Episode 10

1597 Words

Chapter 10 Clara Pov Kung dati rati ay kina Mama lang umiikot ang mundo ko at sila lang ang kasama ko sa mga pangarap ko. Ngayon ay kay Lance na rin umiikot ang mundo ko at kasama na rin siya sa mga pangarap ko. Gusto ko ay magkaroon kami ng maraming anak. Nag-iisang anak lang kasi ako. Ganoon rin ang pinsan ko na si Shiena. Pero ngayon ay may anak na siyang apat. Malungkot kasi ang mag-isa at walang kalaro. Kaya gusto ko kapag nagkaanak ako ay marami sila para mapuno ng ingay ang bahay. ''Lance, salamat, ha. At dinala mo ako rito sa lugar na ito,'' wika ko sa kaniya habang nakadungaw sa bintana. Yumakap siya sa likuran ko. ''Alam mo ba? Ikaw lang ang unang babae na dinala ko rito?'' sabi niya sa akin. ''Talaga? Ibig sabihin 'yong mga dati mong girlfriend hindi mo dinala rito?''

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD