NANAKBO ako pagkatapos kong masigurong maayos na ang pagkakalagay ng hairnet sa buhok ko. Hindi na ako nag-retouch ng lipstick at makeup. Inilagay ko ang bag sa locker, gano’n din si Jade. “Halika na. Nando’n na raw silang lahat.” Lumabas na kami dahil ipakikilala raw ni Ma’am Alice ang bago naming supervisor simula sa araw na ito. Darating na kasi mamaya ang asawa niya galing U.S. kaya pupunta raw siya sa airport para salubungin at sunduin ito. Malamang kasama si Alexis. “Good morning!” “Good morning, Ma’am!” Pumwuesto kami ni Jade sa likod para hindi halatang nahuli kami ng dating dahil naghanapan pa kami kanina ng extra na hairnet. Naiwan niya kasi ang mga hairnet niya sa bahay nila. “Nasabi ko na sa inyo noong mga nakaraang araw na may papalit sa akin. Pero hindi naman ibig sab