Chapter 49 CLARA Bakit ba sa dami ng tao sa mundo ay ang Pasniyang Hator pa na ito ang naging amo ko ngayon? Kung hindi ko lang kailangan ang pera para sa pamilya ko lalo na sa mga kambal ko ay hindi ako papayag na magpaalipin sa Hator na 'yon. But i need to accept the challenge, kung inaakala niyang masindak niya ako nagka-kamali siya. Sinabunan ko na ang mga labahan at kinusotan nang bigla naman siyang nagsalita sa likuran ko. "Ano!? Maglalaba ka na wala kang almusal?" sabi niya sa likuran ko, kaya nagulat pa ako ng bahagya. "Almusalin mo mukha mo!" inis kong sabi. "Okaw rin, hindi naman ako magugutom kung ayaw mo mag-almusal." sabi pa niya. "Wala kang paki!" sabi ko habang nagkukusot. "Okay," anito at lumabas na sa laundry area. Grrrr... Sarap ilublob rito sa sabon, eh