Chapter 48 CLARA Balak ko sanang hindi pumasok sa opisina dahil napagod ako kahapon sa kalilinis ng condo ni Lance. Tapos no'ng hapon pa ay may nagpalinis pa ng condo, kaya medyo napagod ako. Sinabi ko kina Liza at Marian na sabihin muna kay Ma'am Grace na hindi muna ako papasok. Pero kapag naging maayos ang pakiramdam ko ay papasok ako ng tanghali. Gusto ko magpahinga at matulog ng mahimbing ngayong araw, ngunit pagdating ng alas-nuebe ng umaga ay nagising na lang ako sa katok sa may pintuan ng apartment. Ayaw ko pa sana bumangon dahil inaantok pa ako. Wala naman akong bisitang hinihintay ngayon. Nakakainis! 'yong tipong ang sarap ng tulog mo at nanaginip ka pa eh bigla na lang may mang-isturbo. Bumangon ako na gulong-gulo ang buhok ko. Naka-short ako ng maikli na pantulog at nakasp