“WHAT?”
Gumuhit ang magkahalong sakit at gulat sa kanyang mga mata pagkatapos kong sabihin ang pakay ko kaya ako nakipagkita sa kanya. Nakagat ko ang aking ibabang labi. For a second I thought of taking back what I’ve just said, but I should stick to the plan.
“I’m sorry, Gabriel. Sana maintindihan mo na ayaw ko na. Hindi tayo puwede sa isa’t isa. Sigurado naman akong marami ka pang makikilala na mamahalin ka sa paraan na kailangan mo.”
Tumayo ako sa upuan kaya agad din siyang tumayo. Hinila niya ako sa braso saka pinaharap sa kanya.
“Wait, Armea. What are you talking about? Please enlighten me. May problema ba tayo? May nagawa ba akong mali? What?”
Gumuhit ang kurot sa aking dibdib. Ayaw kong salubungin ang kanyang mga mata at baka bumigay ako. I can’t fall back. Hindi ko maaaring baliin ang napagkasunduan namin ni Violeta Santillan.
“Narinig mo ang sinabi ko, Gabriel. Maghiwalay na tayo,” malamig kong tugon. Puwede ko nang palakpakan ang sarili ko sapagka’t nagawa kong pigiling tumulo ang aking mga luha.
“But, why?”
Dumiin at nanginig ang kanyang boses. May mangilan-ngilang mga matang napapatingin sa aming direksyon. Sinadya ko talagang magkita kami para masabi ko ang aking pakay.
“Ayaw ko na. Pagod na ako sa relasyon natin. Pagod na ako sa ‘yo!”
Liar. Pakiramdam ko ay sinasaksak ko ang aking sarili sa bawat katagang lumalabas sa aking mga bibig. Nakita ko ang pagguhit ng panibagong sakit sa kanyang mga mata. Napaawang siya’t napabitaw sa braso ko.
“Is this because of Mom? I will talk to her. I am pretty sure she will like you. Besides, wala naman siyang magagawa kung ikaw ang mahal ko. Wala akong pakialam sa opinion niya. Just, please—”
“Ang desisyon ko ay desisyon ko lang, Gabriel. Wala itong kinalaman sa kahit kanino. Sana naman respetuhin mo ‘yon. Ma—marami namang diyang mas maganda, mas edukada, at mas bagay sa ‘yo. Tiyak na makahahanap ka rin ng iba.”
“Pero ikaw ang gusto ko! Ikaw ang mahal ko!”
I gripped my arms once again. Nagpumiglas ako’t itinulak siya.
“Tapos na tayo, Gabriel. Huwag mo na akong pahirapan at huwag mo na akong susundan,” madiin sabi at mabilis na lumakad palabas ng restaurant. Ngunit pagkarating ko sa gilid ng kalsada ay muling may humila sa braso ko.
“I’m willing to change if I did something bad. Just please, don’t do this to me, Armea. I can’t! I just can’t let you go!”
Lumuhod siya’t yumakap sa aking mga hita. Sa tangkad niya’y umabot sa aking tiyan ang kanyang mukha. He buried his face on my tummy. Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
“Bitaw, Gabriel.”
“No!”
I gasped when I heard his sobs. Nanginginig ang mga kamay kong inalis ang nakapulupot niyang kamay sa aking mga hita.
“I will work this thing out. I will do everything, baby. Kung pagod ka na, ako ang lalaban para sa ‘tin. Just don’t do this, please?”
Umiling ako. Kailanman ay hindi ako napagod na mahalin siya, dahil wala naman siyang ginawa kundi ang pasiyahin ako. Kahit na pagod na pagod siya galing sa trabaho ay palagi niya akong pinupuntahan o sinusundo sa trabaho. He always checks on me.
“Wala kang dapat gawin, Gabriel. Dahil ayaw ko na talaga. Sana naman hayaan mo na ako. Isa pa. . .” Huminga ako nang malalim, “hindi na kita mahal.”
Napahigpit ang pagkakayapos niya sa aking mga hita. My eyes pooled. Ipinagpasalamat ko na lamang na maggagabi na kaya medyo madilim na at hindi niya nakikita ang aking mga mata.
“No!”
“Iyon ang totoo, Gabriel. Unfair naman sa ‘yo kung ipagpapatuloy pa natin ang relasyon na ito. Kaya nakikiusap ako, bitaw na.”
Nakahinga ako nang maluwag nang lumuwag ang pagkakapit niya sa aking mga hita kaya’t kinuha ko ang pagkakataon na iyon para kumawala sa kanyang pagkakayapos.
“I don’t believe you. You’re a bad liar, Armea. You still love me!”
Umiling ako’t tumawa nang mapang-uyam kahit na may bumibikig sa aking lalamunan. “Ano ba’ng alam mo sa nararamdaman ko? Hindi na kita mahal, Gabriel! Kaya nakikiusap ako. Tumayo ka na diyan at umuwi.”
Malalaki ang aking mga hakbang pagkatapos ko siyang talikuran. Ngunit hindi pa man ako nakalalayo ay may yumapos sa akin mula sa likuran. Napapikit ako nang mariin.
Bakas ang gulat sa kanyang mukha nang pagkabukas niya ng pinto ng banyo ay ako agad ang nakasalubong niya.
“Armea?”
Ngumiti ako nang mapait. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, ngunit kailangan ko itong gawin.
“Tita—” I gulped hard. Tumaas ang kilay niya’t may nang-uuyam na ngiti sa sulok ng kanyang mga labi.
“Pumapayag na po ako,” halos pabulong kong sabi. Bumikig ang aking lalamunan. Patawarin sana ako ni Gabriel.
“Sinasabi ko na nga ba,” aniya. Tumawa siya nang mapakla.
“Ang cheap naman ng pagmamahal mo sa anak ko. Dalawang milyon lang bumigay ka kaagad,” dagdag niya. Umiwas ako ng tingin saka nilunok ang kanyang mga masasakit na salita.
Ganito pala ang pakiramdam ng may mahal ka sa buhay na nasa bingit ang buhay. Nagiging matapang ka. Nagiging mas matatag. Wala na akong pakialam kung ano ang isipin niya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang maoperahan si Mama sa lalong madaling panahon.
Naglabas siya ng checkbook mula sa mamahalin niyang bag saka pinirmahan iyon. “Siguraduhin mo lang na pagkatapos nito ay hinding-hindi ka na magpapakita sa anak ko. Layuan mo siya.”
Napalunok ako saka dahan-dahang tumango. Iniisip ko pa lamang na lalayuan ko si Gabriel ay parang hindi ko kakayanin. Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang tseke mula sa kanya.
Mariin akong umiling nang maalala ang napag-usapan namin ng mommy ni Gabriel. Hindi ako maaaring bumigay. Isa pa, kahit na ipagpatuloy ko ang relasyon naming ito ay wala namang patutunguhan. Alam kong maraming gagawa ng paraan para sirain kami. Isa pa, baka dumating ang araw na magsawa na rin siya sa akin. Hindi ko alam kung kakayanin ko iyon kaya mabuti nang putulin na habang maaga pa.
“Tama na, Gabriel. Nakikiusap ako, tigilan mo na ako.”
“H—Hindi ako naniniwalang hindi mo na ako mahal. Baka pagod ka lang, sasamahan kitang magpahinga. Come on, baby. We can work this out,” he begged. His voice was shaking and I can feel the fast beating of his heart.
“Hindi ko na problema kung hindi ka naniniwala. Pero iyon ang totoo, Gabriel. Kaya nakikiusap ako, bitaw na. Umuwi ka na!”
“No!”
“Bitaw.”
“I won’t. I’m not gonna let you go, Armea. I’m sure pagod ka lang talaga. Or maybe you’re just stressed. Let’s go, ihahatid kita sa inyo.”
Lumambing ang kanyang boses. Marahas ko siyang iwinaksi ngunit hindi pa rin siya natitinag.
“Tanggapin mo na lang ang katotohanan na nawala na ang pagmahahal ko sa ‘yo.”
Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin mula sa likod at kahit anong gawin kong pagbaklas ay hindi man lang siya natitinag. Hirap na hirap na ang kalooban ko. Hindi ko na alam kung kaya ko pang panindigan ang desisyon ko.
“Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ulit ako, Armea. Susundin ko lahat ng gusto mo, basta ‘wag mo lang akong iwan, oh. Nakikiusap ako. Hindi ko kaya.”
Bumigay na ang aking mga luha. Humugot ako ng malalim na hininga. Pakiramdam ko’y sasabog na ang aking dibdib.
“Bakit ba ang kulit mo? Sinabi nang hindi na kita mahal! Hindi na! May mahal na akong iba! Kaya awat na, Gabriel!”
Naestatwa siya dahil sa aking mga sinabi. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para kumawala sa kanya. Matapang ko siyang hinarap. Para akong sinasakal sa puso nang makita ko ang saganang pagdaloy ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Bagsak ang kanyang mga balikat na nakatingin sa akin.
“You what?” nanghihina niyang tanong.
“Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko? May mahal na akong iba! Kaya huwag mo na akong sundan. Hayaan mo na ako, Gabriel! Umuwi ka na sa inyo.”
Natameme siya saglit. Pagkatapos ay gumuhit ang hinanakit sa kanyang mga mata. “Gano’n kabilis, Armea? Bakit? Ano ba’ng meron siya na wala ako? For damn sake, I can give you the world!”
“Mas mahal ko siya!” matapang kong sagot. Natulala siya sa aking sinabi.
“Oo, Gabriel. Mas mahal ko siya kaysa sa ‘yo! Matagal ko na kitang gustong hiwalayan. Nasasakal na ako sa ‘yo!”
Huwag sana akong tamaan ng kidlat dahil sa aking mga pinagsasabi. Dali-dali ko siyang tinalikuran habang nakatulala pa siya sa gilid ng kalsada. Agad kong pinara ang jeep na dumaan. Pinagtitinginan pa ako ng mga pasahero dahil sa tumutulong luha mula sa aking mga mata.
Ilang araw ko ring pinag-isipan ang pakikipaghiwalay ko kay Gabriel. Hindi ko maaaring sirain ang kasunduan namin ng mommy niya. Sana darating ang araw na mapatawad niya ako at maintindihan kung bakit ko iyon nagawa. Kung sakaling may mahanap man siyang ibang mamahalin ay tatanggapin ko. He doesn’t deserve someone like me.
Sinupil ko ang bikig sa aking lalamunan. Nang umandar na paalis ang jeep pagkatapos sumakay ng isa pang pasahero ay muli kong tiningnan ang direksyon kung nasaan si Gabriel.
Ngunit para akong pinagsakluban nang makitang nando’n pa rin siya sa gilid ng kalsada, nakaluhod.
©GREATFAIRY