11

1371 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full --------------------------------- Kinagabihan ay narining namin ang pag-usap ng inay ni Jerry at ng kanyang Tita. Nasa sala lang kasi sila kung saan ay naroon din kami, naglalaro ng baraha, nagpapaantok. Doon din kasi ang aming tulugan. "Ang yaman na pala ni Carding." Ang sambit ng inay ni Jerry. "Oo... at naging mata-pobre na. Hayan, alam niyang pupunta ka pero hindi man lang nagpakita." "Hayaan no na. Hindi ko siya masisisi. Mayaman na siya eh." "Mayaman pero sa masamang paraan niya nakuha ang pera. Nagtutulak iyan ng droga. Drug lord at drug p****r iyan dito!" "G-ganoon ba? Hindi pa rin pala siy natuto. Hindi pa rin nagbago." Ang sagot ng inay ni Jerry. "Hay naku. Ewan kung magbabago pa ba ang taong iyan. Alam mo, maraming krimen na ang nangyayari rito sa atin. Ang mga kabataan ay marunong nang gumamit at suminghot ng ipinagbabawal ng gamot. Kaya marami nang nakawan, snatching, hold-uppan. Noong nakaraang linggo lang, may biktima ng r**e at itinapon ang bangkay ng biktima. Labing apat na taong gulang lang! Naaawa ako sa mga nasirang buhay ng mga bata!" "Diyos ko..." ang pabulong na sagot ng inay ni Jerry. "At heto pa, halos linggo-linggo ay may salvage victim na itinatapon diyan sa may ilog malapit dito sa atin!" "Bakit daw sila pinapatay?" "Onsehan daw sa droga." "Alam ba ng mga tao na si Carding ay isa sa mga may kinalaman sa droga?" "Ay sus! Alam ng buong bayan. At malalaking tao ang protector niyan. Kaya takot ang lahat na magsumbong. Saan ba magsumbong?" Hindi na umimik ang inay ni Jerry. Umiiling-iling na lang siya. Alam kong narinig niya rin ni Jerry ang pag-uusap ng kanyang inay at tita. Pabulong ko siyang tinanong, "Sino ba si Carding?" Nahalata ko ang biglang pagsimangot ng kanyang mukha. "Huwag na natin siyang pag-usapan." "Siya ba iyong tiyuhin na sinabi mo?" ang paggiit ko. Tumango siya. Iyon lang. Hindi na ako nagsalita. Alam ko kung gaano kahirap para sa kanya ang maalala ang masakit niyang nakaraan. At alam ko rin na gusto na niyang malimutan ang lahat. At hindi makakatulong kung igigiit ko pa ang topic na iyon. Tumahimik na lang ako. Hindi na rin siya nagsasalita. Hanggang nagyaya na siya na matulog na kami. Maga-alas 10 na ng umaga nang magising kami kinabukasan. Ginising kami ng inay ni Gerry dahil magpapatulong ang tita niya sa p******y ng baboy. May alaga kasi sila at inihanda raw iyon para sa salosalo na kasama sina Jerry. Kaya naging abala kami sa pagtulong sa halos buong maghapon. Kahit pagod, masaya rin naman. Kasi, syempre, hindi matatawaran ang pagkakataon na kasama ko siya. Ganyan naman talaga. Kapag kasama ang mahal mo, kahit gaano man kahirap ang sitwasyon o gaano man ka-bigat ng trabaho basta kasama mo siya, tila hindi ka napapagod. Exciting pa rin ang trabaho. Masaya. Nang magsimula nang dumilim, doon na nagsimula ang kasiyahan. Naririnig na namin ang mga paputok. Bagamat kaunti pa lang ngunit iyong adrenalin rush na sinasabi ay naroon. Iyong maglalakad ka lang sa kanto na may puputok bigla, at syempre nagpaputok na rin kami. Kanyon na gawa sa kawayan ang gamit naming paputok. Nilalagyan ito ng atsaka hihipan at sindihan ang maliit na butas ng kanyon at, "BOOOMMM!!!" Iyon na. At habang nagpapaputok kami ng kawayang kanyon, ang inay, tito at tita ni Jerry naman, sampo ng ilang kaibigan at malalapit na kamag-anak ay nag-iinuman. Umiinum din kami ni Jerry, konti nga lang. Alak kasi ang kanilang ininum kaya patikim-tikim lang kami. Binawi na lang namin sa pulutan. Nang mag-alas-dose na, lalo pang tumindi ang ingay ng mga paputok. Iyong iba ay nangalampag ng mga kaldero, pinggan at iba pang mga nakakagawa ng ingay. Sobrang saya! Ala-1:00 ng madaling araw ay gising pa rin kami. Nang medyo humupa na ang putukan at mangilan-ngilan na lang ang mga tao sa paligid. Naisipan ni Jerry na mamasyal. "Huwag na kayong mamasyal Jerry! Magpahinga na lang kayo. Madaling araw na. Nagkalat ang mga adik d'yan sa labas!" ang pagtutol ng inay ni Jerry nang marinig niyang papasyal kami. "Sandali lang po kami, Nay! Na-miss ko lang kasi ang umikot sa plaza sa mga ganitong bagong taon." Ang sagot ni Jerry. Ako naman ay tinamad, napagod sa buong araw naming trabaho at kasiyahan. Ngunit dahil gusto ni Jerry, sumang-ayon na rin lang ako. Umikot kami sa plaza at sa karnabal, kasama pa rin ang dalawang pinsan niyang mga lalaki. Halos wala na ring tao sa mga lugar na iyon. Nang ma-inip ay naisipan naming umuwi na lang upang makapagpahinga. Malapit na kaming makarating sa bahay ng tita ni Jerry nang mula sa isang madilim na sulok ng kalsada ay may biglang tumawag. "Jerry!" Inihinto ni Jerry ang pagpadyak niya sa bisekleta sa tabi ng nasabing tao, itinukod lang ang kanyang isang paa habang nanatiling nakatayo ang bisekleta at hindi ako bumaba sa pagkakaangkas ko sa likuran niya. Huminto rin ang dalawang pinsan niya. Doon ko nalaman na tito pala nila iyong tumawag nang bumaba sa kanilang bisekleta ang dalawang pinsan ni Jerry at nagmano. Siya rin pala ang may-ari ng mala-mansyon na bahay na nasa gilid lang ng kalsada, may tatlong magagarang sasakyan at isang pick-up na nakaparada sa harap nito. Pilit kong inaninag ang postura niya. Matangkad na nasa 5'10 ang taas, medium ang pangangatawan. At base sa galaw niya at pananalita, para siyang lasing o naka-droga. "Dumaan muna kayo sa bahay." Ang sambit ng tito niya sabay turo sa malaking bahay. "Hindi na po! Pagod na po kami." Ang matigas na sagot ni Jerry. "Jerry. Hayaan mo naman na makabawi ako sa iyo. Sa ngalan ng bagong taon at kapaskuhan, ibalik natin iyong mganda nating samahan." "Magandang samahan???" ang sarcastikong sagot ni Jerry na napailing pa, halata ang pagtitimpi sa sama ng loob na itinatago. "Okay. Kung masama ang loob mo sa akin. Patawarin mo ako. Basta paunlakan mo lang ang imbitasyon ko." "Sorry po. Uuwi na po kami. Pagod na pagod na po kami." "Jerry naman! Porket nakapag-aral ka na ngayon sa Maynila, ganyan ka na kung makaasta? Mayabang?" "Hindi po ako nagmamayabang na nakapag-aral akong muli. Pagkatapos masira ang buhay ko, muli po akong bumangon at muling binuo ang mga pangarap dahil sa mga taong tunay na nagmamahal sa akin. At hindi ko po hahayaan na masirang muli ang buhay ko at buhay ng mga pinsan ko!" "Jerry naman! Hindi ko naman sinira ang buhay mo eh. Kung nakisama ka lang sana sa akin, e, di pati ikaw ay mayaman na ngayon. Hindi mo na kailangang maghirap pa sa pagtatarabaho at pag-aaral." "Hindi ko po masikmura ang magkaroon ng perang hindi pinaghirapan. Hindi po ako liligaya kung yayaman ako ngunit sa likod ng aking yaman ay may mga buhay na nasira at mga pangarap na nawasak! Ayoko sa perang galing sa masama." "Hay naku. Wala ka pa rin talagang ipinagbago maliban sa iyong paglaki at lalo pang pag-pogi. O sya, huwag na tayong mag-argumento. Marami pang mga pagkain sa bahay, may beer pa kung gusto ninyong mag-inuman." "Hindi na po. Salamat." Ang matigas na sagot ni Jerry na akmang papadyak na sa bisekleta. "May Betamax ako, puwede rin kayong manuod. Marami akong palabas. Hayan o, si Ram-ram at Dodong" turo niya sa dalawang pinsan ni Jerry, "mahilig manuod iyan ng mga palabas!" Biglang nahinto si Jerry sa kamang pag-alis na sana namin. "Betamax tape? Iyong may bold na palabas?" ang tanong ni Jerry na tumaas ang boses. "Oo..." Nilingon ni Jerry ang dalawang pinsan. "Nanuod ba kayo noon?" Tila nag-alangang tumango ang dalawang bata na parang natakot o nahiya. Doon na lalo pang tumaas ang boses ni Jerry. Galit na galit. "Ginalaw mo rin sila? Walanghiya ka! Sinira mo na ang buhay ko! Binaboy mo pa ang pagkatao ko at ngayon, ang mga pinsan ko naman ang bababuyin mo???!!!" ang sigaw ni Jerry sabay bitiw sa bisekleta, hindi alintana na natumba ito at ako naman ay humandusay sa kalsada katabi ng bisekleta. Sinugod niya ang kanyang tiyuhin at pinaulanan ito ng suntok. "Walanghiya ka! Hayop ka! Demonyo ka! Bakit ba kita naging Tiyuhin, pu*****na mooooooo!!!" ang narinig kong sigaw ni Jerry. Sobrang galit talaga niya. Noon ko lang siya nakitang ganoon katindi ang galit. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD