REIGHN SELESTINE “Vin!” tawag ni Ate Annalyn kay Kuya pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi sa lalaki na pumasok rin dito sa kusina. Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon. Anong ginagawa niya dito? Tanong ko sa sarili ko. Kaya ba hindi siya nagrereply sa akin dahil nasa biyahe siya papunta dito. “L–Lance,” mahina na sambit ko. “Happy birthday,” nakangiti na sabi niya sa akin at may binigay siya na bulaklak. “Thank you,” nakangiti na sambit ko. “Okay ka lang ba?” napalingon ako dahil narinig ko ulit ang boses ni Ate Annalyn na tinatanong si Kuya Vin. “I’m good,” seryoso na sabi ni kuya at tumingin siya sa akin pero umiwas ako. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Kinakabahan na naman kasi ako. Tapos mas lalo pa akong kinabahan dahil bigla na lang dumating si Lanc