REIGN SELESTINE “Noong nagpaalam ka na aalis ka last week. Nakita kita sa airport, may kasama kang magandang babae. Kaano-ano mo siya?” tanong ko sa kanya habang kinakabahan ako. “She’s my—” “Huwag mo na lang sagutin, kuya. Naitanong ko lang naman kasi naalala ko,” nakayuko na sabi ko dahil nahihiya ako. Hindi ko naman kasi dapat tinatanong ang ganitong bagay sa kanya. Naging tahimik ang paligid. Walang may nagsalita sa aming dalawa. Siguro nga hindi ko na talaga dapat tinanong ang tungkol sa bagay na ‘yon. Naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko. Kaya umangat ang tingin ko at tumingin na ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin na para bang natutuwa siya sa hindi ko malaman na dahilan. “She’s my colleague,” sagot niya sa akin gamit ang malambing niyang boses. Hinalikan rin niya ang