Chapter 9 Clara Pov Pagdating ko sa kusina ay muli na naman pumatak ang luha ko. Naalala ko kasi ang pagod ko kanina sa paglipat ng mga sofa at tv. 'Yon pala ay wala ring kuwenta ang pagod namin ni Aling Saling, dahll ibinalik rin ni Lance ang dating posisyon ng sala. Humikbi ako nang maisip ko na nasigawan ako ng lalaking mahal ko. Nagtungo ako sa lababo at hinilamusan ang mukha ko para tumigil ang luha na kanina pa lumalabas sa mata ko. Nagtungo ako sa mesa at tiningnan ang nakatakip na pagkain roon. Nakita ko naman na may bulalo roon na parang bagong init pa at may kanin na rin na bagong saing. Nagugutom na ako pero hindi ko pinakialaman ang mga nakahain sa mesa. Tumatak kasi sa isip ko ang sinabi Lance na huwag akong mangialam dito sa bahay. Pakiramdam ko tuloy wala akong kara