“YOU’RE hired.” “Talaga po?” Ngumiti nang malapad sa akin ang HR manager pagkatapos ng mahigit kalahating oras na interview. Walang mapagsidlan ang tuwa ko dahil sa kabila ng background ko ay tinanggap nila ako. Hindi rin ako nakapagbigay ng certificate of employment sa coffee shop dahil sinisante naman ako at hindi nag-resign doon. “Maraming salamat po talaga, Ma’am!” “Well,” aniya saka tumayo. “Congratulations, Miss Ramos!” Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. Halos mangiyak-ngiyak ako. Noong araw na nagpasa ako ng application ay natawagan agad ako para sa interview. Hindi ko akalain na dininig ng nasa Itaas ang dasal ko. “I liked your honesty. Sa totoo lang sa dinami-dami ng nag-apply rito, ikaw lang ang nakitaan ko ng sinseridad sa pagsagot ng mga katanungan ko. Kaya, puwede k