Simula
Simula
________________
Panay ang sayaw ko sa gitna ng dance floor kasama ang mga katrabaho ko. It was the accounting firm's annual party celebrating years of excellence in the industry.
"Grabe ka, Novielle! Walang hiya hiya, basta party go lang nang go! Sige, bes, ihataw mo pa!" tumawa naman ako sa sinabi ni Pam, ang kaibigan kong bakla sa office.
"Gaga, libre 'to aba. Syempre naman susulitin ko na. Sa susunod na araw balik buryong na naman tayo sa trabaho," at muli ko pang maharot na ikinendeng ang aking balakang habang ikinukumpas sa ere ang aking mga kamay na sumasabay sa upbeat ng kanta.
Lakas talaga makataas ng energy kapag Electro Dance Music ang kanta.
Nang makaramdam ng hilo ay nagpaalam muna ako kay baks at umupo sa medyo madilim na parte kung saan hindi gaanong tanaw ng mga tao.
Agad kong ininom ang tubig na kinuha ko sa dumaan na waiter at nilagok nang mabilis.
"Hayyy pucha ang bilis ko atang nahilo? Tsk bangko agad ah," pagkausap ko sa sarili habang nagi-scroll sa cellphone ko.
Hindi ko napansin na meron pala akong kasama sa table. Malaki kasi iyon at pabilog. Hindi ko naman kasi nilibot ang paningin kaya nagulat ako nang may nagsalita sa harap ko.
"Paano ka naman hindi mahihilo, kung mag-head bang ka kanina parang matatanggal na yung ulo mo," mabilis akong nag-angat ng ulo para hanapin yung nagsalita.
He was casually leaning his back against the dressed chair while his forearms were resting on the table. Maikli ang gupit ng buhok nito at nakahawi sa isang side. The pomade made his hair looking sleek and shiny. Dahil sa clean cut niyang buhok ay una mong mapapansin sa kaniya ay ang kaniyang straight-edged nose na may mataas na bridge.
Pota ang gwapo!
Oo, iyan talaga ang unang tumatak sa isip ko habang pinagmamasdan ko ang lalaking kaharap. Nakikita ko sa mukha niya ang amusement habang tinititigan ako. Ako ang gaga rin nakipagtitigan sa kaniya at sinuri siya harap harapan.
Formal siya sa suot na dark blue suit. Bagay na bagay. Ang manly niya talaga. May sarili kaya siyang stylist? Umaangat kasi ang kagandahang lalaki niya sa ayos niya.
"Pinapanuod mo ko? Crush mo ‘ko? Ang gwapo mo. May jowa ka ba? Single ako," sunod sunod kong bira sa lalaking kaharap. Gwapo nga kasi talaga siya. Type na type ko gan'un. Panga pa lang umiigting na. Saan ka pa? Ang totoo ay hindi ko siya kilala. Siguro ay isa ito sa big time clients ng aming firm.
Natawa siya sa sinabi ko. "For a woman, you are blunt. I like you. Is this your way of talking to people you just met?" tumawa rin ako at inabot ang finger foods na kabababa lang ng server.
"Uy, ang bilis mo ha. Like mo na ‘ko kaagad. Like rin kita. Hyper lang ako tonight kaya mataas ang energy ko makipag-usap ng ganito," nakita ko siyang napapangiti at iiling-iling. Nakakabaliw talaga akong kausap. Naghahanap ako ng tissue para punasan ang nadumihan kong daliri nang inabot niya ang panyo sa harapan ko. "Here."
Nginitian ko siya ng maharot saka nagpa-’shelemet’ Tinawanan niya lang ang kalokohan ko.
“What’s your name?”
“Bakit i-a-add mo ba ako sa f*******:?” tanong ko. Tumawa siya ulit. Yung tawa na malutong pero manly pa rin. Pansin ko pino rin siya kung kumilos. Maganda rin ang diction ng pag-i-ingles niya. Hindi mo makikita kumilos nang ganito ang isang normal na mamamayan.
Tingnan mo’ko, balahura.
“I want to know you more. You seem to be a fun person. I haven’t laugh like this in a long time,” sagot niya. Alam ko, may laman ‘yang sinasabi niya. Nakikita kong kumikislap ang mata niya. Talagang amused siya sa’kin eh, no?
“Novielle Antonio o ‘Novi’ na lang. I’m glad napapasaya kita. Sunod niyan akin ka na ha?” binaba taas ko pa ang kilay ko. Hala, sige, humarot at humayo ka, Novi!
Sasagot pa sana siya nang may sumingit sa masaya naming pag-uusap. “Hoy bakla ka! Hindi ka na bumalik d’un. Sino na naman ‘yang hinaharass mo- ay, hello po, Attorney de Ayala,” biglang umamo yung boses ni Pam.
Nanlaki naman ang mga mata ko. Lawyer ‘tong hinaharot harot ko? Pucha! Nakakahiya ka talaga, Novi!
Tumayo naman ang kaharutan ko at nilahad ang palad kay bakla. “Allister Charles de Ayala,” pakilala niya saka ngumiti ng tipid. Nagpakilala rin siya. “I’m Pamela Orga, Attorney. Mamayang alas dose balik Peter hihi.” p****k talaga. Natawa na lang kami.
Umupo na si Atty. de Ayala sa pwesto niya samantalang tumabi nang upo sa’kin si Pam. Bali katapat naming siya.
“Di ka na ulit iinom, Novielle. Nakakawala ka sa koral, eh. Pagpasensyahan niyo na po yan, Attorney. Lumalabas sayad at ikaw ang napagtripan,” sabi ni bakla kay Atty. de Ayala. Lakas. Pampam talaga ‘tong si baks kaya Pam pangalan, eh.
“Ay, waw! Daniela ang peg? ‘Wag mo ‘kong nilalaglag Mark Peterson ha,” banggit ko sa buong pangalan niya at pinandilatan siya. Ang gaga ilaglag ba naman ako dito kay Attorney. Amused lang pinapanuod ni de Ayala ang banters namin ni Pam.
Kita ko naman na kinilabutan si bakla nang marinig ang buo niyang pangalan. Nakakatawa yung itsura niya. “Ewww, Novi. Kadiri ka.” Ngisi lang ang isinagot ko.
“Do you guys work at LVP & Co.?” biglang tanong ni Attorney na sabay naming sinagot ni Pam nang ‘oo’. LVP & Co stands for Lumbao, Veron, Pelayo & Co. Accounting and Consultant firm. Isa ito sa top 5 accounting firms sa bansa. Tinanong pa niya kung saang department kami at ano ang position.
Magkasama kami ni Pam sa FS Audit department ng General Assurance and Financial Services.
“I enjoyed talking with you, Attorney. Sayang lang at kailangan nang umuwi ni Cinderella. Nice meeting you, Attorney de Ayala,” paalam ni Pam.
“The pleasure is mine, Pamela-oh Peter pala. It’s 12 midnight already,” biro ni Attorney. Humagikgik naman ang makintod kong kaibigan. Natawa naman ako.
“Mauna na ‘ko, Novi. Bye, sis!” bago umalis ay dumukwang siya at binulungan ako, “Gaga ka jackpot ka diyan. Laki nang paa niyan hahaha.” Napangisi kaming dalawa.
Bumalik ako sa pagkain ng finger foods. Pagpupunusan ko sana ulit ang panyong inabot ni Attorney de Ayala kung hindi ko nakita ang pangalan na nakaprint sa panyo.
Dolce Gabbana???
“Oh my,” nasambit ko na nakapagpalingon kay Attorney. “Dinugyot ko ‘tong panyo mo eh mashala pala nito,”
Jusmiyo! Saan naman ako kukuha ng anim na libo pambili ng kapalit? One-fourth na iyon nang sweldo ko ah.
Kumunot naman ang noo niya. “Mashala? What’s that? Is there even a word?”
“Mashala means mahal. Ang sosyal naman pala ng panyo mo, Attorney. Sorry, pang-Armando Caruso lang ang kaya kong ipampalit diyan. Magkahawig naman ng design eh,” nakanguso kong sabi.
Nang malaman niya ang tinutukoy ko ay napangiti siya. s**t! Gumwapo pa siya nang ten times sa paningin ko. Sarap este saya haha.
“No, it’s okay. Pwede naman labhan,” eh kenekeleg eke. Hindi siya nandidiri sa kabalahuraan ko.
“Ekew ne telege, Attorney. Gwapo mo talaga hihihi.”
Ngumiti lang ito saka humapyaw ng tingin sa relo. Napatingin din ako sa cellphone ko. 12:15 na pala ng gabi. Kaya pala marami nang nagsisilapitan kay Attorney para magpaalam. Dapat umuwi na rin ako.
Magpapaalam na sana ako kay Attorney nang maunahan niya akong magsalita. “Pwede ba kitang ayain sa ibang lugar? Oh, sorry. I forgot your parents must be looking for you. Do you have a car? Is there someone going to fetch you? Kung wala, may I take you home?” napatanga naman ako sa kaniya. Talaga bang may nag-aayang gwapo sa akin o ilusyon ko lang ‘to?
“Teka lang, Attorney. Isa isa lang ang tanong. Yes, may dala akong dalang kotse. Yes, pwede mo akong ihatid pauwi at yes na yes saan mo ako dadalhin?” nakataas-kilay kong tanong. Syempre ‘wag pahalata na sabik. Slight lang.
“Let’s go to Antipolo.”