GWEN
*
*
" Arayyyyy! tangna naman Rayden sumusobra kana." Reklamo ni Aslan
" Kulang pa yan! Pupuntolin ko yan binti mo paghindi ka tumayo diyan." Pang-aasar ni Rayden
" Doctor ka ba talaga? Alam mong pagod na binti ko hindi ako pwede tumakbo gago ka pala eh. " Namumula sa galit na wika ni Aslan
" Tama na yan! Rayden Ikaw talaga para kang bata. Ibalik mo na yang cellphone ni Aslan." Sita ko sa dalawa
Para silang mga bata nakalakad na si Aslan, Mabilis sila nagkasundo ni Doc Rayden sabay ko din sila sinasanay sa martial arts. Napangiwi ako napabuntong hininga ako ng mabasa ang mga text message ni Gavin. Hinahanap kasi nila ako pero hindi nila ako mahanap dahil sa nandito kami sa isla Ilan buwan na ako dito online class lang ang pag-aaral ko.
Simula bakasyon hanggang ngayon pasukan na hindi parin ako pumapasok nakatuon ang pansin ko kay Aslan at Rayden.
" Aslan! Ipahinga mo na yang binti mo bukas naman ang pagsasanay palubong na ang araw." Utos ko
" Salamat Boss." Tipid na tugon ni Aslan
Pasemple ako kumuha ng larawan ko nasa background ko si Aslan at Rayden pareho sila naka suot ng Jean's walang damit pang-itaas namumutok ang Abs
" Umiiral na naman yang pagiging manyak mo Boss." Sita ni Rayden napansin niya na nagpicture ako. tumawa lang ako.
Lumapit ang dalawa saakin tumayo sila sa magkabilang gilid ko nakangiti kaming tatlo na nagpicture.
" Boss may sss account ka?" tanong ni Aslan
" Wala eh. Wala akong social media accounts. may dummy account pala ako mahirap na ayaw kong malaman ng mga tao kung sino ako. " paliwanag ko
Mabilis na dumaan ang araw naging buwan umabot ng Ilan buwan ang pagsasanay ko sa dalawa. Nakuha ko ang loob ng dalawa nagkaroon ng panibagong kaibigan si Aslan naging masiyahin na siya.
" Handa kanaba Aslan? " Tanong ko
" Kinakabahan ako." Tugon ni Aslan
" Boss! Tapos narin naman ang pag-tattoo ni Aslan sa katawan mo pwedi na siya bumalik sa kanyang dating buhay. Sasamahan ko siya total magkapatid na kami bilang bahagi ng Reeve assassin." Nakangiti na sabat ni Rayden
" Talaga dude sasamahan mo ako sa pag-uwi ko?" Masaya na tanong ni Aslan
" Yup! Alalahanin mo next week na ang pagpapakilala saatin sa buong assassin. Excited na ako magkaroon ng panibagong kaibigan. Pangarap ko ang mapabilang sa mafia o kaya gangster katuparan ng pangarap ko si Boss Gwen. Binigyan nila ako ng panibagong pamilya. Pamilya narin kita Aslan simula ngayon magkapatid na tayo. " Nakangiti na wika ni Rayden napailing nalang ako madrama din pala si Rayden
" Tama! Iisang pamilya tayo. Simula ng tanggapin nyo ako bilang Boss nyo mga kapatid ko na kayo. Pro-protiktahan ko kayo sa abot nang akin makakaya, Kung may problema kayo at kailangan nyo ng makakausap lagi ako handang makinig sainyo. Iba ako sa lahat ng gangster leader hindi ko kayo alipin ako ang boss nyo Ako ang dapat mag protikta sainyo. Hindi nyo kailangan pumatay para lang saakin ako ang gagawa non para sainyo. Bumalik ka na sa Daddy mo Aslan sasamahan ka ni Doc Rayden aasahan ko ang pagdating nyo sa Saturday sa oras na dumating kayo ibig sabihin timatanggap nyo ako bilang Boss nyo at gusto nyo mapabilang sa Pamilya ko. " seryoso na paliwanag ko sa mahinahon na boses
" Panghabang buhay ang mapabilang sa Clan mo isang karangalan kaya buo na ang pasya ko. " Nakangiti na tugon ni Rayden
" Kamatayan lang ang makakapag palaya sayo. Sa Oras na mapabilang ka sa pamumo ko." Tugon ko
Hindi sumagot si Aslan nalungkot ako Gusto ko si Aslan bilang tattoo artist ng grupo ko. Bagay siya mapabilang sa grupo ko magkakaroon siya ng panibagong kaibigan na maaasahan sa lahat ng oras.
" Hindi kita pinipilit Aslan! Kahit na ano ang maging pasya mo taos puso kong tatanggapin. Pamilya ko sila hindi ko sila basta-basta tauhan lahat ng tauhan ko namumuhay ng tulad ng pankaraniwan tao. " mahinahon na wika ko
Ngumiti lang si Aslan hindi ko alam kung ang ngiti sa kanyang labi ay nagpapahiwatig ng tinatanggap niya ako bilang Boss niya o sapat na nakalakad siya at kahit paano natuto makipag laban. Pero 10% lang ang alam niya sa pakikipag laban. Ibang klasi ang alam ko sa pakikipag laban mafia boss lang ang katapat ko pagdating sa bilis at talino sa pakikipag laban. Hindi ako magiging pinuno kung kulang ang kaalaman ko.
Huminto ako sa tapat ng gate ng subdivision na tinitirhan ni Aslan napabuntong hininga si Aslan lumabas siya sa kotse sumunod si Rayden
" Huwag kang papaapi Aslan! Ipakita mo sa Daddy mo ang lahat ng katibayan ng ginawa sayo ng step mother mo. Palayasin mo sila iparanas mo ang lahat ng paghihirap na naranasan mo dahil sakanila. Aasahan ko ang pagdating mo sa sabado. " Mahinahon na wika ko tumango lang si Aslan inakbayan ni Rayden si Aslan nagmamaneho na ako palayo.
" Yayakapin kaya ako ni Gavin? Ayeeeh na-miss ko ng sobra si Gavin, Ilan buwan ko kasama si Aslan at Rayden pero puro pagsasanay ang ginagawa namin. Hindi ko naman sila gusto landiin. Iwan ko ba siguro kaya ko nagustohan si Gavin dahil lagi siyang nand'yan para pagsilbihan ako. Kahit na anong gawin ko si Gavin parin ang gusto ko maging first boyfriend pero ayaw kasi niya saakin. 21 na ako tapos wala parin akong boyfriend si Gavin ang fish kiss ko si Gavin lang ang gusto ko. " kausap ko sa sarili ko
Pagpasok ko sa gate ng villa nagsigawan ang mga tao
" Yessss! Nakabalik na si Boss." Sigawan ng mga tauhan ko pati mga batang paslit nagsigawan sa galak lumabas ako ng kotse binuka ko ang magkabilang braso ako lumuhod ako nagsitakbuhan ang mga bata saakin nagsiyakap sila saakin pinaghahalikan ko silang lahat sa pisnge nagtatawan naman ang mga magulang nila
" Boss Gwen! Saan ka nagpunta? " tanong ng batang babae
" Sa isla! nagsanay ako ng dalawang taong mahalaga sa angkan natin. " Nakangiti na tugon ko
" Boss! Nahanap mo na ang doctor at Tattoo artist?" tanong ng matandang babae
Tumango ako nagliwanag ang kanilang mukha
" Pero kailangan pa natin masubok ang katapatan nila." Tugon ko
" Buo na ulit ang Angkan natin." magiliw na wika ng ina ni Felix
" Maghanda kayo magpapakilala na tayo sa sabado, Ihayag ang pagbabalik ng Reeve Assassin. Bubuksan ang bulwagan ng Reeve hotel para sa aking pagpapakilala sa lahat ng tao. magpadala ng mensahe sa mga TV station at ibang pang pahayagan." Seryoso na utos ko
Naghiyawan ang mga tao sa paligid ko ngumiti ako sobrang saya ko, Sapat na saakin ang mga ngiti at tawa nila nakakawala ng pagod.
" Mahal ko kayong lahat! Mamuhay kayo ng masaya at nagmamahalan. Lagi akong nandito para soportahan kayo sa mga pangarap nyo sa buhay. " nakangiti na wika ko
" Mahal kadin namin boss. Magsasaya tayong mamayang gabi para ipagdiwang ang pagbabalik ni Boss." sigaw ni Kash ngumiti ako Nagpaalam ako na uuwi na naglakad ako pauwi sa mansion
" Welcome back Boss." Masayang bati ni Gavin pagpasok ko sa loob ng mansion
Tiningnan ko lang siya naagaw ang pansin ko sa leeg ni Gavin may Kiss Mark kasi siya sa leeg, Ngumiti ako ng alanganing napansin naman ni Gavin ang tingin ko sa leeg niya agad na tinakpan ang kanyang leeg gamit ang kanyang kamay
" Nasaakin na ang lahat-lahat kayamanan, Kapangyahin bilang kinakatakutan gangster leader pero hindi ko kayang maangkin si Gavin. Talagang hindi niya ako magugustohan. tulad din siya ng ibang lalaki ayaw sa mamatay tao. Bagamat butler ko si Gavin pero hindi pa siya nakakapatay ng tao ang ibang tauhan ko ang gumagawa niyon. Inosente siya. "
" Kilan ang kasal mo Gavin?" tanong ko pinasigla ko ang aking boses
" Boss nakipag talik lang ako sa girlfriend ko kasal Agad?" pagbibiro na tugon ni Gavin
Tinapik ko si Gavin sa balikat nilagpasan ko siya naglakad na ako paakyat sa hagdan, Huminto ako sa pinaka taas ng hagdan tumingin ako kay Gavin nakatitig siya saakin bakas ang kasiyahan sa kanyang mga mata
" Patawarin mo ako sa pagnakaw na halik na ginawa ko sayo at ang Ilan beses na tangka kong panggagahasa sayo. Pilya lang talaga ako hayaan mo hindi na mauulit. Magpakasaya ka Gavin malaya kang magpakasal kahit na anong Oras sabihin mo lang aayusin ko agad-agad ang kasal mo sa girlfriend mo. " Mahinahon na wika ko
Natigilan si Gavin pagkalito ang mababakas sa kanyang mukha.
" Felix ihanda mo ang kape ko dalhin mo sa balcony sa kwarto ko." utos ko
" Masusunod boss." Tugon ni Felix
" Ako na ang mag----
" Si Felix ang inutosan ko hindi ka Gavin!" pagalit na bulyaw ko napasinhap si Gavin sa biglang pagbabago ng ugali ko
" Umalis ka na muna Gavin bumalik ka sa bahay ng mga magulang mo. Ayaw kitang makita." Walang emosyon na utos ko
" Pero b---
" Layassss.' Galit na bulyaw ko napayuko si Gavin malungkot na naglakad palabas ng mansion
Naglakad na ako papasok sa kwarto ko
" Namiss ko siya ng sobra nag-alala ako na baka galit siya saakin dahil sa Ilan buwan ako hindi umuwi tapos malalaman ko nagpakasaya pala siya sa ibang babae. Nakipag talik siya sa ibang babae Umaasa pa naman ako na magugustohan niya ako at nasasabik din siya sa muling pagbabalik ko hindi pala. nagkamali ako." Malungkot na kausap ko sa sarili ko
Lumapit ako sa malaking salamin tinitigan ko ang repleksyon sa salamin. Nakasuot ng malaking hoodie jacket sweatpants makapal ang kilay, Wala manlang kahit na polbos sa pisnge ko.
" Maganda kaya ako pag nagsuot ako ng dress?" Tanong ko sa sarili ko
" Boss nandito na ang kape mo." wika ni Felix inilapag ang kape sa center table
" Boss! May kailangan kaba?" tanong ni Felix
" Wala ihanda mo ang kotse ko Aalis ako ng 9 pm. " Tugon ko
" Masusunod boss." Nakangiti na tugon ni Felix lumabas na siya sa kwarto ko
Lumapit ako sa closet ko tiningnan ko ang mga mamahalin na damit ko may mga bag's at dress na kahit na kilan hindi ko pa nagamit
" Kakausapin ko si Daddy ayaw ko pakasal kay kenji. Hindi ko hahayaan na masaktan ako dahil lang sa hindi ako gusto ng lalaking gusto ko. Uuwi ako sa sarili kong bahay susubukan kong mamuhay mag-isa ang walang mga tauhan na nakapaligid. Pagkatapos ko magpakilala sa lahat ng tao bilang Pinuno ng maalamat na assassin leader mamumuhay ako ng Semple. " Kausap ko sa sarili ko
Kinuha ko ang black dress na abot tuhod sinigurado ko na matatakpan ang likod ko may tattoo na kasi ako sa buong likuran ko. isang buhay na buhay na cobra simbolo ng pinuno ng Reeve Assassin.
Kumuha ako ng black handbag black sandals. inilapag ko lahat sa ibabaw ng kama ko
" Ngayon gabi club ako bilang pankaraniwan babae tulad ng ibang babae. Ngayon lang ako magsusuot ng dress, Hindi ako pweding malungkot dahil lang sa may girlfriend na si Gavin maghahanap din ako ng lalaki. Maghahanap ako ng lalaking iibigin ako susubukan ko mamuhay tulad ng pankaraniwan dalaga." piping sambit ko
" Boss pwede malaman kung bakit ka nagagalit saakin?" Tanong ni Gavin napalingon ako sa pintuan
" Nakalimutan mo ata Gavin kung sino ako? Hindi kita pinapatawag simula ngayon hindi kana pweding pumasok sa kwarto ko ng walang pahintolot ko. Gawin mo ng maayos ang trabaho mo Kaya ko alagaan ang sarili ko. Hindi na ako bata para alagaan mo. " Walang emosyon tugon ko napahiya si Gavin yumoko siya at umatras palabas ng kwarto ko sinarado niya ang pinto ng kwarto ko
" Sabi mo hindi mo ako magugustohan? Bakit pa kita hahayaan lumapit saakin? Bukas na Bukas uuwi na ako sa sarili kong bahay. " Kausap ko sa sarili ko
" Kung pwede ko lang patayin ang babae niya gagawin ko. Pero boss lang ako hindi kasintahan para magselos." Yamot na kausap ko sa sarili ko habang inaahit ang kilay na sobrang kapal na.