Gwen
*
*
" Lolo Timothy! Akalain mo buhay pa kayo? Akala ko na maghahanap ka n-----
" Arayyyyy! huhu Lolo Timothy masakit yon ah." Reklamo ko pinaghahampas niya ako ng tungkod habang galit na nagsasalita. Si Lolo Timothy ang Naglalagay ng tattoo bilang symbolo ng Reeve Assassin.
" Tarantado ka! Gusto mo ba talagang mamatay na ako.". galit na tanong ng matanda
" Lolo? " Boses ni Aslan natigil ang matanda sa paghampas saakin
" Congratulations nagtagumpay ka. Nahanap mo ang taong pinapahanap ko sayo." Magiliw na wika ni Lolo Timothy isa sa matatandang assassin.
Napangisi ako kay Aslan bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha napatitig siya saakin nasa pinto siya ng bahay.
" Sige na Boss! Suriin mo na ang kanyang binti. Sa tingin ko gamit ang galing mo sa acupuncture makakalakad ulit siya, ( Acupuncture help a paralyzed) Boss umpisahan mo nang gamotin yan tauhan mo. " Nakangisi na wika ni Lolo Timothy
" Hindi ako doctor Lolo Timothy. Therapy ko nalang sya." Tamad na tugon ko
Dahil sa karayom ang ginagamit ko sa pagpatay sa kalaban. Kaya pinag-aralan ko ang Acupuncture, Marami ang pweding magamot gamit lang ang karayom. Sa totoo lang ngayon lang ako nakakagala. Pero pagdating sa school minsan kahit na sabado linggo may pasok ako. Kumuha kasi ako ng special class dahil madalas absent ako. Para kakahabol ako sa mga kaklase ko.
" Ilang buwan nalang bakasyon na sa school, Kailangan ko magsanay sa pakikipag laban, Hahaha! Hunting ko kaya ang lahat ng kalaban ko para makapag sanay ako. " Kausap ko sa sarili ko
" Nakikinig kaba Gwen?" Bulyaw ni Lolo Timothy
" Ingay mo naman! Oo na ako na ang bahala kay Aslan! Gusto ko lang malaman kung talagang siya ang tagapagmana mo, Habang buhay ko siya magiging alipin. Kamatayan lang ang makakalabas sa grupo ko. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ang sino mang mag tangka na pagtaksilan ako. Kilala mo ako Timothy hindi ako kasing bait ni Mommy. " Naiinis na tugon ko
" Alipin?" Nagugulohan na tanong ni Aslan ngumisi ako naglakad ako papasok sa kakahuyan
Iniwan ko sila Timothy at Aslan, Binaybay ko ang daan patungo sa bahay kubo sa gitna ng kakahuyan. Napangiti ako ng masilayan ang magagandang bulaklak na nakapaligid sa bakuran ng kubo naglakad ako patungo sa likuran ng bahay kubo kumuha ako ng knife. Nakangiti ako habang naghuhukay ng sweet potatoes. Ilan peraso lang ang kinuha ko naglakad ako patungo sa batis hinuhugasan ko ang kamote na nakuha ko. Pagbalik ko sa bahay kubo nilagay ko sa kaldero ang kamote pagkalipas ng ilang minuto nagkakape na ako habang nilalantakan ang nilagang kamote.
" Sarap ng ganitong buhay, Walang ingay maliban sa awitin ng mga ibon sa paligid. Sariwang hangin Para bang ayaw ko nang bumalik sa manila ang sarap ng buhay sa probinsya. Kausap ko sa sarili ko
Hapon na ng umuwi ako wala na si Lolo Timothy, Si Aslan ang natira sa bahay may pagkain narin sa hapag kainan nagluto daw si Lolo Timothy bago umalis.
" Kainis! Hindi na secret place ang lugar na to " Naiinis na wika ko habang kumakain ng haponan.
" Totoo bang ikaw ang maalamat na gangster leader " Tanong ni Aslan
" Yup! Pag-isipan mong mabuti ang magiging pasya mo. Sa oras na mapabilang ka sa grupo ko habang buhay magiging tauhan kita Hindi mo kailangan pumatay hindi naman lahat ng tauhan ko mamatay tao. Karamihan sakanila normal na namumuhay. Katapatan ang kailangan ko pinapatay ko ang sino mang magkamali na mag-traidor saakin. " Seryoso na pahayag ko
" Buo na ang pasya ko! Minsan nang niligtas ni Lolo Timothy ang buhay ko. Mas gugustohin ko pang maging alipin mo kung ang kapalit naman nito ang mapabilang sa angkan na nagdugtong ng buhay ko." Tugon ni Aslan
" Kung ganon! Ito ang pagsubok mo bigyan mo ng hustisya ang nangyari sayo, Tulongan mo ang sarili mong makalakad muli. Patunayan mong karapat-dapat ka bilang bagong tattoo artist ng Reeve Assassin. Matanda na si Timothy wala siyang anak na magpapatuloy sakanyang trabaho sa grupo ko. Igagalang namin ang susunod na tattoo artist, Tanging ikaw lang ang maglalagay ng tattoo sa katawan ko sagrado ang paglalagay ng tattoo sa pinuno ng Reeve. " mahabang paliwanag ko
" Mapapabilang na ba ako sa Reeve Assassin?" Tanong ni Aslan bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha
" Kailangan mong makipag laban sa iyong kasamahan. Pag-aralan mo ang mga lason yon ang pagkakilanlan ng Reeve assassin. " Wika ko
" Nag-aaral ako sa iba't ibang Uri ng lason! Simula ng makilala ko si Lolo Timothy pinangarap ko na mapabilang sa grupo ng maalamat na assassin." Nakangiti na tugon ni Aslan
" Good! pumasok kana sa kwarto mo! Maghuhugas lang ako ng pinagkainan natin. Umpisahan na natin gamotin yan binti mo. Magsasanay kapa sa ilalim ng pagtuturo ko. Hindi kita Pweding ipakilala sa mga tauhan ko ng walang alam sa pakikipag laban. sigurado ako pagtatangkaan ka ni Gavin butler ko. Possessive ang butler ko tinalo pa ang daddy ko sa sobrang higpit." Mahabang pahayag ko habang nagliligpit ng pinagkainan namin.
Pagkalipas ng isang oras gamit ang Acupuncture nag-umpisa akong gamotin si Aslan. Nakatulogan niya na may karayom sa binti niya.
Kinabukasan nag-iwan lang ako ng sulat sa ibabaw ng table may pagkain narin.
Bumahe ako pabalik sa mansion. Habang nagmamaneho ako nakikinig ako ng online class. Ako ang may-ari ng school kaya kahit na hindi ako pumasok nagagawan ko parin ng paraan.
Pagdating sa mansion mga matatanda lang ang sumalubong saakin.
Nakatutok lang ako maghapon hanggang gabi sa laptop. May special class ako hinahabol ko ang mga nakaligtaan ko na araw ng klasi.
" Madaling araw na natapos ang lahat ng klasi ko. Napangiti ako kahit paano naghabol ko ang Ilan araw na absent ko. Papasok na ako bukas Ilan buwan nalang matatapos na ang klasi kailangan ko magpukos kay Aslan. Kilan ko kaya makikilala ang bagong private doctor ko. Tatawagan nalang daw ako.
" Magpahinga kana." Mahinahon na utos ni Gavin napangiti ako tumayo ako sinarado ko ang laptop ko. Tumakbo ako palapit kay Gavin nakatayo lang pala siya sa gilid ng pintuan nakapamulsa.
" He-----
Hindi na natapos ni Gavin ang sasabihin niya tumalon ako sabay pulupot ng binti sa bewang ni Gavin pinulopot ko din ang braso ko sa leeg ni Gavin, Walang pag-aalinlangan na kinagat ko ang pang-ibabang labi niya pinasok ko ang dila niya.
" Ouch..." Daing ni Gavin
' Hahaha! Sorry paano ba kasi humalik?" natatawa na tanong ko nakagat ko kasi ang dila niya
" Tsk! Umayos ka nga Boss! mamaya may makakita saatin Nakakahiya. Ano bang kalokohan ang pinag-gagawa mo?" paninirmon ni Gavin saakin
" Pa-kiss lang eh." nakasimangot na tugon ko naglakad siya palapit sa kama inilapag niya ako sa kama ko.
" Butler mo ako! Hindi mo ako boyfriend, Hindi maganda ang ginagawa mo. Dapat maghintay ka na ligawan ka hindi yong basta ka nalang manghahalik." Pangaral ni Gavin saakin
" Hindi na kailangan sinasagot na kita." nakangiti na tugon ko tumayo siya lumapit sa cabinet kumuha ng pares ng panloob ko terno na pajamas..
" Mag-shower kana at matulog na, 11 Am pa naman pasok natin kaya makakatulog kapa ng ilang oras." Utos ni Gavin sumimangot ako dumapa ako sinubsob ko ang mukha ko sa unan
" Boss! Maglinis ka ng katawan mo amoy pawis ka." Wika ni Gavin
" Ayaw mo ba saakin Gavin? Ayaw ko kay Kenji Ikaw ang gusto ko maging asawa. Pakiramdam ko safe ako pagkasama kita. Pero kung ayaw mo maghahanap nalang ako ng ibang mapangasawa. Hindi ko pweding pakasalan si Kenji may mahal syang iba, Mga magulang lang namin ang may gusto na magkatuluyan kami. Ayaw niya mapabilang sa muduming mundong ginagalawan ko." Malungkot na tugon ko
" Maligo kana! At isa pa hindi kita gusto sakit ka sa ulo. " Baliwalang tugon ni Gavin
" Tsk! Mapapasaakin karin. Tandaan mo yan! " Naiinis na tugon ko
" Manigas ka." Tugon ni Gavin
Bumangon ako napalingon ako sa cellphone ko tunog ng tunog
Inabot ni Gavin ang phone ko binigay saakin
" Hello." Bungad na sagot ko
" Hey! Boss! I'm your private doctor. Pasensya kana hindi ko alam kung saan ako uuwi eh. Saan ba kita Pweding puntahan. I'm Rayden. Nandito ako sa terminal 3 Hihintayin kita boss." Wika sa kabilang linya napaupo ako ng maayos
" Code name?" tanong ko
" Psycho Assassin boss." Tipid na tugon ko
" Sige-sige! Papunta na ako diyan. Rayden right? Tamang-tama kailangan kita ngayon may ginagamot kasi ako ngayon. " Tugon ko bumaba ako sa kama
" Good! Bilisan mo lang boss." tugon ni Rayden
" Sasamahan na kita Boss." Wika ni Gavin
" Manatili ka dito Gavin! huwag nyo ako susundan, Bukas na bukas ipahayag mo sa Reeve Assassin na dumating na ang doctor at Tattoo artist ng grupo. sa ngayon magsaya kayo dahil nalalapit na ang pagpapakilala natin sa buong bansa." Walang emosyong na tugon ko
" Lalaki ba silang dalawa?" tanong ni Gavin nagmumula na naman ang kanyang pisnge halatang galit na naman.
" Oo! At Gwapo ang tattoo artist. Malaki Itits." pang-aasar ko
" Huwag lang siya magpapakita saakin babalatan ko sila ng buhay." Galit na wika ni Gavin