Chapter 15 Clara Pov Ilang oras kaming nagpalutanglutang sa dagat bago kami nakarating sa daongan ng mga bangka. Walang Isa sa amin ang nagsalita. Pagdaong ng bangka ay agad akong bumaba. Sumunod naman si Chona. "Clara, maging matalino ka sana at huwag maging bulag sa pagmamahal mo kay Lance." paalala niya sa akin. "Salamat sa payo mo. Pero hindi ako naniniwala sa 'yo." sabi ko at pumara ng taxi. Agad akong sumakay at nagpahatid sa driver sa bahay na tinutuluyan namin ni Lance. Gusto kong makausap si Lance. Gusto ko malaman ang totoo. Gulong-gulo ang utak ko. Bakit niya ako iniwan sa Isla mag-isa? At kung totoo ang sinabi ni Chona. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa bahay. Naabutan ko naman si Mang Canor na nagdadamo sa may hardin. Nagulat pa ito ng makita