Chapter 27 CLARA Tumingin naman si Lance kay Margaret at kunot ang noo nito. ''Hmmppp... Hali ka na nga, Carlo sa labas. May pasniya kasi rito sa loob!'' sabi naman ni Margaret at lumabas na sila ni Carlo sa labas ng clinic. ''Manlilgaw mo ba ang lalaking iyon?'' tanong naman ni Lance at umupo sa tabi ko. ''Wala kang pakialam kung manliligaw ko man iyon o boyfriend ko man iyon, wala ka na roon,'' inis kong sabi sa kaniya. Suminghot naman ito at kumibot ang gilid ng kaniyang labi. ''Hindi ka puwedeng tumanggap ng manliligaw!'' Natawa naman ako sa sinabi niya. ''At bakit hindi? Lance, wala na tayo kaya wala kang karapatan na pagbawalan ako.'' sabi ko pa. ''Hindi pa tayo tapos, Clara! Kaya kahit sino man ang manligaw mo makikita mo at mababalitaan na wala na silang buhay sa isan