Chapter 9 Lander's POV "Huwag kang mahiya mamaya, ha? Basta ikapit mo lang iyang mga legs at thighs mo sa baywang ko. Higpitan mo rin ang kapit mo sa leeg ko. Malapit na tayong manalo, believe me, Ksenia. Isang round na lang ang natitira," aniya sa seryosong tinig habang ikinukondisyon ang katawan sa pamamagitan ng pag-i-stretching. Siya na ang nag-describe sa posisyon ko mamaya. Bakit pa kasi um-oo ako kaagad? Nakahihiya iyong itsura namin mamaya! Hindi ko kaya! Pero nandito na ako at nakasang-ayon na rin. Iniisip ko na lang na laro lang ito, na pipilitin lang naming manalo dahil sa prize. Humugot ako nang malalim na paghinga at saka determinadong tumango sa kaniya. "Huwag kang mag-alala, tayo ang mananalo, tinitiyak ko 'yan sa iyo." "Good," wika naman nito sabay bend ng isang tuhod.