Kabanata Isa

1079 Words
“Nay, pasok na po ako ha,” paaalam ng dalaga sa ina. Kasalukuyan siyang may dalang isang tray ng niluto niyang puto cheese. Ide-deliver niya ito sa suki niyang si Aling Minda na may bed and breakfast na negosyo. Kahit papano ay may naiibaon pa sila ng mga kapatid niya at dagdag na rin pambayad para sa mga projects niya lalo na't 3rd year college na siya sa awa ng Diyos. Scholar siya ng municipality nila binigyan lamang siya ng half scholarship kaya todo kayod siya para mabayaran ang kalahati ng tuition fee, ‘di bale na't nakakayanan naman niya at kahit kinakapos ay nareresolba naman din agad. "Sige, ingat ka,” malakas na sambit ng ina niya. Nakangiting sumakay ng jeep ang dalaga at nginitian ang estudyanteng sa tingin niya'y high school pa lamang ngitian naman siya nito pabalik. Ilang minuto lang naman ay bumaba na siya. Mabilis na nilakad takbo niya ang tindahan ni Aling Minda para iwanan ang puto-cheese niya. "Mabuti naman at nakarating ka agad, Tali. Tamang-tama lang din at dumarami na ang kostumer,” nakangiting ani nito at binigyan siya ng pambayad. "Maraming salamat po. Alis na po ako," paalam niya. Naglakad siya papasok ng university at nagmamadaling tinakbo ang 2nd floor dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase niya. "Hi, Ember," bati niya sa kaibigan. Kagaya niya ito na nagsusumikap sa buhay para makapagtapos. "Hello, Tali buti naman at maaga ka ngayon. Malapit na pala bayarin ng tuition natin. May pang-bayad ka na ba?" tanong nito. Mahinang tinanguan naman niya ito. "Oo, may naitatabi naman akong kaunti kaso kulang pa rin. Bakit? May problema ka ba? Mukha kasing ang tamlay mo," nag-aalalang tanong niya sa kaibigan. "Kulang pa kasi ang pambayad ko. Tsaka alam mo naman ang trabaho ni tatay. Idagdag mo pang ang dami namin sa bahay. Yung kuya ko pang batugan anak ng anak di naman kayang buhayin. Malapit na rin ang bayarin ko sa apartment," frustrated na litanya ni Ember. Agad namang nangunot ang noo ni Tali ng makita ang nakatuping papel sa maliit niyang coin purse. "Nakalimutan ko wala pa pala akong pera pambayad ng kuryente. Hindi naman ako pwedeng humingi kay mama kasi bayarin na rin sa school ng kapatid ko." Napabuga siya ng hangin at nagkatinginan sila ni Ember at nagtawanan. "Ang hirap talaga maging mahirap diba, Tali? Minsan nga naisipan ko mag maghahanap na lang siguro ako ng sugar daddy." Natatawang biro ng kaibigan niya. Agad niyang tinampal ito sa braso. "Gaga, mamaya baka makahanap tayo ng raket. Baka may kakilala kang pwede nating malapitan kahit anong trabaho." "Tinanong ko na silang lahat ng nasa contacts ko at pwedeng mahingan ng tulong wala pa ni isang nag-reply,” aniya sa kaibigan. Bagot na kinuha nito ang cellphone at niyugyog siya. Agad naman na kumunot ang noo niya. "Nag-text si Rani, may inaalok siyang trabaho. Kaso...." Parang nagdadalawang isip ito kung itutuloy ang sasabihin o hindi. "Kaso?" "Escort daw,” mahinang anito. "’Di bale nalang, alam ko namang ayaw mo sa ganitong tra--" "Kailan daw?" Agad na lumaki ang mata ng kaibigan ng marinig siya. "’Di nga?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Sa panahong gipit kailangan sa patalim tayo kumakapit,” nawawalang pag-asang aniya. "Grabe ka naman. Escort lang naman ng mga mayayamang walang alam kundi ang mag show-off ng magagandang partner. Tsaka sigurado naman akong pasa tayo ‘dun." "Naks, confident,” natatawang aniya. Ember hissed at her. "Nakapag-reply na ako ng oo at dalawa tayo. Text lang daw siya pag okay na. Tsaka mamaya raw dun nalang tayo sa apartment ko maghintay." Tumango nalang din siya bilang pagsang-ayon. Mga bandang alas-5 ay umuwi na sila sa apartment ni Ember. Ilang saglit lang din ay dumating si, Rani. Bakla siya at nagtatrabaho sa isang high end calling service. Bagamat illegal ay hindi naman ito ma-trace ng gobyerno dahil malaking tao ang nagmamay-ari ng pinagtatrabahuan nito. May dala itong dalawang malalaking karton. "Oh Tali, mula kay Mr. Dmitri ‘yan. Ilang oras lang ay susunduin ka na niya rito. Kailangan mo lang makinig sa sasabihin niya at walang problema. But we have a very strict rule at alam ng mga client namin ‘yon. Hindi nila kayong pwedeng galawin at pilitin sa mga bagay na ayaw niyo. But of course kung ako sa inyo gamitin niyo 'yang kagandahan niyo para magka datung. Alam kong pare-pareho lang tayo ng gusto. Tsaka para malaki ang tip sa inyo gawin niyo ang lahat para maging perfect partner sa client okay?" Ani ng bakla. Tumango lamang silang dalawa. "Tsaka kilala si, Mr. Dmitri sa society ‘wag na ‘wag kang magkakamali sinasabi ko sayo," ani ni Matapos magbihis ng gown ay agad na inayusan sila ng mga kasama ni Rani na kapwa bakla rin. "May lahi ka ba, Tali? Ang ganda mo. Ikaw din, Ember." "Half Israeli ako,” ani ni Tali. "Ay talaga?" Sagot naman ni Dadot ang baklang nag-aayos sa buhok nila. "At ikaw, Ember? Iba kasi ang beauty niyo sa mga pure Filipina." "Half American,” ani ng dalaga. Tumango lamang si Dadot. "Kaya pala magkaibigan kayo. Puro nalahian ng magaganda't gwapo. Pero bakit parang you know poorita?" Nagtatakang tanong ni Dadot. "Namatay na kasi ang papa ko. Tsaka may negosyo kami noon nabaon kami sa utang nung nagkasakit si papa kaya ito todo kayod para makapagtapos,” sagot ni Tali. "Namatay din ang mama ko pagkaanak sa'kin. Tsaka anak ako sa labas ng ama ko. Alam mo na nakabingwit din ng amerikana at nabuo ako. The end,” pairap na ani ni Ember. Tumango tango na lamang si Dadot at nakangiting pinaharap sa salamin. "Ang galing palang pumili ng gown itong si ,Mr. Dmitri eh,” puri ni Rani. "Bagay na bagay sayo Tali. Nagmumukha kang goddess ng olympus,” dagdag ni Dadot. Nakasuot siya ng beige fitted gown na labas ang cleavage at open back. Nae-emphasize nito ang curves niyang nasa tamang proportion. Ngumiti lamang siya ng tipid at tinitigan ang sarili. Napagtanto niyang may igaganda pa pala siya. Nginitian niya si Ember na nakasuot ng fitted rin na red gown. Napaka-ganda nito sa suot. Natural na maganda si Ember mas lalo pa itong gumanda at sumeksi. "Nga pala iba-iba kayo ng venue. Kaya mag-iingat kayo palagi,” bilin ni Rani. Ilang sandali lang ay may bumusina sa labas ng apartment. Mabilis na lumabas si Rani at nakipag usap sa driver. Bumalik naman agad ito sa loob at tinawag si Tali. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD