Pagdating namin sa hapag ay isa-isa naming nilagyan ang kanilang mga baso, ngunit nang mapatingin ako kay Sir Vince ay nagulat ako ng magsalubong ang aming paningin.
Mariin itong nakatigtig sa akin na parang may gustong sabihin o ipahiwatig, kaya ng sa kanya na ako magsasalin ng juice at hindi ko napigilang panginigan ng mga kamay dahil sa kabang aking nararamdaman, hindi ko maintindihan kung bakit gan'to na lang kumabog ang aking dibdib sa presensya ni Sir Vince.
"Ayy! S-sorry po! Hindi ko po sinasadya," hingi kong paumanhin ng mataponan ko ito ng juice. Sa taranta ko naman ay naipunas ko sa mga hita nito ang aking apron na dahilan naman ng biglang tayo nito, at kita ko ang pag igting ng mga panga nito, sa takot ko naman ay napa atras ako at natabig ang pitsel na ikinahulog nito sa sahig dahilan para mabasag, sa taranta ko at halong takot, kaba at nerbyos ay dali dali ko namang pinulot ang mga bubog, dahilan naman para masugatan ako.
"Shiitt! Damn it! Ano bang iniisip mo at bakit dinampot mo 'yan? Kahit alam mong maaari kang masugatan!" galit na sabi ni Sir Vince.
Napatayo ako nang makita ko ang dugong umagos sa kamay ni Marie. "Maliit na sugat lang 'yon pero bakit gan'to na lang kalaki ang aking takot para sa kalagayan ng Babaeng ito. f**k!" sabi sa aking isip at mura ko ng makita kong pati pala paa nito ay dumudugo na rin, marahil ay may naapakan din itong bubog, sa takot na aking naramdaman ay binuhat ko ito at dinala sa kusina saka ibinaba sa counter table at tiningnan ang sugat nito. "Manang Fe!" sigaw kong tawag, "Pakikuha naman po ang first aid kit!" At saka ko naman ini-utos sa isang katulong na linisin 'yong nabasag sa sahig. Saglit pa'y bumalik na rin si Manang Fe at ini-abot sa akin ang first aid kit. Sinimulan ko na 'tong linisan at gamotin ang mga sugat, ng matapos ay para naman akong nakaramdam ng ginhawa, kaya wala sa sariling nayakap ko ito ng mahigpit pagkatapos ay hinalikan ko ito sa noo. "Please be careful next time, Baby." bulong ko rito, ramdam kong medyo nanigas pa ang katawan nito kaya naman napangisi na lang ako sa ang aking isip.
SAMANTALA, nakatulala lang si Marie kay Vince na waring nagugulohan sa mga kinikilos nito para sakanya. Habang gano'n din ang mga tao sa paligid nila na waring nagulat din sa naging kilos ni Vince para kaya Marie. Nagpapalipat lipat na lang ang kanilang tingin sa dalawa habang na papangiti. Lalo na si leizle na waring kinikilig sa naging aksyon ng Kuya n'ya para kay Marie. Kaya hindi maiwasang mag isip ang mga ito ng iba dahil sa ikinikilos ni Vince.
"Eheemm! Kuya, 'wag naman masyadong obvious. Lahat kami nagugulat eh." pang aasar ni Victor sabay ngisi, bigla naman akong nataohan kaya agad ko ring binitiwan si Marie at tumalikod.
"Mom, Dad. I have to go, I still have important things to do and thanks for lunch. Magpalakas ka Dad," sabi ni Vince sa mga magulang at humalik sa pisngi ng Ina at sa noo ni Leizle, bago pa tuloyang tumalikod tinapik muna sa balikat ang Ama at ni Victor.
"Bakit kasi anak hindi ka na lang dito mag-stay para naman hindi ka nag iisa at may mga nag aasikaso sa'yo, sa condo mo ikaw lang mag isa," pahabol na sabi ni Maam Shiela kay Sir Vince, kaya saglit itong napatigil at humarap muli sa Ina.
"I'll think about it, Mom." sagot ni Vince sabay tingin kay Marie na bahagyang yumuko ito at kita pa nito ang bahagyang pamumula ng pisngi nito. Napangisi na lang si Vince sa kanyang isipan dahil ramdam n'yang may epekto rin dito ang kanyang presensya.
Samantalang hindi naman mapakali si Marie ng matapos ang tagpong 'yon sa pagitan nila ni Vince. Kasalukuyan na silang kumakain nina Manang Fe at Aileen.
"Marie, puwede ba akong kiligin para sa'yo? Aayyie!" pang aasar ni Aileen, na akala mo'y sinisilihan ang puwet sa sobrang kilig.
"Naku, Aileen, tigilan mo nga 'yang si Marie. Halos hindi na nga makakain sa sobrang hiya eh," usal ni Manang Fe na kita ko namang nasisiyahan din sa pang aasar sa akin ni Aileen.
"Nakakainis talaga 'tong babaeng 'to, lalo na tuloy akong hindi makakain. Haizzt! bakit kasi gano'n ang ginawa ni Sir Vince," bulong ko sa aking isip, at napatakip na lang sa mukha ang aking mga palad.
"Hahaha! Kinikilig ka na rin ba Marie gaya ko? Hahaha! kasi ako kilig na kilig na, ang guwapo kaya ni Sir Vince." pang aasar pa ni Aileen.
"Tumigil ka na nga d'yan, Aileen, nasa harap tayo ng pagkain eh," saway ko rito.
"Marie, tanong ko lang nagka-Boyfriend ka na ba?" tanong ni Aileen.
"Hay naku, Aileen, wala sa isip ko 'yan dahil mahalaga sa akin ay ang aking pamilya. Kaya nga hindi na rin ako nangarap mag aral ng kolehiyo dahil sa kakulangan ng pang gastos, at ginusto ko na lang magtrabaho noong nakatapos ng highschool para makatulong sa aking pamilya" sagot ko.
"Pero kung halimbawa si Sir Vince manligaw sa'yo? Papayag kaba?" tanong nito na ikinasamid ko naman.
"Diyos ko, Aileen! ano ba namang tanong mo 'yan? Hindi mo ba kita ang sitwasyon ng pamumuhay natin sa pamumuhay nila? Suntok sa buwan 'yang sinasabi mo, Aileen. Napakalabong mangyari iyang bagay na 'yan, saka isa pa tumigil ka na nga sa pangungulit mo at baka may makarinig sa atin, baka dahil lang sa usapang ito ay mawalan tayo ng trabaho, at hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho dahil ang laki ng naging utang namin at dapat ko 'yong bayaran," mahabang paliwanag ko.
"Sige na nga! Huwag ka na magalit, saka kunwari lang naman kasi eh, masyado ka namang seryoso d'yan, hehe," sagot ni Aileen.
Samantalang si Manang Fe ay nakikinig lamang sa amin ni Aileen. Marami akong gustong itanong kay Manang Fe tungkol kay Sir Vince pero hindi ko magawa, nakakahiya kasi at ayaw ko namang isipin nila na may iba akong nais ipahiwatig.
Lumipas ang oras. Natapos na rin kami sa aming pananghalian at natapos na rin ang aming mga trabaho, kaya pumasok na muna kami sa aming silid upang magpahinga. Sinilip ko ang aking cellphone na de-keypad at baka sakaling may mensahe sina Ate Jane, ganoon na lang ang kaba ko ng makita ko ang 16-MissedCalls ni Ate at 10-text Messages nito, dali dali ko 'tong tinawagan para alamin ang dahilan ng kanyang mga missedcalls na 'di ko nasagot, na hindi ko na nagawa pang buksan ang mga text nito.
"Hello? Ate? May problema ba? Kumusta si Nanay? Anong nangyari?" sunod sunod kong tanong ng sagutin nito ang aking tawag.
"Marie, hinga ng malalim tapos kalma. Hahaha! Walang nangyaring masama at ayos lang din si Nanay, ito nga at nagkukwentohan sila ni Tatay. Nag half-day lang kasi si tatay noong nalamang puwede na si Nanay lumabas ng Ospital, nagbigay na kasi ng order ang Doktor na maaari na ring iuwi si Nanay at sa bahay nablang daw magpalakas. Kaya 'wag ka ng mag isip ng kung ano d'yan, Ok? 'Wag ka ring mag alala sa paglabas ni Nanay kami na ang bahala ni Michael. Narito naman si Tatay, nasabi ko na rin kay Nanay na nagtatrabaho ka na ngayon sa Mansyon ng mga Montemayor. Mag iingat ka palagi d'yan, Marie. At salamat din sa lahat ng sakripisyo mo para sa pamilya natin," mahabang sabi ni Ate.
"Mabuti naman kung gano'n Ate, medyo nakahinga na ako ng maluwag. Kinabahan lang ako kanina. Salamat Ate, kayo na ang bahala kay Nanay ha? Baka hindi muna ako makapasyal sa atin dahil kasisimula ko lang dito eh, nakakahiya naman kina Maam Shiela na mag paalam para mag day-off. Kauumpisa ko pa lang kasi eh, saka Ate 'wag mong isipin 'yang bagay na 'yan. Pamilya tayo at handa ako magsakripisyo para sa pamilya natin," usal ko.
"Oh sige na Marie, mag iingat ka d'yan palagi ha? Palabas na rin kami ng Ospital. Bye! Sasalamat uli Marie, dahil sa'yo nadugsongan ang buhay ni Nanay," paalam ni Ate at hindi ko na napigiling 'di mapaiyak.
"Sige Ate. Mag iingat din kayo palagi d'yan ikumusta mo na lang ako kina Nanay, tawagan ko na lang mga minsan si Bunso pag libre na ako uli sa oras. Bye! Ate." paalam ko at pinutol na rin ang tawag.
Napatulala na lang ako sa pag iisip ng kung ano ano dahil sa sitwasyon namin sa buhay. Hanggang sa nakatulogan ko na lang ang pag iisip.
Nagising ako ng maramdamang may tumatapik sa aking balikat, pag mulat ng aking mga mata ay nabungaran ko si Aileen.
"Oh Aileen. May kailangan ka ba?" tanong ko sabay tingin sa orasang nakadikit sa pader na malapit sa puwesto ng tv. Napabalikwas naman agad ako ng bangon ng makitang alas singko na pala ng hapon na hindi ko na namalayang napahaba na pala ang oras ng aking pagtulog na sana ay iidlip lang.
Kaya dalidali akong bumangon at inayos ang sarili saka hinarap muli si Aileen.
"Diyos ko, Marie. Nahiya naman ako sa'yong gisingin ka. Haha!" pang aasar na naman nito.
"Pasensya na Aileen hindi ko namalayan. Dala siguro ng puyat sa nagbantay kay Nanay sa Hospital bago ako dumiritso dito," paliwanag ko.
"Ay gano'n ba? Sorry Marie, binibiro lang naman kita. Ipinapagising ka na kasi ni Manang Fe at ipinalilinis daw ni Maam Shiela 'yong silid ni Sir Vince, dito na daw kasi uli mag-stay. Ayieee!" sabi nito.
Lumabas na rin kami ni Aileen ng aming silid pagkatapos kong ayosin ang aking sarili at dumiritso na sa silid ni Sir Vince bitbit ang mga panglinis at pamalit na sapin ng kama at punda ganoon na rin ang kurtina.
Pagpasok namin sa silid ni Sir Vince ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ayos ng silid nito. May malawak na kama na naka pwesto sa gitna, sa tigkabilang gilid ng kama ay may bedside table na may nakalagay na lamshade at ilang mga pictures, lumapit ako upang tingnan ang mga larawan, subalit naagaw ng isang larawan ang aking atensyon, may kasama itong babae habang naka yakap dito at nakadikit ang labi ni Sir Vince sa noo nito, kita sa larawan ng mga ito ang labis na pag mamahalan, maganda rin 'yong babae, makinis, maputi at halatang galing din sa mayamang pamilya. "Sino kaya 'to? Baka ito yong sinasabi nilang Girlfriend ni Sir Vince, maganda ito at bagay na bagay ang dalawa." bulong ko sa aking isip. Ibinaba ko na ang larawan at nagsimula na ring maglinis, muli kong inilibot ang aking paningin sa loob ng silid, may dalawang pintuan akong nakita, na maaaring ang isa ay banyo, may maliit sa sala rin sa loob ng silid, nasa harap naman ng malaking kama naka puwesto ang tv, may mga ilang display rin na malapit dito, kulay abohin at puti ang kulay ng silid na may bahagyang itim na kumbinasyon.
Lumipas ang mahigit isang oras ay natapos na namin ni Aileen ang paglilinis sa silid ni Sir Vince. Pagkatapos ay bumaba na sa kusina para tulongan naman si Manang Fe sa pagluluto at pag aasikaso para sa hapunan ng aming mga amo. Saglit pa'y narinig na naming pababa na ang mag Asawang Montemayor kasunod si Maam Leizle at Sir Victor.
"Magandang gabi sa inyo Manang fe, Jhoy at Aileen," bati ng mag Asawa.
"Magandang gabi rin naman po sa inyo Sir Vicente at Maam Shiela," sabay na bati naming tatlo.
"Kumusta na nga pala Jhoy ang 'yong Nanay? Naging maayos ba ang naging operasyon? Magsabi ka lang kung may kailangan ka ha? Gano'n na rin kayo Manang Fe at Aileen, 'wag kayong mahihiyang magsabi kung may mga problema o gusto kayo dahil pamilya na rin namin kayo," usal ni Maam Shiela.
"Ayos na po ang Inay, Maam Shiela. Maraming salamat po sa naitulong n'yo sa aming pamilya. Nakauwi na rin po si nanay kanina at pinayagan na raw po ng Doktor na maaaring sa bahay na lang daw po magpalakas basta 'wag lang daw po kakaligtaan ang pag inom ng mga gamot sa tamang oras para mas mabilis daw po ang paggaling. Salamat po uli sa inyong kabutihan," sagot ko.
"Mabuti naman kung gano'n, magandang balita," sagot naman nito.
Habang masaganang naghahaponan ang mag-anak ay muli naman nagsalita si Maam Shiela.
"Manang Fe, nalinis na ba ang silid ni Vince?" tanong ni Maam Shiela.
"Ay oho Maam, nalinis na po ni Marie at Aileen kanina," sagot ni Manang Fe.
"Salamat kung gano'n sa inyong dalawa Jhoy at Aileen, tumawag ang Sir Vince n'yo kanina at uuwi na raw rito, awan ko ba sa bata na 'yon, matagal ko na 'yong pinalilipat dito pero palaging 'no' ang sagot, kaya nagulat ako kanina ng tumawag at sinabi na uuwi na raw s'ya at dito na mag-stay kesa sa condo n'ya," sambit ni Maam Shiela.
"Mom, baka naman may nahanap ng gamot, gamot para tuloyan ng maghilom," nakangising sabi naman ni Sir Victor.
"Honey, hayaan mo na ang anak mo kung ano'ng gusto at plano n'ya sa buhay, matanda na 'yang panganay natin at siguro naman ay natoto na rin s'ya," sambit naman ni Sir Vicente.
"Alam ko naman 'yon honey, 'di ko lang talaga maiwasang 'di pa rin mag aalala bilang isang ina dahil sa nakaraan," malungkot na sagot naman ni Maam Shiela.
"I heard from a friend that Nicolle was coming back here because she found out that Kuya Vince is already here," sabi naman ni Leizle.
"Pabayaan na lang natin ang kapatid n'nyo sa bagay na 'yan, alam n'ya na ang dapat gagawin." sambit ni Sir Vicente, na hindi na rim sumagot pa ang mga kaharap at kanya kanya na lang kibit ng kanilang mga balikat.
Maya maya pa ay natapos na ang mag anak sa masaganang haponan at sinimulan na rin namin linisin ang pinagkainan nila, ng matapos ay nag aya na rin si Manang Fe na kumain na rin daw kami ng haponan.
Nasa lamesa na kami rito sa kusina kung saan mayroon din nakalaan para sa mga kagaya naming kasambahay, ng bigla namang nagsalita si Aileen dahilan para mapalingon kami rito.
"Manang Fe, 'diba ho matagal ng hiwalay si Sir Vince at si Maam Nicolle? At si Maam Nicolle pa nga ang naglukosa kanilang dalawa 'diba? Kaya nga umalis ng bansa si Sir Vince eh, Tapos ngayon gusto na rin ni Maam Nicole dahil nalamang umuwi na rito sa pilipinas si Sir Vince. Anong tingin n'ya? gano'n lang ba kasimple 'yong ginawa n'ya kay Sir Vince? Hay naku! Kung ako lang kapatid ni Sir Vince, noon pa lang kinalbo ko na 'yong haliparot na 'yon, nakakainis talaga!" gigil na sabi ni Aileen at kita ko pa rito ang pagka-irita sa pananalita at itsura.
"Ano ka ba Aileen, tigilan mo na 'yang mga usaping 'yan at matagal na 'yang tapos, baka mamaya n'yan may makarinig pa sa'yo, at isipin pa na pinag tsitsismisan natin ang kanilang pamilya na silang bumubuhay sa atin, kumain ka na lang d'yan para mabusog ka," saway naman ni Manang Fe kay Aileen.
"Si Manang Fe talaga oh! Nabanggit ko lang naman po dahil sa narinig nating usapan kanina ng pamilya, kung ako kay Sir Vince dedmahin ko nalang 'yan para mapahiya, akala siguro hanggang ngayon mahal na mahal pa rin s'ya ni Sir Vince." sambit pa ni Aileen ngunit hindi na kumibo si Manang Fe at nakita kong umiling na lang ito.
SAMANTALA, tahimik lang na nakikinig si Marie sa mga nagiging usapan nina Manang Fe at Aileen, napaisip naman s'ya kung 'to nga ba yong Babae na nasa larawan na kasama ni Sir Vince na nakalagay sa gilid ng kama sa silid nito o kung 'to nga 'yon, bakit nagawa pa n'yang saktan si Sir Vince, basi na rin sa mga naririnig ko sa pamilya niti at kay Aileen. Paano'ng sakit ang naranasan ni Sir Vince dahil sa Babae na 'yon, at bakit sa bagay na 'yon ay parang pinipiga naman ang aking puso, 'di ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng gan'to na parang ako ang mas nasasaktan, na parang may kung ano'ng gusto lumabas sa aking mga mata na waring gusto itong lumuha.
"Hoy! Marie? Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? May problema ka ba?" nag aalalang tanong ni Aileen, dahilan naman para lingonin ko 'to saka ko naman kinapa ang aking mga pisngi, totoo nga pala na lumuha ako ng hindi ko na namamalayan.
"Marie? Hija, may dinaramdam ka ba?" nag aalalang tanong din ni Manang Fe kaya naman napalingon din ako rito.
"Naku! ayos lang po ako Manang Fe at Aileen, medyo nangati lang po ang mga mata ko kaya siguro 'di ko namalayan ang pagtulo ng aking mga luha." paliwang ko naman sa mga 'to para 'di na rin mag isip ng kung ano pa man.
Pero ng tumingin ako ay Aileen ay nakita kong seryoso naman 'tong nakatitig sa akin na waring 'di naniniwala sa aking naging dahilan. Sandali pa ay pinilit ko na rin taposin agad ang aking pagkain at ng makaiwas na sa mga bagay na maaari pang itanong ni Aileen. Tumayo na ako at dinala ko na sa lababo ang aking pinagkainan at hinugasan ito kasama ng ilan pang mga hugasin, at ng matapos ay nag paalam na rin ako sa kanila na mauuna na muna ako sa aming silid.
"Manang Fe, puwede na po ba akong mauna na munang pumasok sa aming silid ni Aileen? Medyo sumama lang po kasi ang aking pakiramdam," paalam ko kay Manang Fe at kita ko pa sa mukha nito ang simpatya at bahagyang pag aalala sa aking sinabing dahilan.
"Ay ganoon ba? Hala na, Hija, magpahinga ka na muna at kami na bahala rito ni Aileen, pero uminom ka muna ng gamot ha bago ka magpahinga ng sa ganoo ay gumaan ang 'yong pakiramdam," sagot naman ni Manang Fe.
"Opo, Manang Fe, salamat po sa pag aalala, hayaan n'yo po at gagawin ko ang inyong bilin, –aileen, mauna na muna ako ha? pasensya ka na, sinamaan lang talaga ako ng pakiramdam," sabi ko sa dalawa, tumango naman si Aileen at suminyas na ayos lang, pagkatapos ay tumalikod na rin ako at tumuloy na sa silid namin ni aileen.
Pagpasok ko ng silid ay naglinis lang ako n katawan at nagpalit ng damit, pagkatapos ay nahiga na rin. Ilang minuto ko pang pagmumuni muni ay nakaramdam na rin ako ng antok, pakiramdam ko ay ang daming nangyari ngayong araw na 'to na sobrang ginulo ang aking presensya, simula ng makita ko si Sir Vince.
Hindi naman nagtagal ay tuloyan na rin akong hinatak ng antok ar tuloyan na rin nakatulog.