“Kaya ko lahat. Para sa ‘yo na mahal ko.” Pinipigilan ko na ang kilig ko at ang pagpatak ng aking luha. Umiwas na ako ng tingin sa kanya habang nasa loob kami ng sasakyan. “Hindi na ako maniniwala sa ‘yo. ‘Di na ako mafa-fall sa ‘yo. Comatose na ako kapag lumagapak nanaman ako.” “It will never happen again. Bakit ba ayaw mo pa ring maniwala?” “Dito na pala ako sa bahay. Salamat sa paghatid,” agad akong bumaba ng sasakyan at naglakad na papasok na sa bahay. “Sunduin kita ng 3pm bukas,” sigaw niya para ipaalala sa akin ang pagpunta namin sa wedding. Pinadala na ni Mama ang damit ko noong isang araw pa dito sa shop. Blue knee length dress na may lace sa balikat hanggang dibdib. Nag-make up muna na ako ng light lang saka isinuot ang aking dress bago mag-alas tres ng hapon. “Ana, halik