“ALEXIS! Why didn’t you text me na pupunta ka?” Nagulat kaming lahat nang biglang pumagitna si Miss Lauren bago pa man makalapit sa akin si Alexis. Nagbeso ito sa huli na parang ang tagal nilang hindi nagkita. Gumilid na lamang ako at nagkunwaring may hinahanap sa shoulder bag. Maging sina Jade at Kathleen ay natigilan. Sanay na kasi silang lagi akong sinusundo ni Alexis dito. “How’s your first day?” kaswal na untag ni Alexis sa kaibigan. Umabrisyete sa kanya si Miss Lauren. “So far, so good. Feeling ko nga mag-e-enjoy talaga ako rito. Thanks pala ulit sa paghatid mo sa akin kagabi, ha?” May halong lambing sa boses ni Miss Lauren. Hindi maipagkakailang matagal na silang magkaibigan. “Don’t mention it. Matitiis ba naman kita? Glad you’re enjoying here. Hindi nga nagkamali si mommy.” S