REIGN SELESTINE “Kuya, mali itong ginagawa natin.” sabi ko sa kanya. “Sino ang nagsabi?” tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. “A—Ako, kasi kuya kita.” nauutal na sagot ko. “Hindi tayo magkapatid. Walang magkapatid ang nagki-kiss.” Sabi niya sa akin. “Pero, kuya kita. Para sa akin kapatid kita. Kaya mali ito,” sabi ko sa kanya. “Gagawin ko ang lahat para makalimutan mo na kapatid ang tingin mo sa akin.” Sabi niya at muli niya akong hinalikan. Napapikit naman ako sa ginawa sa akin ni Kuya Vin. I kissed him back. Wala lang gusto ko lang. Patuloy kaming dalawa sa paghahalikan nang biglang tumunog ang phone ko at si Kian ang tumatawag. “Fvck!” He cursed habang nakatingin sa pangalan ng caller. “Wait lang, kuya. Tumatawag ang kaibigan ko,” sabi ko sa kanya. “Hayaan