REIGHN SELESTINE “Ren-ren, gusto kitang maging girlfriend ko.” sabi niya sa akin kaya nakatingin ako sa kanya. Gusto kong maniwala. Pero may pumipigil sa akin. Mahirap kaya kapag umasa. “Kuya, hindi ka dapat nagbibiro ng ganyan.” sabi ko sa kanya. “Nagbibiro ba ako?” tanong niya sa akin. “Kuya—” “I’m serious, Ren-ren.” putol niya sa sasabihin ko. “Kuya, nagbibiro ka lang diba?” tanong ko sa kanya dahil ayaw kong maniwala. Pero nakatingin lang siya sa akin at ang seryoso ng mukha niya. Seryoso ang gwapo niyang mukha habang sinasabi niya na seryoso siya. “Kuya, kung joke ito ay—” Nagulat na lang ako dahil bigla niyang hinapit ang baywang ko. Nakatingin siya sa akin. Nakatingin siya sa labi ko at ganun rin ako sa kanya. “I’m serious, babe.” sabi niya at hinalikan niya ako sa labi.