Prologue
Clara Pov
Naglalakad ako sa tabi ng kalsada nang hapong iyon. Galing ako sa opisina ni mam Crystal Hemenez. Dahil nagpasa ako ng resignation paper. Isa kasi akong secretary niya 2 years course lang ang natapos ko at secretary ang kinuha kong kurso na siyang napapakinabangan ko naman.
Mahirap lang kami kaya naging school girl ako sa isang mayaman na pamilya sa San Rafael. At dahil sa sipag ko at tiyaga ay nakatapos ako.
Gusto ko kasi agad makapagtrabaho dahil matanda na ang Mama ko at patay na rin ang papa ko. Buti na lang at may islang iniwan ang lolo ko sa magkapatid. Ang mama ko at ang kambal nitong kapatid na si Tito Luciano pero si Tito Lucio ang tawag ko sa kaniya.
Silang dalawa lang ang anak ng lolo at lola. At tipid rin ang mga ito ng anak. Dahil isang anak lang ako ni mama at si Tito Lucio naman ay may isang anak rin na si Sheina ang pinsan ko.
Subalit patay na si Tito ngunit naging maganda naman ang buhay ng anak nito na pinsan kong si Sheina dahil nakapag-asawa ito ng mayaman, guwapo at mapagmahal na asawa. Sino ba
At hindi lang iyon kundi mahal na mahal siya ni Fabio na akala namin ay patay na. 'Yon pala ay buhay pa at ang tunay nitong pangalan ay si Liam Axel Henderson.
Isang business man at ang suwerte ng pinsan ko dahil may kapatid pa itong billionaryo. Si Kuya Finn Gabriel Moore, isang bilyonaryo rito sa bansang Maharlika. Bukod sa guwapo ito ay mapagmahal ring kapatid.
Minsan ko lang nakita si Kuya Gabriel noong ikinasal ulit si Sheina at si Fabio este si Liam Henderson sa Isla Del Monte.
Oh, 'di ba? Napakasuwerte ng pinsan ko? Nawalan man siya ng magulang ay may mga taong dumating bigla sa buhay niya.
Kaya minsan hindi ko maiwasan ang hindi mainggit sa kaniya. Hindi naman ako inggitira pero shempre aminin man natin o hindi ay may pagkakataon talaga na masabi natin na sana ipinanganak tayong mayaman lalo na kapag kinakapos tayo sa pera palagi.
Sa ganda wala naman akong masabi. Dahil pareho lang naman kaming maganda ng pinsan ko. Maputi lang ako ng kaunti sa kaniya. Pero kasing tangkad lang rin kami. At pareho ring maganda ang hugis ng aming katawan.
Nang hapong iyon ay nagmamadali na akong umuwi sa inuupahan ko rito sa Holand City, ang capital city ng bansang Maharlika.
Nag-resign ako kay Ma'am Crystal dahil gusto ko mangibang bansa. Para mabigyan ko naman ng magandang buhay ang mama ko. Isa pa nalugi na rin ang kumpanya ni Ma'am Crystal at ibibinta niya na rin ang ari-arian niya dahil sa pagkamatay ng Ama niya.
Gulayan lang ang pinagkukunan ni Mama ng kabuhayan magkasama sila ng pinsan kong si Tonton.
Sakto lang kasi ang sahod ko sa panga-ngailangan ni Mama. Kapag sahod ko na ay nagtitira lang ako ng dalawang libo para sa panggastos ko at pinapadala ko ang sahod ko kay Mama tuwing kinsinas at katapusan.
Kaya no'ng sinabi ni Monet na mag-aply na lang kami sa ibang bansa bilang isang DH at malaki raw ang sasahurin namin ay agad akong pumayag. Hindi ako nagdalawang isip na sunggaban iyon.
Medyo binilisan ko pa ang paglalakad dahil malapit ng bumuhos ang malakas na ulan. Pero sa kamalas-malasan ay naabutan nga ako.
Kaya hito para tuloy akong basang sisiw at giniginaw. " Grrrrr... Kamalasan naman talaga, oh!" Maktol ko sa aking sarili.
Kaya wala akong magawa kundi tiisin ang ginaw. Patawid na ako sa kabilang kalye at hindi ko napansin ang matulin na sasakyan na kulay itim na bigla na lang sumulpot sa tagiliran ko.
Pikit mata akong tumigil sa gitna ng kalsada at narinig ko ang malakas na prino ng sasakyan at pagkalabog nito.
✳️Ehhhngkkk...
✳️Blaggggg.. Blaggg
✳️Booggggggg.
'Yan ang narinig ko sa paligid ko na inakala ko ay oras ko na.
Narinig ko naman ang ibang sigawan ng mangilan-ngilang tao sa paligid.
"Oy! 'Yong sasakyan yupi-yupi!!!" Sigaw pa ng isang mama.
Iminulat ko ang mga mata ko. Nakahinga ako ng malalim nang malaman kong nakatayo ako sa gitna ng kalsada. Dali-dali akong tumawid at baka mamaya ay may dumaang sasakyan at masagasaan na ako.
Grabe naman kasi ang sasakyang iyon. Ang tulin ng takbo niya at hindi ko kasalan iyon dahil na sa pedestrian line ako. Kaya dapat mag- menor sila kapag malapit sila sa pedestrian line.
Pagdating ko sa gilid ng kalsada ay lumingon ako at nagulat ako nang makita ang sasakyan na muntik ng sumagasa sa akin. Nabangga ito sa poste ng kuryente at basag ang salamin nito at yupi ang unahang bahagi nito na nakasalpok sa poste.
Bigla akong kinabahan nakita kong nagta-takbuhan ang ibang tao sa kinaroroonan ng sasakyan.
"Nako! Hindi na gumagalaw ang babae!" Sigaw pa ng isang mama.
" Tumawag kayo ng ambulance!!" Sigaw naman ng isang babae na naroon.
" Wala na yatang buhay 'yan," wika naman no'ng isa.
Nanginginig ang mga tuhod ko. Ngayon lang ako nakasaksi nang gano'ng aksedente. Dahil sa subrang ginaw ko ay humakbang ako papalayo sa aksedenting iyon. Lalo pa yatang nanginig ang mga tuhod ko sa subrang nerbyos.
Laking pasalamat ko dahil buhay pa ako. Kung hindi siguro naikabig nang driver ang sasakyan ay baka malamang sa malamang ay ako ang pinagka-kaguluhan ng mga tao. Kaya ipinagpatuloy ko ang paglakad ko. Ginaw na ginaw ako.
Ilang sandali pa ay nakarating ako sa apartment na inuupahan ko. Sinalubong ako ni Monet sa pinto nang matanaw ako nito mula sa bintana. May dala itong tuwalya.
" Babaeta ka, bakit sinuong mo ang ulan? Nagmukha ka tuloy na parang basang kambing na pinabayaan ng ina sa gitna ng kalsada!" sabi pa niya.
Dali-dali ko kinuha sa kaniya ang tuwalya at pinunas sa buhok ko. Saka nagtungo ako sa banyo para maligo.
Nang matapos na ako maligo ay nagbihis ako pero nangi-nginig pa rin ang katawan ko dahil sa aksedinteng nangyari kanina.
'' Hoy! Ano ba ang nangyayari sa 'yo? Bakit nanginginig ka? '' alala naman tanong ni Monet sa akin.
Tiningnan ko siya. '' Muntik na akong masagasaan kanina, Monet. A.. akala ko hindi na ako makakauwi ng buhay. Akala ko hindi ko na makikita si Mama.'' Iyak kong sumbong kay Monet.
''Nako! Dapat lagi kang mag-ingat lalo na sa pagtawid sa kalsada. Alam mo naman na may mga kaskasirong driver riya,'' wika pa nito.
''P.. pero 'yong sasakyan na muntik nang bumangga sa akin hindi ko alam kung ano ang kalagayan niya.'' Nanginig ko pang kuwento kay Monet.
'' Huwag mo ng isipin 'yon ang mahalaga ay ligtas ka. Kasalan ng driver na 'yon kung bakit siya nadisgrasya.'' Paninisi pa ni Monet sa driver na muntik nng makasagasa sa akin.
''Sige Monet, magpapahinga lang mua ako. Bukas papasa ako ng mga requirment ko sa agency na pinag-aplayan natin,'' wika ko.
''Sige huwag mo ng isipin ang nangyari. Sige na pumunta kana sa kuwarto mo para makapagpahinga.'' Utos nito sa akin.
Nagtungo ako sa silid ko at nagpahinga. Pero hindi pa rin nawala sa isip ko ang driver ng sasakyan. Kamusta na kaya ang driver no'n sana ok lang siya. Hanggang sa bumigat na ang talukap ng aking mga mata at nakatulog na ako.
Ginising na lang ako ni Monet para maghapunan.
Kinabukasan ay maaga kaming nagtungo sa agency na pinag-aplayan namin ni Monet. Nagpasa ako ng mga requirement. Dahil si Monet ang ticket at visa na lang ang hinihintay para makaalis papuntang ibang bansa.
Tinawag naman ako nang naka-asign sa mga papers namin. "Miss Delfin hintayin mo na lang ang tawag namin, ha. Kapag makahanap na kami ng employer mo tatawagan ka kaagad namin," sabi naman ng secretary.
"Sige po Ma'am maraming salamat po," wika ko.
"Walang ano man," sagot nito.
Umalis kami ni Monet sa agency at nag-ikot-ikot muna kami sa mall.
"alam mo Monet, kapag nakaalis ako mabigyan ko na ng magandang bahay ang Mama. Namimis ko na nga ang Mama," sabi ko naman kay Monet.
"Hayaan mo at matutupad rin ang pangarap mo. Bakit hindi ka na lang kasi mag-asawa nang mayaman tulad ng pinsan mo na madalas mong e-kuwento sa akin," wika pa nito.
"Sira! Wala namang nanliligaw sa akin na mayaman. Buti sana kung mayro'n. Eh wala na nga akong panahon sa sarili ko. Puro trabaho na lang ang inaasikaso ko para matustusan ang mahirap naming buhay," sagot ko.
"Bakit hindi mo na lang kasi sagutin si Alex? Atleast makapag-asawa ka na. May edad ka na kaya!" wika pa nito.
"Hay nako! 'Di bali na lang tumandang dalaga huwag lang ang Alex na iyon. Lasinggero na nga eh ang yabang pa." sabi ko naman. "Hindi ko naman pinangarap na makapag-asawa ng lasinggo no! At ano naman ang mapala ko. Baka maging mahirap pa ako sa mahirap," wika ko pa kay Monet.
"Sabagay! O paano may pupuntahan pa ako. Magkikita kami ng boyfriend ko ngayon. Kaya mauna ka na sa bording house" ani Monet.
"Oh sige, ingat ka," wika ko.
Nag-ikot ikot naman ako sa mall at hindi ko inaasahan na mkasalubong ko si Shiena kasama nito ang anak niyang kambal.
"Insan!" Tuwa nitong tawag sa akin.
"Oy insan! Nako ang laki na ng mga anak mo, ah. Kamusta ka na?" tanong ko.
" Hito ok lang ikaw kamusta na? Nakauwi ka ba sa Isla Del Monte?" tanong pa nito.
" Hindi pa baka bukas uuwi ako roon nag-apply ako ng dh sa ibang bansa," wika ko naman.
" Ha? Bakit naman? Pumayag ba si Tita?" tanong nito.
"Kahit pumayag siya o hindi! Kailangan ko pa rin kumayod para sa aming dalawa at matanda na ang Mama. Kaya kailangan matustusan ko ang maintenance niya na mga gamot," sabi ko.
"Hali ka at may bibilhin ako para kay Tita pasinsya na, ha. Hindi kita natatawagan busy kasi ako sa mga anak ko,"sabi pa nito.
"Wala, 'yon! Alam ko naman na may asawang tao ka na. At ang suwerte mo pinsan, ha. Dahil nakapag-asawa ka ng mayaman. Sana makatagpo rin ako ng tulad ni Lia, " biro ko pang wika sa pinsan ko.
"Ano ka ba pinsan mayaman man o hindi ang mahalaga nagmamahalan kayo at baka hindi pa dumarating ang para sa 'yo. Pero mag-asawa ka na, Insan," tudyo pa nito sa akin.
"Shonga! Gustuhin ko mang mag-asawa kung wala namang lalaking gustong mag-asawa sa akin at kung mayro'n man 'yong mga lasinggo sa kanto! ha. ha. ha" sabay tawa ko.
Natawa rin si Sheina." Hayaan mo at makikita mo rin ang lalaking magbibigay sa 'yo ng magandang buhay. 'Yong ituturi kang prensisa.'Yong paggising mo may katabi kang guwapong lalaki at may maglalambing sa 'yo.'Yong may masasandalan ka kapag nalulungkot ka," sabi ni Sheina.
"Hay nako insan, sana nga!" sagot ko.
Namili kami ng pasalubong ko kay mama at binilhan rin siya ni Sheina ng mga damit at kung ano-ano pa. Pati ako binilhan rin nang pinsan ko ng mga blouse, pants at sandal.
At buti na lang dahil mga luma na ang mga damit ko. Hindi ko na nga matandaan kung kaylan ako nakabili ng huling damit na nabili ko pa sa palingke. Binilhan niya rin ako ng isang dosenang bra at panty. Kaya laking pasalamat ko sa pinsan ko.
Pagkatapos ay kumain kami sa restaurant kasama ang mga kambal.
"Parang kaylan lang sanggol pa itong mga kambal mo. Pero ngayon mga dalagita na," wika ko ngumiti naman ang mga kambal sa akin.
"Kaya nga, eh! Si Fabien nga binata na." ani Shiena.
" Kamusta mo na lang ako kay Fabien. Bakit hindi mo kasama ang bunso mo?" tanong ko.
"Hay nako! Alam mo naman na malikot 'yon sumaglit lang kami rito ng mga kambal dahil may pinamili ako para sa school nila," ani Shiena.
"Gano'n ba? Minsan dadalaw ako sa inyo bago ako umalis para naman makita ko ang mga pamangkin ko," wika ko.
"Basta, ha? Dapat sa bahay ka na lang tumuloy habang naghihintay ka ng pag-alis mo."Lahad pa niya sa akin.
" Nako! Huwag na insan nakakahiya naman. Isa pa uuwi muna ako sa Isla para makasama ko si Mama," sabi ko.
"Sige ikamusta mo na lang ako kay tiTa, ha? Namiss ko na rin siya," sabi pa nito.
"ok salamat rito sa mga pinamili mo para kay Mama at para rin sa akin," wika ko naman.
Pagkatpos naming kumain ay nagpaalam na ito na umuwi at umuwi na rin ako sa bording house namin ni Monet.
Pagdating ko sa bording house ay niligpit ko ang mga gamit ko para bukas ay bitbitin ko na lang ang mga ito. Ang iba kong gamit ay iuwi ko muna sa isla. At roon na ako maghihintay ng tawag ng agency.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag-asikaso nang babaonin ko sa biyahe para sa pag-uwi sa Isla Del Monte.
Pagkatapos kong magluto at mag-almusal ay nagtungo naman ako sa banyo para maligo. Kahit na malamig ang tubig ay tiniis ko lang. Paglabas ko sa banyo ay nakita ko naman si Monet kagigising lang nito.
"Tuloy na ba talaga ang uwi mo?" tanong nito sa paos na boses.
" Oo kaya ikaw na muna ang bahala rito. Habang sa isla ako babalik naman ako kapag tinawagan na ako ng agency," wika ko.
" Oh sige, ihahatid na kita sa terminal ng train." Alok pa nito sa akin.
" Ok, magbibihis lang muna ako." Saka nagtungo ako sa silid ko at nagbihis.
Makalipas ang ilang sandali ay nagbyahe na kami ni Monet patungo sa train papuntang San Rafael. 'Yon kasi ang bayan ng Isla.
Inakopahan ko ang sasakyan nang kapit bahay namin na si Mang Nicolas para ihatid ako sa terminal ng train.
Maganda kasi sa train sumakay kaysa bus. Mabilis ang biyahe. Kapag sa bus kasi abutan ako ng sampong oras samantalang kapag sa train ay walong oras lang nasa Isla na ako.
Ilang minuto ang nakalipas narating namin ang terminal. Agad naman akong kumuha ng ticket pagkatapos ay inayos ang mga gamit ko.
Binayaran ko si Mang Nicolas nang maibaba niya ang dalawa kong malita at isang sako na bag na malaki at ang bagpack ko.
"Mag-ingat ka Clara, ha? At ikamusta mo na lang ako kay Tita. Hayaan mo at bago ako umalis ay mamasyal ako sa inyo," ani Monet.
" Ikaw rin mag-ingat ka rito, ha. Saka text-text na lang tayo," sabi ko pa.
" Gumawa ka na kasi ng f*******: account para sa messenger na lang tayo mag-usap," ani Monet
" Hay nako! Alam mo naman na hindi ako mahilig sa social media. Hanggang tawag at text lang ako noh?" wika ko.
"Iwan ko sa'yo! Ang boring mo kasi mukha ka na ngang manang sa suot mo. Mukha ka pang matandang dalaga tapos hindi ka man lang makiuso sa panahon ngayon. Daig mo pa ang buhay ng mga ninono natin noon." Protesta pa ni Monet.
" Ok lang 'yon atleast ayaw ko sa mga kabataan ngayon noh! Ayaw ko makiuso 'di bali na lang magmukha akong Manang," sagot ko naman.
" Hay nako! Kaya paano ka makabingwit ng mayaman niyan dahil ganiyan ka," wika pa nito.
" Ok lang dahil kahit ganito ako kung may darating talaga na para sa akin. Ede okay, kung wala ede sorry na lang." Simangot ko pang sagot kay Monet.
" Hmm.. Bahala ka nga! O sege na ayan na ang tren." ani Monet sabay halik nito sa akin.
" Sige na ba-bye na. Text-text na lang tayo, ha." wika ko naman saka tinulongan naman ako ng kondoktor na ipasok sa tren ang mga gamit ko.
Pumasok na ako sa loob ng tren mabuti na lang at walang gaanong pasahero kaya maluwag ang tren.
Excited na akong makita si Mama at Tonton matagal-tagal na kasi akong hindi naka-uwi sa Isla Del Monte.
Habang nasa byahe ako ay nakatanaw ako sa paligid iniisip ko na sana kapag nasa abroad na ako ay maiba naman ang buhay ko na sana ay mabigyan ko nang magandang buhay si mama at mapagtapos ko na ng pag-aaral ang pinsan kong si Tonton.
Makalipas ang ilang oras sa wakas ay nakarating rin ako sa San Rafael. Hapon na iyon nang makarating ako.
Agad akong nag-arkila nang tricycle ng makababa ako sa tren. Tinulungan naman ako ng driver magbuhat ng mga gamit ko. Pagkatapos ay sumakay na ako at nagpahatid ako sa Isla Del Monte.
Nang makarating ako sa bahay ay magtatakip silim na. Ang bahay na iyon ay ibinigay nang pinsan kong si Shiena sa amin ni mama at mabuti na lang dahil ang hirap rin umakyat sa burol. Doon kasi ang bahay namin dati ni mama ng buhay si Tito Lucio.
Nang makita ako ni mama na bumaba sa tricycle ay agad itong napatakbo.
"Clara!! Nako buti at umuwi ka na." Sabay yakap nito sa akin." Uhmm... Namimis ko na ang unica iha ko." Pinaulanan niya pa ako ng halik sa pisngi pagkatapos ay tinawag si Tonyo.
"Tonton hali ka at tulungan mong buhatin itong mga dala ni Ate mo!" Sigaw ni mama sa pinsan ko.
Agad namang tumakbong pumunta si Tonton sa kinaroroonan namin.
Humalik na rin ako kay mama at niyakap siya." Mama, kamusta ka na? Mukha yatang nangayayat ka."
"Tumaba-taba na nga ako. Buti naman at naisipan mo nang umuwi. Nami-mis na kita anak," aniya saka nagtungo kami sa loob ng bahay.
"Pasinsya na Mama, ha. Ngayon lang ako naka uwi. Siya nga pala mayroong mga binili si Shiena sa'yo. Nagkita kasi kami kahapon," sabi ko.
"Hay ang batang 'yon! Nag-abala pa. Kamusta na ang pinsan mo?" tanong ni mama.
Kinuha ko ang mga pasalubong ko sa kanila ni Tonton. Saka isa- isang inilabas sa maleta ko.
"Ayos lang, Ma. Ang suwerte talaga ni pinsan dahil mahal na mahal siya ni Liam. Hayz...sana Mama makatagpo rin ako ng mayaman tulad ni Liam para naman maiahon na kita sa hirap," sabi ko.
"Itong batang 'to oo. Ayos lang anak kahit hindi mayaman basta ang mahalaga ay 'yong kaya kang buhayin at mahal ka. Saka matanda na ako kaya huwag mo na akong isipin," sabi pa ni Mama.
"Mama, ayan mga bigay sa'yo ni pinsan. Tonton, ito naman sa 'yo." Sabay bigay ko sa kanila ng pasalubong.
"Mama, may sasabihin pala ako sa 'yo sana huwag kang magalit," lambing ko kay Mama.
"Bakit ano 'yon, hum? " tanong ni Mama.
"Ma, nag-apply kasi ako sa abroad. Kami ni Monet. Nag-resign na kasi ako kay Ma'am Crystal dahil nalugi na 'yong kumpanya niya."
" Hay nako, lneng! Huwag ka na mag-abroad. Marami namang trabaho rito." Protesta pa ni mama.
"Mama malaki kasi ang sahod sa abroad saka gusto kong magtapos itong si Tonton ng pag-aaral."
"Anak, bakit hindi ka mag-apply nang trabaho sa malaking company? Para hindi ka na mag-abroad," ani Mama.
"Mama ,mahirap mag-apply sa malaking company kaya pumayag ka na."Lambing ko kay Mama.
" Hayzz.. Bahala ka ngang bata ka! Hindi mo naman kailangan mag-abroad, eh." maktol ni Mama.
Disidido na akong makapag-abroad para mabigyan sila ng magandang kinabukasan ni Tonton.
Kahit na ayaw ni Mama na pumunta ako ng abroad ay buo na talaga ang loob ko.