Chapter 14 Clara Pov Nagising ako na madilim ang kapaligiran ko. Dahan-dahan akong bumangon at kinapa-kapa ang switch ng ilaw. Gabi na pala at wala pa akong damit. Kaya kinuha ko ang mga damit na nakakalat sa sahig. Isinuot ko iyon at lumabas ng silid. Hinanap ko si Lance sa labas. Ngunit madilim rin sa sala. Kaya binuksan ko ang ilaw roon. ''Honey! Saan ka? '' tawag ko. Ngunit walang Lance ang sumasagot. Inikot ko ang loob ng bahay ngunit wala si Lance. Naisip ko na baka nasa dalampasigan ito. Kaya lumabas ako ng bahay. Maliwanag naman ang buwan kaya nakikita ko ang kapaligiran. ''Honey! Nasaan ka!?'' Sigaw ko. ''Lance!!'' Pero wala pa rin Lance ang lumalabas. Habang nasa dalampasigan ako ay pakiramdam ko may kulang. Naalala ko ang yate ni Lance wala ito roon. Bigla akong ki