Chapter 28 CLARA Nakarating kami ni Margaret sa Clinic. Pumunta ako sa counter para e-claim ang medical ko. Si Margaret naman ay naghintay sa akin at nakaupo lang siya sa upuan. ''Miss 'yOng Result ko po, nariyan na ba?'' tanong ko sa babae. ''Ano po ang name Ma'am?'' tanong naman ng babae. ''Clara Del Monte Delfin po,'' wika ko. ''Saglit lang Ma'am, ha,'' sabi ng babae. Hinahanap niya ang result ko. Maya pa ay nagsalita ulit siya. ''Ay Ma'am, doon po muna kayo sa room ni Doctor Mariano. May problema po kasi sa result ninyo.'' sabi pa ng babae na nasa counter. ''Gano'n ba? Sige, saan ba ang room ni doktor?'' tanong ko. ''Samahan na kita, Ma'am!'' sabi naman ng babae. Sinamahan niya ako sa room ni Doctor Mariano. No'ng nasa tapat na kami ng pinto ay kumatok ito. Tokk..