Kabanata Dalawa

1021 Words
“Nandito na si, Sir Dmitri. Bilisan mo,” ani nito. Agad siyang nagpaalam kay Ember at lumabas na. Sobrang lakas ng tahip ng dibdib niya na parang lalabas na sa sobrang kaba. Agad na binuksan ng driver ang kotse nitong sobrang kintab at sobrang bago. Napaka-big time nga ng client nila. Napatanga tuloy siya. "Get in or we'll be late," ani nito sa mababang boses. Napalunok siya ng laway nang marinig ang baritonong boses nito. Napamaang na lamang siya nang makita niya ito sa malapitan. Ang buong akala niya na ang tinutukoy nitong Mr. Dmitri ay na sa edad kuwarenta pataas subalit iba ito sa nakikita niya ngayon. Halatang nasa edad 29 or 30 na ito. Tahimik na umupo siya sa gilid nito. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Imbis na magsalita ay tumikhim na lamang siya at umupo nang maayos. Ilang minuto pa ay lumingon ito sa kaniya. "Details,” simpleng ani nito. Tsaka bumalik ang tingin sa labas ng sasakyan na naka de kwatro ang paa. "H-huh?" Agad na lumingon ang binata kumunot ang noo nito. Tumikhim na naman ulit ang dalaga at nagsalita. Nakurot niya ang sarili dahil masiyado siyang nai-intimidate sa presensiya nito. She can't even find the right words to say. "Ahm, I-i'm Thalia Ghan, 24 years old,” mahinang aniya at hinintay ang reaksiyon nito. Nakatitig lamang ito sa mukha niya at kumunot ang noo. "M-may problema ho ba?" Tanong niya. Agad na kumunot ang noo nito sa sinabi niya. Pansin niyang napaka-hilig nitong ikunot ang noo. "Drop that f*****g "ho", I’m just thirty,” ani nito at Inayos ang pagkakaupo. Inayos nito ang neck-tie at tinignan siya nang maigi. Agad naman siyang na-tense. Ikaw ba naman titigan ng napaka-gwapong nilalang iwan ko na lang kong mapapakurap ka pa. Idagdag mo pa ang mga mata nitong tila nangungusap na ayaw. "I need you to act like my possessive girlfriend, don't embarass me,” malamig na ani nito. She just nodded her head. Ilang sandali lang ay huminto na sila. Kinakabahan man ay pilit niyang inaayos ang sarili. Nagulat pa siya nang alalayan siya ng binata pababa. Ngumiti ito nang tipid sa kaniya. "Don't get nervous. You're with me, you're safe,” mahinang ani ng binata at hinapit siya sa beywang tsaka humarap sa napakaraming camera. Medyo nagulat pa siya sa biglaang kilos nito subalit sumabay na lamang siya sa agos ng pangyayari. "Show them your sweetest smile Thalia,” ani ng binata na hindi ngumingiti. She rolled her eyes, minsan ma-attitude rin kasi siya. She did her job as his partner. Nakipag-plastikan at nag-acting na akala mo ay ang tagal na nilang magkakilala ng binata. Ngiti rito ngiti roon. Ramdam niyang nangangalay na ang panga niyang panay ang ngisi. Iniwan siya nito saglit sa mesa nila dahil may kausap itong halatang mayaman din. "Hey, pretty!" Agad na tumaas ang kilay ng dalaga ng may umupo sa harapan niya. May itsura pero malayong-malayo kay Trevor na sobrang gwapo. "Ngayon lang ‘ata kita nakita rito? Sinong kasama mo ngayong gabi? Mind if this handsome lad join you?" Nakangising anito. She raised her eyebrows and clicked her tongue. Napaka-arogante at presko. "I'm okay being alone if you don't mind?" Sarcastic na aniya. Lumapad naman ang ngisi nito. Parang mas nagustuhan pa ‘ata ang remarked niya. "Oh, love that baby feisty," mapaglarong anito. Ramdam na niya ang inis sa kausap. Napaka-insensitive at confident masiyado. Pinaka-ayaw niya ang ganitong klase ng tao, akala siguro niya ay natutuwa siya sa presensiya nitong mukhang adik. Magsasalita na sana siya nang may sumabat. "If I were you, I’ll choose not to f**k up with anyone's date,” ani ng malamig na boses. Agad na napaangat ng tingin ang dalaga at huminga nang malalim. Nakangiti pa rin nang malapad ang binata at nag-half raised hands. "Dmitri, kaya pala. Akala ko kasi walang kasama itong si beauty. Nilapitan ko na and she happens to be your date sayang napaka-sexy niya. So lucky man,” anito at kinindatan siya bago ito umalis. Agad na napairap si Tali at tiningnan si Trevor na nakatingin lang din sa kaniya. Lumapit ito at umupo sa kabilang silya saka tiningnan siya nang maigi. "You don't like him." He stated. "Sinong magkakagusto sa mahangin na ‘yon? Akala mo kung sinong napaka-gwapo,” iritadong aniya. Sumimsim sa kopita niya ang binata at ngumiti nang bahagya. "I can see that you're not used with this kind of gatherings. Aren't you a pro? Sorry, no offense meant." Natigilan ang dalaga sa sinambit ng binata at nakaramdam siya nang kaunting sakit sa ego niya subalit ngumiti na lang din. "Ang totoo, first time kong gawin ‘to. Gipit na kasi tsaka kailangan ko ng pera para makapagbayad ng tuition. Alam mo na mahirap ang buhay,” mahinang aniya at sumimsim ng alak sa kopita. Bahagya siyang napaubo nang malasahan ang pait at tamis nito. Hinimas niya ang dibdib at masamang tinignan ang kopita. "Careful,” ani ng binata at inabutan siya ng tissue. "Salamat, pasensiya ka na ha. Hindi talaga kasi ako sanay sa mga ganito. Ang daming tao napaka-plastik pa hindi ko kayang makipag-sabayan,” amin niya sa binata. Natawa naman ito at parang natuwa pa sa sagot niya. Nahimasmasan naman siya at parang nawala ang takot tsaka awkwardness sa binata. "I don't like it here. Can we go somewhere else if it's okay with you?" Suhestiyon ng binata. Lumaki ang mata niya at napangiti. Mas gugustohin niyang mapunta kahit saan ‘wag lang sa fortress ng mga toxic people. "Let's go,” ani ng dalaga at tumayo na. Naakangiting pumasok sila sa loob ng kotse at pinauna nang umuwi ang driver ng binata. "Saan tayo?" Tanong niya habang nakatingin sa labas ng kotse. Nakikita niya ang magagandang city lights. "Somewhere peaceful,” tipid na ani ng binata at nagpatuloy sa pagd-drive. Nakatingin lamang ang dalaga sa labas nang marinig niyang tumugtog ang stereo ng kotse. Napaka-ganda ng kanta. Para siyang dinuduyan. Upbeat pero mellow at soft ang background. Napatingin siya sa katabi at sumikdo ang dibdib nang makitang nakatitig din ito sa kaniya. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD