niya." Binitiwan ko na lang ang isang malalim na buntong-hininga. Muli kong isiniksik ang card sa loob ng sobre nito, ipinatong sa mesa. "Napatawad naman kita 'Tol eh... Wala kang kasalanan. Ayaw ko lang talaga na maging hadlang sa inyo ni Rachel. At ayaw kong paaasahin ang sarili sa isang pagmamahal na wala namang patutunguhan." Ang bulong ko sa sarili. Tila nakadagdag pa sa aking kalungkutan ang card niya na iyon. Okay lang sana kung kahit nasa malayo siya pero ako pa rin ang best friend niya. Ngunit tila nag-iba na ang hihip ng hangin. Kung sinabi niya noon na wala pa sa isip niya ang babae, hindi na ako naniwala sa pagkakataong iyon. Kung noong magkasama pa sana kami, pinaniwalaan ko iyan dahil kahit maraming mga babaeng umaaligid sa kanya, hindi niya sila pinapansin. Sa katunayan kapag may love letter para sa kanya, ako ang pinapabasa niya, sa akin niya ibinibigay ito. At kapag may pagkain na ipinapadala, hindi niya ito tatanggapin at kung mapilit ang nagbigay, ibinibigay niya ito sa akin. Titikim na lang siya kapag type niya ang pagkain. Kaya sobrang lungkot ang naramdaman ko para sa darating na birthday. Okay lang kung ang walang handa dahil sanay na ako riyan. Ang pinakamasaklap lang talaga, wala si Jerry. Marahil ay dahil sa sobrang pag-iisip ko sa kanya, napanaginipan ko siya kinagabihan. Nasa Maynila raw siya. May ka date siya, isang babae. Maganda ang babae, mestiza, at bagay na bagay sila. Pagkatapos ng date, hinatid niya ang babae sa bahay nila at hinintay. Nang lumabas ang babae mula sa bahay ay maydala-dala itong maleta. Dumiretso sila sa terminal Sumakay ng bus ang babae. Umuwi ng boarding house niya si Jerry. Sa kuwarto nila ay may mga double-deck na kama at ang isa noon ay ang sa kanya. Kinabukasan, habang tulog pa ang kanyang mga kasama sa kuwarto ay abala siya sa pag-impake. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagka-excited. Pagkatapos niyang mag-impake ay tumungo rin siya sa terminal ng bus at sumakay. Hayun, umandar ang bus at naglakbay ito nang napakalayo, hindi ko alam kung saan. Hanggang sa pinara niya ang bus sa gilid ng isang bahay. Malaki ang bahay na iyon. Hindi ko alam kung kaninong bahay. Bumaba siya ng bus, dala-dala ang isang knapsack at isang hand-carry at tinumbok ang nasabing bahay. Huminto siya sa harap mismo nito. Doon huminto ang aking panaginip. Nagising kasi ko sa malakas na pagkatok ng pinto na halos kalampagin na lang ito. Malapit kasi sa pinto ng bahay namin ang aking kuwarto. Nang tiningnan ko ang guwang sa bintana, medyo madilim pa bagamat humahalo na ang kaunting sinag ng araw. Kinuskos ko ang aking mga mata at pinilit ang sariling tumayo upang buksan ang pinto. Mabigat man ang aking katawan ngunit nagpumilit akong tumayo dahil baka may emergency kung kaya ay ganoon na lamang kalakas ang pagkatok ng kung sino man iyon. Halos disoriented pa ang aking utak sa biglaan kong paggising. Nang nabuksan ko na ang pinto, laking gulat ko nang ang tumambad sa aking mga mata ay si... "Jerry!!!" ang sigaw ng utak ko. Natulala ako sa aking nakita. Ang Jerry na ang suot-suot ay luma at gusgusing damit ay ang ganda na ng porma! Puti ang kanyang t-shirt na nasa ilalim at ang sa ibabaw ay sweatshirt na grey na may bonnet. Naka-faded na maong siya, iyong may punit-punit sa tuhod at hita, nakasuot ng adidas na asul na may tatlong puting guhit. At ang kanyang mukha, lalong pumogi at kuminis! Lalo na noong tinanggal na niya ang kanyang bonnet, doon ay lalo pa akong namangha at namesmerize sa kanyang ipinagbago. At nang binitiwan pa niya ang isang pamatay na ngiti, tila mawalan na ako ng ulirat. Iyon iyong sobrang hinahangaan ko sa kanya. Sobrang nakakabighani, nakaka in-love, nakaka-praning ang kanyang ngiti. "Hoy! Para kang nakakakita ng multo!" ang sambit niya nang natulala na lang ako sa kanyang harapan. Doon na tila nanumbalik ang aking katinuan. "I-ikaw ba iyan, 'tol?" ang nasambit ko na lang. "Bakit sino pa ba?" ang sagot din niya. "Sandali lang ha..." Binuksan niya ang kanyang knapsack at hinugot mula roon ang isang box na naka gift wrap at may ribbon pa. "Regalo ko sa iyo..." ang sambit niya habang iniabot niya iyon sa akin. "Happy Birthday!" dugtong pa niya. Hindi ko napansin na tumulo na pala ang aking mga luha. Ni hindi ko na magawang tanggapin ang regalong inabot niya dahil hindi ko napigilan ang sariling yakapin siya nang mahigpit. Hindi na rin ako nakapagsalita. Humagulgol na lang ako dahil hindi ako makapaniwalang sa paggising ko sa umaga ng aking birthday ay siya kaagad ang makita ko, at ang greeting niya ang una kong narinig. Niyakap din niya ako. "'Di mo man lang ba ako papasukin?" Ang sambit niya. Agad kong pinahid ang aking mga luha at natawang kumalas sa aming yakapan. "Sensya na. Nasasabik lang ako sa iyo eh. Grabe, kala ko ay panaginip pa rin. Napanaginipan kasi kitang sumakay ng bus at...basta iyon na!" ang sambit ko na lang. Baka kasi hindi siya maniwala. Siguro iyon iyong sinasabi nilang mental telepathy o iyong kapag masyado mo raw iniisip ang taong mahal, napapanaginipan mo siya, o kaya ay nararamdaman mo ang nangyayari sa kanya. Nang pumasok na kami ng bahay, diretso kaagad kami sa aking kuwarto. Nagmamadali at nang nasa loob na kami, dali-dali rin naming hinubad ang aming mga damit. Ewan, ngunit kahit hindi kami nag-uusap, pareho naming ginawa ang paghubad. Nang parehong hubo't-hubad na, wala kaming sinayang na sandali. Agad na naglapat ang aming mga labi. At sa matinding kasabikan sa isa't-isa, nangyaring muli ang mga bagay na iyon sa amin ni Jerry. Sa isang iglap lang ay biglang nabura ang aking pangako sa sarili na iiwasan ko na siya. Hindi ko pala talaga kaya. Sobrang mahal ko siya. Nang pareho na kaming nahimasmasan, ikinuwento ko kung bakit hindi na ako sumulat, iyong dahilan na ayaw ko na sanang masaktan, na ayaw kong umasa, na ayaw kong matuld sa aming kapitbahay na hindi nakayanan ang sakit ng paghiwalay sa kanya ng kasintahan, na dahilan upang mawala ang tamang pag-iisip niya, at nagpalaboy-laboy na lang sa lansangan. "Hindi mangyayaring iiwan kita, 'Tol. Di ba iyan ang ipinangako ko sa iyo? Paninidigan ko iyan, 'tol" ang sambit niya. Ikinuwento rin niya na labis siyang nasaktan sa hindi ko pagsulat. Akala nga raw niya ay hindi ko na siya tatanggapin. Kaya naisipan niya na umuwi kahit may mga assignments sila na dapat tapusin, naghanap pa rin siya ng paraan. Ikinuwento rin niya ang tungkol kay Rachel. Na tunay na magkaibigan lang talaga sila at wala nang iba. Chinese daw si Rachel at may lalaki nang ipinagkasundo na ipakasal sa kanya, anak ng kanilang family friend na Chinese din. At mahal niya ang lalaking iyon. Sinabi rin ni Jerry na ipinabasa niya ang sulat ko kay Rachel at prangkahang sinabi niya kay Rachel na mahal niya ako at nagmahalan kami. Hindi naman daw nagulat si Rachel nang malaman na nagmamahalan kami ni Jerry. Naramdaman na raw kasi ni Rachel iyon nang palagi akong ikinuwento ni Jerry sa kanya. Naguilty nga raw si Rachel dahil wala naman daw siyang masamang hangarin. Kaya gumawa siya ng sulat para sa akin. At si Rachel pa raw ang gumawa ng paraan para i-approve ang aking pagpapaalam na uuwi ng probinsiya dahil sinigurado niyang siya ang tatapos sa project na naka-assign para sa kay Jerry at sa pagbalik ni Jerry ay siya naman ang gagawa sa assignment na para kay Rachel. Binasa ko ang sulat ni Rachel. Sa sulat ay nanghingi siya ng dispensa, at nagpaliwanang na iyon nga, may ipinagkasundo na siya na pakasalan, anak ng family friend nila. "Heto pala, may regalo din siya sa iyo, 'tol..." ang sambit ni Jerry na bumunot uli ng isang box ng regalo mula sa kanyang bag. Nang binuksan ko ito, bumulaga sa aking mga mata ang isang bracelet na silver. "Ang mahal siguro nito, 'tol!" ang sambit ko. "Para sa ating mahihirap, mahal na iyan." Ang sagot niya. "Sabihin mo sa kanya na salamat ha?" "Okay, sasabihin ko. So hindi ka na nagseselos?" "Hindi na." "Iyan ang utol ko." Ang sagot niya, sabay yakap sa akin at halik sa aking pisngi. "O... ang regalo ko naman ang buksan mo!" ang sambit niya. Binuksan ko ang regalo niya. Natuwa naman ako kasi ang regalo niya ay iyong nilaminate na litrato namin kung saan ay nakasakay kaming dalawa sa bisekleta, siya ang nagdala habang ako ang naka back-ride. "Ang ganda!" ang sambit ko. Naalala ko ang pagpapakuha namin noon. Nagkataong nagbisekleta kami at dumaan sa bahay ang ritratista na kapitbahay, nagpakuha kami kaaagad habang nagbibisekleta. "Itago mo siya, 'Tol para kahit ano man ang mangyari, hindi mo ako malilimutan. At... kapag nakikita mo iyan, palaging mananariwa sa isip mo ang sandali kung saan ay sarili natin ang mundo." Ang sabi niya. "Ay grabe... para namang alam mong maghihiwalay talaga tayo ah! Ayoko ng ganoon!" ang pagtutol ko pa. "Hindi naman. Syempre, hindi natin hawak ang pagkakataon, 'di ba? Hindi natin hawak ang tadhana. Hindi natin alam ang mga darating pa na mga pagsubok sa ating dalawa." Natahimik na lang ako. Med'yo malungkot kasi ang kanyang sinabi. "S-sa atin 'Tol... ano ang plano mo?" ang pagbasag ko sa katahimikan. "Iyong tayo? Sa relasyon natin?" ang sagot niya. Tumango ako. "Gusto ko 'tol, sa ibang bansa tayo manirahan. Kasi 'di ba may mga bansa na walang pakialam ang mga tao sa ganitong relasyon natin. Kagaya ng Amerika, mga liberated ang mga tao roon. Puwede rin sa Canada, mga ganyang lugar. Iyan ang pangarap ko para sa atin. Pag-igihan ko ang pag-aaral ko at kapag nagtagumpay, mag-apply ako ng trabaho para sa abroad. Hindi naman malayong hindi matupad iyan, di ba?" Tumango na lang ako at binitiwan ang isang matipid na ngiti. Hindi ko na rin sinagot pa ang kanyang tanong. Hindi ko naman kasi alam kung matutupad iyon. Ang babata pa namin at matagal pa iyon. At kagaya nga ng sinabi niya, hindi namin hawak ang takbo ng tadhana. Isinandal ko na lang ang aking ulo sa kanyang balikat. Agad naman niyang hinaplos-haplos ang aking buhok. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD