Episode 1

2606 Words
Chapter 1 Clara Pov After 1 year ''Flower for you, Binibining Marikit.'' Isang baretonong boses ang narinig ko mula sa aking likuran. Kasalukuyan akong nagta-trabaho sa isang magandang kumpanya ngayon sa Holand. And guest what? Tatlong buwan akong naghintay sa agency na tawagan ako noong umuwi ako sa Isla. And sad to say, kung hindi pa ako bumalik dito sa Holand ay hindi ko pa malalaman na hindi raw ako qualifed na mag-abroad. Dahil wala raw employer na gusto akong tanggapin abroad. Halos mangiyak-ngiyak ako noon dahil si Monet ay nakaalis na at sakto namang pagpunta ko sa LHM agency ay nag-offer naman ang secretary nila. Hiring daw ang MHL Company ng personal secretary ang CEO ng kumpanya. Kaya binigyan ako ng email adress ng secretary ng agency na pagpapasahan ko ng resume ko. At isang send ko lang ng email ay hired na agad ako. Tatlong buwan na rin ako nagtra-trabaho rito sa MHL company na pag-aari lang naman nitong masugid kong manliligaw ngayon na si Mr. Lance Miller. Noong una ay akala ko matanda ang Lance na ito 'yon pala ay bata pa. Matanda lang siya sa akin ng limang taon. At ako lang naman ang Personal Secretary niya at dalawang buwan na siyang nanliligaw sa akin. Kaya minsan ay nahihiya ako sa mga kasamahan ko dahil nga nanliligaw ang boss namin sa akin. Well, ito lang naman ang matagal kong pinapangarap. Ang magkaraoon ng boyfriend na mayaman. 'Yong magiging asawa ko someday tulad ng pinsan ko. Minsan nagyayabang ako sa sarili ko na sadyang ligawin talaga kaming magpinsan ng mayayaman. Hehehe...charoot lang pero 'yon kasi ang pakiramdam ko. Guwapo si Lance matangkad, matangos ang ilong, 'yong tipong pinapangarap siya ng kababaehan na maging boyfriend. Familiar siya sa akin. Pero hindi ko lang talaga matandaan kung saan ko siya nakita noon. Sa tuwing pumapasok ako sa office ay lagi itong may dalang bulaklak para sa akin. ''Nako, Sir. Mai-inlove na talaga ako sa ginagawa mong 'yan,'' ngiti kong sabi sa kaniya. ''Ilang beses ko na ba sabihin sa 'yo na Lance na lang ang itawag mo sa akin.'' Sabay abot niya sa akin ng boque ng bulaklak. ''Sagutin mo na kasi si Sir, Clara,'' sabat naman ng kaibigan kong si Jam. Naging kaibigan ko ito mula nang pumasok ako sa kumpanyang ito. Si Jam ay lagi kong kasama at siya rin ang kasama ko sa isang condo na sagot din ng kumpanya sa amin. Kaya no'ng natanggap ako sa kumpanyang ito ay malaki-laki ang ginhawa ko sa pera dahil malaki ang sahod ko. Bukod sa sahod na 60k montly ay mayroon pang food allowance every week. Oh, 'di ba? Ang lupit! Choosy ka pa ba? Kaya malaki-laki ang napapadala ko kay Mama sa Isla at natutugunan din ang mga gastusin ni Tonton sa eskuwelahan. ''Sagutin mo na kasi ako, Clara. Alam mo naman una pa lang kitang nakita ay tumibok na ang puso ko para saiyo,'' sabi pa ni Sir Lance sa akin. Noong una akala ko suplado ito kasi parang lagi na lang madilim ang mukha nito at nakasimangot palagi pero hindi naman pala. ''Sir, sa dami ng babae na humahabol sa 'yo ako pa talaga ang liligawan mo? Isa pa hindi tayo nababagay sa isa't isa,'' sabi ko. '' Bakit hindi tayo bagay, Clara? Dahil ba sa status natin sa buhay? Puwede naman ako bumagay sa 'yo. Hindi naman basihan ang pera para sa dalawang taong nagmamahalan. Mahal kita, Clara. Kaya sana mahalin mo rin ako at bigyan mo ako ng pagkakataon na ipakita iyon sa 'yo, '' wika pa nito sa akin.. ''Salamat sa bulaklak na ito, Sir. Pero mamaya ka na lang manligaw ulit kapag tapos na ang trabaho,'' sabi ko. Nagkibit balikat ito. ''Okay, sabay tayong mag-dinner mamaya. Saka pakitingnan nang schedule ko mamaya kung may meeting ako,'' seryoso naman niyang sabi. ''For today, wala ka namang meeting Sir pero bukas ng umaga ay may meeting ka kay Mr. Johnson mga 9 oclok ng umaga,'' sabi ko pa. ''Okay, saan ang meeting place?" tanong niya. " Sa Rayden Zayn Restaurant ang meeting ninyo Sir," sagot ko naman. " Okay, mamaya susunduin kita for dinner. "anito. Tumayo ito at lumabas ng office at kung saan na naman ito pupunta. Minsan kasi kapag walang gaanong ginagawa ay umaalis ito sa office. Babalik lang ito kapag trip niya lang. Naisip ko siguro gano'n talaga ang mayayaman. Lalo na kapag may-ari ng ganitong negosyo. Napapailing na lang ako na humarap sa computer. Itinabi ko muna ang flowers na ibinigay niya sa akin. "Ang suwerte mo talaga, Clara. Dahil gusto ka ni Sir," si Jam nagsalita ito mula sa gilid ko. "Anong masuwerte doon, Jam? Saka baka hindi naman seryoso 'yon sa akin. Mayaman siya, mahirap lang ako." "So? Wala namang masama roon. Hindi naman basihan ang estado niyo sa buhay kung nagmamahalan talaga kayo," sabi naman ni Jam. Bumuntonghininga na lang ako. Mayroon naman akong naramdaman para kay Sir Lance. Pero mayroon ding pag-aalinlangan para sa naramdaman ko sa kaniya. Paano kung hindi pala talaga niya ako gusto? Paano kung hindi siya seryoso? Lalo na kung minsan ang mga titig niya sa akin ay parang may kahulugan. 'Yong tipong may binabalak na hindi mo maintindihan. ''Tama ka, Jam. Pero kailangan ko pa rin pag-isipan kung sagutin ko siya o hindi,'' kibit balikat kong sabi kay Jam. ''Ikaw din! Baka mamaya magsawa kakaligaw yan sayo. Kaya kung ako sa 'yo bakit hindi mo siya bigyan ng pag-asa?'' ani Jam. ''Ede, mabuti. Dahil kung gano'n isa lang ang ibig sabhin no'n. Hindi niya ako ako gusto at hindi siya seryoso,'' sabi ko. ''Ewan ko sa 'yo? Kung ako lang ang liligawan ni Sir, hindi na ako magdalawang isip pa.'' ''Ikaw 'yon. Hindi naman ako ikaw, noh! Saka magtrabaho ka na nga lang diyan!'' maktol ko kay Jam. ''Bahala ka! Tatandang dalaga ka sa ginagawa mong 'yan!'' sagot naman niya. Sabagay tama naman si Jam. Ano pa ba ang hahanapin ko? Eh, matagal ko na itong hinihintay. Ang makatagpo ng mayaman at guwapong lalaki. Katulad ng pinsan kong si Shiena. Kaya hindi naman siguro masama kung sagutin ko na si Lance. Total tatlong buwan na rin siyang nanlilgaw sa akin. Hindi naman siguro masama kung bigyan ko siya ng pagkakataon para ipakita niya ang pagmamahal niya sa akin. Kung totoo ba o hindi. Malay natin at siya pala talaga ang itinadhana para sa akin. Sumapit ang alasais ng gabi. Abala ako sa pagliligpit ng gamit ko dahil lalabas na ako sa office. Uwian na at tapos na ang oras ng trabaho. Sabay kami ni Jam lumabas ng office. ''Clara, mauna ka na umuwi, ha? Pupunta kasi kami nila Mark sa bar, '' sabi pa ni Jam. Si Mark ay boyffriend niya at matagal na sila. Nagtra-trabaho ito sa tapat ng building na pinapasukan namin ni Jam. Si Jam kasi ang auditor ng kumpanya na pagmamay-ari ni Sir Lance. "oh, sige mag-ingat ka, ha? At huwag magpaumaga ng uwi," sabi ko pa kay Jam. "Oo, na. Ano kaya kung sumama ka rin sa amin. Hindi 'yong bahay at opisina ka lang palagi naka-stay. Hindi ka ba naboboring sa lifestyle mong 'yan?" asar niya pang tanong. "Hindi bali na! Isa pa, hindi naman ako mahilig magpunta sa mga ganiyang lugar, noh!" sabay irap ko sa kaniya. "Hay, nako! Dalagang Maharlika ka talaga. At hindi lang 'yon, mukha ka ng manang sa mga suot mo! Buti at nagkagusto pa si Sir sa 'yo," sabi pa niya. Ang suot kasi lagi ay pang Manang. Iwan ko ba, nasanay ako hindi magsuot ng mga sexy na damit. Kahit naman na puwede ako isali sa Miss Universe ay hindi naman mapapahiya ang katawan ko. Saka kunting ayos lang ay lilitaw na 'yong ganda ko. Hindi rin kasi ako mahilig mag-lipstick dahil namumula-mula naman ang labi ko. Lagi nga lang nakatali ang buhok ko. Dahil bukod sa buhaghag na nga ito eh. Hindi ko pa magawang magsuklay. Kaya ganito ang buhok ko puwede na limliman ng manok. "Hindi ko naman kailangan magpaganda, noh? Dahil natural na 'yong beauty ko! Baka kasi pagpilahan pa ako ng mga manliligaw. Kapag nag-ayos ako, noh? Isa pa, kapag gusto ko mahalin ako kung sino at ano ako. Hindi 'yong mahal ka dahil sa colorete ng mukha mo!" Umismid naman si Jam. "Hmmpp bahala ka nga! Oh, siya! Sige na at hinihintay na ako ni Mark." Saka tumalikod na ito at umalis. Nang nag-aabang na ako ng taxi ay saka naman pumarada si Lance nang sasakyan niya na Ford Mustang sa tapat ko. "Hey, Binibining Marikit, sakay na!" Tawag ni Lance ng buksan niya ang pinto ng sasakyan. "At bakit naman ako sasakay aber?'' sabay halukip-kip ko ng kamay ko dibdib ko. ''Tsss, nakalimutan mo yata na may dinner date tayo.'' sabi niya. ''Saan naman tayo mag-date, hmm?'' tanong ko. ''Saan mo ba gusto? kung gusto mo punta tayo sa birthday ng friend ko. Ipakilala kita sa kanila,'' sabi pa nito. Nag-isip muna ako. ''Sabagay wala naman akong gagawin. Pero puwede munang magbihis ako? Bago tayo pumunta sa mga kaibigan mo,'' tanong ko sa kaniya. ''Oo, naman! Kaya sumakay ka na,'' anito. Kaya sumakay na ako sa mustang niya. PAgkatapos ay pinaharorot niya na ang sasakyan niya. ''Saan ka ba galing? '' tanong ko habang nasa byahe kami. ''May pinuntahan lang ako, bakit? Nami-miss mo ako?'' tanong niya at pilyo pang ngumiti. ''Ba't naman kiita ma-miss? Nagtatanong lang naman ako dahil palagi ka na lang wala sa office. May mga lagdaan kang papeles sa office,'' sabi ko. ''Bukas ko na lang lagdaan ang mga iyon,'' sabi niya. ''Ikaw bahala. Oo nga pala huwag mong kalimutan 'yong meeting mo kay Mr.Reynold Johnson bukas ng alas nuebe ng umaga," paalala ko naman sa kaniya. ''Okay,'' sagot niya at seryosong itinuon ang mata sa pagda-drive ng sasakyan. Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Minsan ay nakikita ko ang mga mata niiya na may lungkot at minsan naman ay parang nakakatakot ang titig niya. Pero gano'n lang talaga siguro siya. Ilang minuto ay nakarating na kami sa condo unit namin ni Jam. ''Hintayin kita rito sa baba. Huwag kang tumagal, ha?'' ani Lance na seryoso naman ang mukha. ''Sige, magbibihis lang ako,'' sabi ko at bumaba na ng sasakyan niya. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa loob ng building. Pumunta ako sa elevator at tamang-tama naman dahil tumunog ito at bumukas. Pumasok naman ako sa loob ng elevator. Ilang sandali ang nakalipas ay nakarating na ako sa 8th floor. Sa 8th floor kasi ang unit namin ni Jam. Dali-dali akong nagtungo sa unit namin ni Jam at pumasok sa loob. Nagbihis ako ng plain tshirt na maluwag sa katawan ko na kulay puti at nakapantalon lang ako. Itinali ko lang ang buhok ko at nagpolbo lang. Saka lipgloss lang ang nilagay ko sa labi ko. Pagkatapos kong inayos ang asarili ko ay nagtungo na ako sa labas nang building. Sa may parking area kung saan naghihintay si Lance sa akin. Pagdating ko sa parking lot ay nakita ko si Lance. Nakasandal sa sasakyan niya. Nakapamulsahan siya. Pagkalapit ko sa kaniya ay agad niya akong pinagbuksan nang sasakyan. ''Yan lang ang suot mo?'' seryoso niyang tanong. ''Bakit may masama ba sa suot ko?'' tanong ko. ''Well, Wala naman. Sige na pumasok ka na sa kotse.'' utos niya kaya pumasok na ako sa kotse na. Umikot naman siya sa kabila at sumakay. ''Saan ba ang birthday party ng kaibigan mo?'' tanong ko. ''Sa condo niya,'' anito. ''Marami ba ang dadalo?'' tanong ko. ''Mga kaibigan lang namin. Saka mga siyota nila,'' sagot naman niyang seryoso. ''Ah, gano'n, ba?'' Tipid kong sagot. "Baka ma out of place naman ako do'n," sabi ko pa. "Paano ka naman ma-out of place, eh. Narito naman ako. Saka, ipakilala naman kita sa kanila," sabi naman niya na nakangiti. "Okay," wika ko. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating kami sa condo unit ng kaibigan niyang si Josua. Nasa second floor lang ang room nito. Nang makarating kami sa tapat ng unit ni Josua ay Nag-door bell si Lance. Agad namang bumukas ang pinto. Maingay sa loob at halatang maraming mga tao dahil may nagsisigawan at tawanan. "Oww! Narito na pala kayo, dude." ngiting sabi ng isang lalaki. "Kanina pa kayo, Artven?" tanong naman ni Lance. "Kararating lang," sagot nito. "Oh, ito ba 'yong sinasabi mo?" tanong ng lalaki na nakangiti sa sa akin. "Oo, si Clara pala." Pakilala naman ni Lance sa kaibigan niya sa akin. "Clara, si Artven pala kaibigan ko." "Hi, Miss Clara," bati naman ni Artven at kumaway lang ito. Tipid lang akong tumango. "Pasok na kayo," ani Artven. Pumasok kami ni Lance sa loob ng unit. Malawak doon at may apat na lalaking nakaupo sa sofa nag-iinoman. Saka sa mesa naman ay nando'n ang limang mga kababaehan kumakain sila. Napatingin sila sa amin ni Lance. "Oy, dude. Buti at dumating ka," sabi no'ng isang lalaki na agad tumayo para yakapin si Lance. Matangkad ito at guwapo rin. Matangkad lang si Lance ng kunti. "Syempre, mawawala ba ako sa kaarawan mo? Happy birthday nga pala," bati ni Lance saka may inabot ito sa lalaki. "Well, thank you. Oo nga pala narito si Chona," sabi pa nang lalaki. "Nandito siya?" tanong ni Lance. "Yap!" sagot naman ng lalaki. Saka tumingin ito sa akin. "Ow, hindi mo ba kami ipakilala sa chix mo?" tanong no'ng lalaki. "Aww, nga pala si Clara, Clara, siya si Joshua 'yong kaibigan ko," pakilala ni Lance. "Hi, nice to meet you," sabi ni Joshua saka inilahad ang kamay sa akin. Inabot ko naman iyon. "I'm glad to meet you," ngiti ko ring bati sa kaniya at iniabot ang kamay niya para magkamayan. "Don't tell me... Siya 'yong tinutukoy mo?" makahulogang tanong ni Joshua kay Lance. Hindi na sumagot si Lance no'ng sumigaw 'yong isang lalaki na nakaupo. "Oy, dude! Pakilala mo naman kami sa chix mo!" sigaw ng lalaki. "Hali ka. Ipakilala kita sa kanila." yaya ni Lance at inakbayan akong pumunta sa mga kalalakihan na nakaupo sa sofa. "Nga, pala si Drexel," turo niya sa naka blue. "Si Ian 'yong naka-white polo. At si Raydin Zayn 'yong pangit na bilyonaryong 'yan," pakilala pa ni Lance. "Guys si Clara nililigawan ko." ani Lance. "Hi, Miss Clara. We glad to meet you," bati naman Raydin Zayn. Pangit ang mukha nito na parang nasunog. Pikit ang kabilang mata at ang kabilang pisngi naman ay parang nasunog. Matangos ang ilong nito at matangkad din. Kaso sa mukha lang talaga nag-iba. Nakakatakot ang mukha niya. Parang nakakadiri tingnan. Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya. "Huwag kang matakot sa mukha ni Raydin. Trip niya lang kasi pangitin ang mukha niya," sabi naman ni Ian. Sabay tawanan naman nila. "Kayilan mo ba sasagutin itong kaibigan namin? Nang sa gano'n ay sumaya na ito," sabi naman ni Artven na nagbukas ng pinto kanina. "Oo, nga! Sagutin mo na kaya 'yan," sabi naman ni Drexel. "Tumigil nga kayo. Choice 'yan ni Miss Clara kung sasagutin niya o hindi si Lance. Pero kung ako sa 'yo, Miss Clara. Huwag mong sagutin ang baliw na ito. At baka mabaliw ka lang," sabi naman ni Joshua na parang may kahulugan ang sinabi. "Sira ulo ka talaga!" Sabay batok ni Lance kay Joshua. Tawanan naman ang namayani. "Aray! Joke lang naman, ito naman hindi mabiro.'' protesta pa ni Josua. "Huwag mong pansinin ang mga 'yan, Clara. Mga loko-loko lang talaga ang mga 'yan," ani Lance. "Okay, lang Sir," tipid kong sagot. "Ano ba 'yan, Lance! Ang hina mo sa chex ngayon, ah? Akala ko ba matinik ka? Eh, bakit yata hindi ka pa sinasagot ng secretary mo?" sabi naman ng isang babae na lumapit kay Lance. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD