{'VINCE's POV'}
Nang makarating ako sa hospital kinabukasan ay inabutan ko sila Mom at Dad na naghihintay na sa akin. Ngayon kasi ang labas ni Dad mula sa ilang araw na pagkaka-hospital, at maaari na lang daw na sa bahay na lang magpagaling ayon na rin sa Doktor nito dahil bumuti na rin naman daw ang kalagayan nito. Alas diyes na ng umaga at medyo na-late na ako ng dating dahil dumaan pa ako ng opisina bago dumiritso rito sa ospital.
"Hi Mom, Dad! I'm sorry, i'm late, may dinaanan pa kasi akong papel sa office. So? Are you ready? Let's go, then!" pag-aaya ko sa mga 'to.
"Just a moment, Vince, let's wait a little more time, 'cause your siblings aren't here yet," pigil naman ni Dad sa aking pag aaya na uwuwi na.
"Why? Where did they go?" nakakunot noo kong tanong.
"May kinausap lang na tao, Son, d'yan sa katabing restaurant, sumama naman si Leizle para malibang daw." sagot naman ni Mom, hindi na ako suamagot at tumango na lang saka naupo na muna sa couch habang naghihintay dalawa kong kapatid.
Samantala, nakikinig lang ako sa kuwentohan nina Mom and Dad tungkol sa nag-ngangalang Marie, na bagong kasamabahay raw sa Mansyon, 'di ko na lang binigyan pa pansin, dahil 'di rin naman ako interesado sa buhay ng iba, pero ganoon naman ang ipinagtaka ko ng biglang kumabog ang aking dibdib ng muling banggitin ni Mom ang pangalan Marie habang ikinukuwento kay Dad ang mga magagandang katangian nung sinasabi nitong Marie na pinaguusapan ng mga 'to, na akala mo ay kilalang kilala na talaga ng mga 'to at ganoong na lang kadali para sa kay Mom na masabi ang nga katangian nung babae. "Sino ba'ng Marie na 'yan at bakit ganito na lang ang aking pakiramdam ng marinig ko ang pangalan nito na binanggit ni Mom." bulong ko sa aking isipan, kagaya ng aking nararamdaman sa babae na dalawang beses ko pa lang nakikita noong araw na umuwi ako rito from hongkong, at bakit halos iisa ang aking nararamdam sa babae na 'yon at sa Marie na kinukwento ni Mom kay Dad, 'di ko tuloy maiwasang hindi mapaisip sa mga oras na 'to.
Lumipas pa ang mahigit isang oras at dumating na rin sina Vitor at Leizle.
"So? Let's go?" tanong ni Victor sa amin ng makapasok na ang mga 'to sa loob ng Private Room ni Dad, 'di na rin nagtagal ay tumayo na rin kami at lumabas na ng hospital.
Ilang sandali pa ay nasa byahe na rin kami pauwi ng Mansyon, si Mom at Dad lang ang kasama ko rito sa aking kotse, dahil sumabay naman si Leizle kay Victor na may dala rin na sariling sasakyan.
Lumipas pa ng mahigit trenta minutos ay nakarating na kami sa mansyon.
Bumaba na si Mom at Dad, pagkatapos ay nauna na rin pumasok ang mga 'to kasunod naman sina Leizle at Vctor habang ako naman ay nahuli dahil tinulongan ko pa si Mang Kardo na ibaba ang mga gamit mula sa sasakyan, at ng matapos ay sumunod na rin ako sa aking pamilya, sa pintuan pa lang ng Mansyon ay rinig ko na ang mga kumustahan at batian ng mga 'to.
Ngunit ng makapasok na ako ay ganoon na lang ang gulat na aking naramdaman ng makita ko sa loob ng Mansyon ang babae na ilang araw ng gumugulo sa aking isipan at nagbibigay ng kakaibang damdamin sa aking pagkatao.
"Magandang araw po, Sir Vicente at Maam Shiela," rinig kong bati nito habang nakatingin sa aking mga magulang na may ngiti sa labi, ngayon ko natitigan ng malapitan ang mukha o itsura ng babae na ilang araw na rin gumugulo sa aking isipan, mas maganda 'to sa malapitan, at may nunal pala 'to malapit sa itaas ng labi niya at mga dimple na maliliit sa tigkabilang pisngi nito na nakita ko dahil sa naging pag ngiti nito kaya bahagyang lumitaw ang mga dimple na 'yon, na 'di ko naman napansin sa una at pangalawang beses ng makita ko 'to sa mga 'di inaasahang pagkakataon, mga mata nitong nagpapasingkit lalo kahit may pagkabilogan sa tuwing ngumingiti, at ang mga ngiping pantay pantay na lalong nagdala sa magandang ngiti nito, ilong na may kaliitan pero matangos na s'ya namang bumagay sa maliit na hugis ng mukha nito, ang buhok nito ngayon ay nakatali sa likod kumpara sa una at pangalawang beses kong nakita na nakalugay lamang, at nakasuot 'to ng uniform para sa isang kasambahay na kulay Baby Pink,—teka! Parang—'to ba 'yong naririnig ko kay Mom na bagong kasambahay ng Mansyon na ikinukuwento nito kanina kay Dad nong nasa ospital pa lang kami at hanggang sa sasakyan ay bahagya pa 'tong naisisingit ni Mom sa pag-uusap ng mga 'to. "So? ikaw pala si Marie, ang babae na ilang araw ng gumugulo sa aking isipan, at paulit ulit kong iniisip kung pano kita muling makikita, 'yon naman pala ay rito lang kita makikita sa
Mansyon, sa mismong aking nasasakupan, at mukhang sadyang pinaglalapit tayo Baby ng pagkakataon ha?" bulong ko sa aking sarili na hindi ko naman napigilang hindi mapangiti.
Nakasunod lang ako sa bawat galaw ng mga mata nito, rinig ko rin na bumati ito sa aking mga Kapatid, pagkatapos ay ngumiti at bahagyang yumukod, ng muling pagtaas ng mukha nito ay doon na nagtagpo ang aming mga mata, nakatitig lang din 'to sa akin na hindi ko maintindihan kung ano ang nais ipahiwatig, ng mga titig nito, kita ko sa mga mata nito ang paghanga at waring pag nanasa lalo na ng mapadako ang mga tingin nito sa aking labi, ganoon na lang ang naging pag ngisi ko ng bumaba ang mata nito sa aking umbog sa gitna ng aking mga hita, kaya kita ko ang kanyang bahagyang paglunok at pamumula ng pisngi na waring kinakabahan o nahihiya. "Hahaha!" tawa ko sa aking isipan, "Easy lang baby! magme-meet din kayo ng aking buddy. SOON!" Maya maya pa ay sumunod na rin akosa aking pamilya papunta ng dining area, at ng muli akong lumingon banda rito ay nakatulala pa rin ito at waring ginigising ng kasamahanan nito mula sa pagkatulala dahil sa naglalakbay na diwa nito. Napangisi at napailing na lang ako.
Nagsimula ang aming masaganang pananghalian, nakikinig lang ako sa mga usapan ng mga 'to, ngunit ng mag angat ako ng aking mukha ay nakita ko naman na papasok na rin sa dining ang dalawang kasamabahay, si Aileen na matagal na rin naninilbihan dito sa mansyon at si Marie, ang aking Baby, sabay ng aking pagngisi sa aking isipan.
Maya maya pa ay nakita ko na ang mga 'tong nagsasalin ng tubig at juice sa aming mga baso, pero ng lalagyan na ni Aileen ng tubig ang baso ko ay pinigilan ko 'to at isinenyas 'yong juice na hawak ng aking Baby, kaya sumenyas naman ito kay Marie na salinan ang aking baso, ng lumapit na 'to sa akin para salinan ng juice ang aking baso ay ramdam ko na kinakabahan 'to dahil sa nakikita kong bahagyang panginginig ng mga kamay nito. Nagulat na lang ako ng may malamig na natapon sa aking pantalon at ramdam ko ang pagkabasa sa loob nito, at ganoon naman ang gulat ko ng ipunas nito ang suot na apron sa nabasang bahagi ng aking katawan ay napamura na lang ako dahil ramdam ko ang pagtigas ng aking p*****i ng 'di sinasadyang dumikit dito ang palad ni Marie dahil sa pagpupunas na ginagawa nito, at muli na naman akong napamura dahil sa naramdaman ko na rin na medyo sumisikip na ang aking suot na pantalon, dahilan naman para magulat ito at mapaatras.
Sa pag atras nito ay 'di sinasadyang natabig nito ang petsil na may lamang juice dahilan para mahulog at mabasag sa sahig, na naging dahilan din kung bakit ito nasugatan dahil sa taranta marahil at takot ay dali dali nitong dinampot ang mga basag na piraso bubog na nasa sahig, at bahagya namang nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang masaganang dugo na umagos sa mga kamay nito.
"s**t! Damn it! Ano ba'ng iniisip mo at bakit dinampot mo 'yan na kahit alam mong maaari kang masugatan!" medyo may kataasang boses ko na sabi rito, dahil marahil sa takot na makita ko itong nasugatan, maliit na sugat lamang 'yon pero bakit ganito na lang kalaki ang takot sa aking dibdib para sa kalagayan nito. Kaya napatayo ako, "Damn it!" mura ko pa ng makita kong pati pala paa nito ay dumudugo na rin, marahil ay may naapakan rin itong bubog.
Sa takot ng aking naramdaman ay binuhat ko 'to at dinala sa kusina saka ibinaba sa counter table, pagkatapos ay tiningnan ko ang sugat nito.
"Manang Fe, pakikuha naman po ang first aid kit" utos ko kay manang fe.
At ini utos ko naman sa isang katulong na linisin ang mga bubog sa sahig.
Saglit pa ay bumalik na rin si Manang Fe dala ang aking ini-utos saka ito ini-abot sa akin, sinimulan ko na 'tong linisin at gamotin, ng matapos ay para akong nakaramdam ng ginhawa, kaya wala sa sariling nayakap ko 'to ng mahigpit pagkatapos ay hinalikan sa noo. "Please be careful next time, Baby." bulong kong sabi rito at ramdam ko na medyo nanigas ang katawan nito, napangisi na lang ako sa ang aking isip.
Medyo nataohan naman ako at mapalingon sa gawi ng aking kapatid na si Victor ng marinig ko ang pambubuska nito sa akin.
Napailing na lang ako at napangisi sa aking sarili.
Sandali pa ay nagdisisyon na rin akong magpaalam na aalis na dahil may mga aasikasohin pa rin akong mahalagang bagay.
Bago ako tuloyang makaalis ay narinig ko pa ang sinabi ni Mommy, sinagot ko na lang ito at dumiritso na rin palabas ng mansyon.
Napangiti na lang ako at napailing ng maka pasok na ako sa aking sasakyan dahil sa kasahiyang nararamdaman.
"Hindi na pala kita kailangan hanapin, Baby, dahil tadhana na ang naglalapit sa atin. When I come back I will make sure that you will be mine, Marie. Just wait for me baby." mahina kong sabi habang nakatingin sa pintuan ng mansyon pagkatapos ay pinaandar ko na rin ang makina ng aking sasakyan, at muli ko pang nilingon ang mansyon bago tuloyang umalis.
{'MARIE JHOY's POV'}
Nagising ako ng umagang 'yon. Dinampot ko ang aking cellphone para tingnan ang oras doon, saka ako tumingin sa bintana at nakita kong madilim pa sa labas pero gising na ang aking diwa, alas singko na rin pala ng umaga, saglit pa a nagpasya na rin akong bumangon.
Kinuha ko ang aking uniform sa kabinet at dumiritso na sa banyo na nasa loob din lang ng silid namin ni Aileen upang maghilamos at mag toothbrush, ng matapos at makitang ayos na ang aking sarili ay nagpasya na rin akong lumabas, bago 'yon ay sinilip ko muna si Aileen na himbing pa rin sa pagtulog sa itaas ng aking hinihigaan, hinayaan ko na lang muna 'to tutal ay maaga pa rin naman, sadyang sanay lang talaga ako gumising ng ganitong oras dahil na rin sa mga naging trabaho ko noon bilang tindera sa palengke.
Tumungo na ako sa kusina upang magtimpla muna ng kape gaya ng aking nakasanayan gawin tuwing umaga, gumawa lang ako ng kape sa tasa gamit ordinaryong kape dahil hindi ko rin naman alam kung paano gamitin o i-operate ang tinatawag nilang coffee maker or machine para sa pag gawa ng masarap na kape, dahil dito lang naman ako nakakita ng ganyang klase ng machine, kahit ang pumasok nga sa mga coffee shop 'di ko magawa dahil wala rin naman akong ibibili, dahil may mga kamahalan din ang talaga ang mga halaga.
Pagkatapos kong magtimpla ay naupo na ako sa lamesang nasa loob din lang ng kusina. Napalingon naman ako ng marinig ko ang pagbati ni Manang Fe mula sa aking likuran.
"Oh? Marie, gising ka na pala. Magandang umaga sa'yo,Hija, bakit naman ang aga mong gumising?" tanong ni Manang Fe.
"Magandang umaga rin po, Manang Fe! Ayos lang po 'yon, sanay na rin naman po talaga akong gumising ng gan'tong oras at saka umaga na rin naman po, ilang minuto na rin lang at magpapakita na rin ang haring araw, kape ho tayo, Manang Fe, teka ho ipagtitimpla ko kayo ng inyong gatas," sagot ko at tumayo para gumawa ng gatas nito.
Nang matapos ay dinala ko ang gatas sa lamesa kung saan ako naka puwesto dahil naroon na rin si Manang Fee at nakaupo na.
"Salamat sa'yo, Marie, napakabait mo talagang Bata, kaawaan ka ng dyos," sambit nito at dahan dahan na rin nitong hinigop ang gatas na ginawa ko.
"S'ya nga po pala Manang Fe, ako na po ang maglilinis ng pool ngayon pagkatapos ko po magwalis ng bakuran at ayosin ang mga halaman, dahil nagsabi po si Aileen na s'ya na lang daw po muna ang bahalang maglinis sa mga kuwarto at pag katapos ko po ay saka na lang po kami magtutulong maglinis dito sa ibaba," paliwanag ko kay Manang Fe.
"Kayo ang bahala, Hija, basta matapos n'yo ng maayos ang mga trabahong nakatoka sa inyo ay maaari na rin naman kayong magpahinga. Hala na, Hija, at ako ay kailangang na rin magmadali dahil mamamalengke pa rin ako, mas mabuting umaga ng pagpunta sa palengke at 'di pa gaanong siksikan,isa pa ay magaganda ang isda at karneng aking mabibili kung maaga akong magtutungo roon," sabi ni Manang Fe, tumango na lang ako bilang pag sang-ayon.
Maya maya pa ay natapos na rin kami ni Manang Fe mag almusal at tumungo na ako sa labas para simulan ang aking trabaho, 'di rin naman nagtagal ay umalis na rin si Manang Fe kasama si Mang Kardo.
"Hhmm! Ang sarap talaga sa balat ng hangin pag gan'tong oras, maginhawa at masarap sa pakiramdam." bulong ko sa aking sarili habang nakapikit na nakatingala sa langit at dinama ang hangin sa paligid. Ilang sandali pa ay sinimulan ko na rin ang pagwawalis sa paligid at ng matapos ay inayos ko naman ang mga halaman, tinanggalan ko ng mga tuyong dahon at tinanggal ang mga natuyo nang maliliit na sanga ng mga halaman.
Ang gaganda n'yo naman, nababagay talaga kayo sa gan'tong paligid at lugar dahil talagang may nakalaang espasyo para sa inyo sa bakuran na 'to." sabi ko na waring kinakausap ang mga halaman. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ayos ng mga 'to na aking nakikita, dahil minsan ko rin pinangarap na balang araw gusto ko rin magkaron ng kahit maliit na espasyo para sa aking maliit na garden, mahilig din kasi ako sa mga halaman, kaya 'yon din nagiging libangan ko noon sa maliit naming bakuran pag wala akong pasok sa trabaho.
Nang matapos ay tinungo ko na rin ang pool para 'yon naman ang linisin, may kalakihan din ang size ng swimming pool sa Mansyon na 'to, may ilang upuan at lamesa rin sa gilid nito at maliit na space sa dulo na siguro ay maaring pag ihawan pag may mga okasyon. Meron din limang pool lounge chair na nakahilira sa gilid ng pool.
Ang sarap siguro talaga ng buhay pag mayayaman, hindi gaya naming mahihirap kailangan pang kumayod araw araw para lang may maipambili ng pagkain sa pang araw araw at para may pang laan sa iba pang gastosin.
Natapos ko na ang paglilinis sa pool at inayos na rin ang mga ginamit ko pag katapos ay saglit munang naupo sa isang bench chair na naka puwesto sa garden upang magpahinga lang saglit dahil ramdam ko ang pangangalay ng aking balakang, maya maya pa ay kinuha ko ang aking cellphone na di-keypad at tiningnan ang oras, alas diyes na pala ng umaga, at ilang oras din pala akong naglinis dito sa labas. "Gising na kaya si Aileen? Hindi ko pa kasi s'ya nakikitang lumabas ng bahay, si Manang Fe naman ay nakabalik na rin marahil dahil narinig ko ang tunog ng sasakyang dumating kanina, siguro si Mang Kardo na 'yon at si Manang Fe." bulong ko sa aking isip.