Chapter 6.

2710 Words
Tatlong araw na walang text o tawag akong natanggap from Zieg. I felt bitter. Ano, pina excite nya lang ako? Nagbago na ba ang isip nya? Ayoko mag overthink pero naiinis ako. I want to see him. I want to know what he's doing, kung bakit ba hindi kami natuloy mag dinner sa bahay nya. One week na okay at araw araw kaming nagkikita tapos all of a sudden, ni 'ha' ni 'ho' wala akong maririnig mula sa kanya. This is frustrating. Wala kaming label at exclusive kami, pero diba may karapatan naman ako na mag alala? Shit. Dalawang oras pa lang ako sa cashier at tatlong beses na akong nagkamali ng pag type. Paano ko papagalitan ang sarili ko kung ako din ang manager at may ari? God. Zieg's absence is taking its toll on me. Sa takot ko na magkamali pa ay si Shane na ang pinag cashier ko at tumulong na lang ako sa kitchen. Distracted ako kakaisip kay Zieg. Kung ano naman pala ang sarap ng ganito, ganoon din pala kahirap kapag nag aalala ka. Nag aayos na ako sa office ko para kumain ng lunch sa labas nang katukin ako ni Clark, isa sa mga staff. "Ma'am may nag deliver po. Para sa inyo daw. Ako na po ang pumirma as nag receive." Inabot nya sa akin ang isang bouquet ng pinaghalong puti at pula na roses kasabay ang isang paper bag mula sa isang Italian resto. Pinalapag ko iyon sa mesa ko. Nang makalabas na si Clark ay tsaka ko pa lang tiningnan ang naka sabit na card mula sa bouquet. I am really sorry and I miss you. I'll see you later. Z Pinigilan ko mapangiti. I swear pinigilan ko. Pero ngumiti pa rin ako kasabay nang pag amoy ko sa bouquet na hawak ko. Damn it. It wasn't my first time to receive flowers, but this is the most special. In the past, ang mga nagbigay lang sa akin ng mga bulaklak noong college ay mga gusto manligaw na wala naman akong interest. Ang mga naging boyfriend ko naman ay never nagbigay. Noong nasa Dolce Maria naman ako ay may mga clients na palagi akong pinapamper at binibigyan rin ng mga bouquets. But the one I am currently holding is the fairest. Okay, nawala na ang inis ko. But he still have to explain to me kung ano ang emergency na pinuntahan nya para ma cancel ang dinner plans naming dalawa at kung bakit three days na wala man lang syang tawag o text. Gumanda na ang mood ko since I received the bouquet. Parang mas sumarap din ang pagkain na pinadala ni Zieg para sa akin. Hindi ko alam kung ilang beses akong tumingin sa wrist watch na suot ko, wanting the time to go faster para makita ko na si Zieg. Miss na miss ko na sya. When I received a message na nasa labas na sya ay tiningnan ko na muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinugod ko sya ng yakap. "Woah. Did you miss me that much?" Natatawa na tanong ni Zieg as he was hugging me back. "San ka ba galing?" God I sound like a child pero gusto ko maglambing. "We can talk about it later, okay?" Hinawakan nya ang dalawang balikat ko at ihinarap nya ako sa kanya. The he caressed my hair. "I missed you too." I immediately put my lips into his. Ramdam ko na nagulat sya pero mabilis rin naman sya na tumugon. He's the first ine to pull. "Aya, we're in the middle of the street." Nakangiti na sabi nya. "I may not be able to stop myself so I think it's a good idea to just get on my car." I grinned. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko, damn. Nang makapasok na kami sa bahay nya ay yinakap ko sya ulit. I don't know what's happening to me but I can't seem to get enough of him. He kissed me on my hair and hugged me back. My face resting on his broad chest and my hand landed on his back. "I don't know why but I really miss you. Nag alala ako nung hindi ka man lang tumawag o nagtext. Tapos nung tinawagan kita, out of coverage ka, tapos wala ka rin reply sa texts ko." He chuckled. "I know. I'm sorry. Let me make it up to you, okay?" He said tenderly. He pulled from me and cupped my face. Our eyes met and I knew he was going to kiss me. When it happened, I pulled him closer. He groaned. "Aya, I need to cook." He said in between our kisses. "Ahuh." Para akong lasing na hinahalik halikan pa sya. Sya na ang unang bumitaw mula sa pagkakayakap namin sa isa't isa. He got my hand and slowly pulled me into the kitchen. Sumandal ako sa counter. He gave me a quick kiss before he started looking for the ingridients. Hinubad nya na ang suit nya at kinuha ko iyon mula sa kanya. I folded it in my arm and just kept on looking at him. He looks so adorable. "Ano'ng lulutuin mo?" "Secret, but I know you'll like it." Nakangiti na sabi nya. Naglabas sya ng pasta, butter, spices at kung anu ano pa. "I hope." I teased. Tumigil sya sa pag galaw at lumapit ulit sa akin. He kissed me. "You can stay at the living room. Tatawagin na lang kita, alright?" He kissed my noses. I giggled. Damn it, kinikilig ako sa ginagawa ni Zieg. "Okay boss." Nag thumbs up pa ako sa kanya bago sya iniwan sa kusina. I opened the TV and looked for something interesting to watch. Maya maya ay nag lapag ng isang maliit na bowl nang popcon at isang baso ng juice si Zieg. "Here, have some snack." I grinned at him. "Thanks." He winked and went back to the kitchen. Hindi naman nakakatawa o nakakatuwa ang pinapanuod ko pero nakangiti ako na parang wala ako sa sarili. I feel so lucky na gusto rin pala ako ni Zieg. Kung hindi ay hindi ko mararanasan 'to. Nilingon ko si Zieg, nag suot sya ng dark blue na apron, naka angat na ang manggas ng polo nya hanggang siko nya and he looked really serious in what he was doing. I bit my lower lip and focused on what I was watching. A few years ago, ako ang takbuhan ni Daena tungkol sa kung ano ang pwede nyang gawin with Ahren. I make it look like I really know what to do or say, pero ngayong ako na ang nandito sa sitwasyon, I am just glad na hindi na ako nagpakipot. I kept on telling Daena na huwag umasa at tanggapin na lang na maaaring one night stand lang sya para kay Ahren because I don't want her to hope for something from someone na hindi nya naman masyado kilala. And I am really happy na masaya na sila ngayon with their bouncing baby boy. Daena trusted Ahren. I don't know if I should trust Zieg that much yet but I am willing to take the risk. After thirty minutes ay narinig ko na inaayos na ni Ahren ang mesa. Four seater ang dining table nya. Nakangiti ko syang pinagmamasdan habang naglalagay sya ng mga utensils. "Need help?" Tanong ko sa kanya. "Just stay there, Aya. I got this." Nakangiti na sabi nya. I shrugged my shoulders at ipinatuloy ang panunuod. Ang bango ng kung ano man ang niluto ni Zieg. Nagutom tuloy ako bigla kahit naubos ko na ang isang bowl ng popcorn na binigay nya kanina. "It's ready!" I heard him said after a few minutes more. Excited na tumayo ako at mabilis na lumapit sa dining table. Tinatanggal nya na ang apron nya at isinabit nya na iyon sa gilid ng fridge. Lalo akong nagutom nang makita ko ang nakalatag na mga pagkain. Carbonara, baked mussels with butter, vegetable salad and a bottle of wine. Nakangiti na tumingin ako sa kanya. "Wow!" "I know. Wait till you taste them." Mayabang na sabi nya. He pulled a chair for me and he sat at the chair in front mine. Sya ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko. Tinitingnan ko lang sya while doing so. Wala pa kaming two weeks na exclusive pero naparamdamn nya na sa akin ang hindi ko man lang naramdaman sa mga naging ex ko na nagtagal kami ng ilang buwan. Ugh. Why do I even compare them to Zieg? They are just boys. Zieg is a man. I never have to fake it with him because he knows exactly how to make me come hard. I blushed at what I was thinking. Nang matapos na kami ay ako na ang nag volunteer na mag ayos ng mga pinagkainan namin. Zieg won't let me, but I insisted. Sobrang busog ko. I put our leftovers in the fridge. Magshoshower daw muna sya. The way he said it made me blush. Pumunta na lang daw ako sa kwarto after. Mabilis naman akong natapos. Nang pumunta na ako sa kwarto nya ay naabutan ko pa sya na naka twalya lang. His hair's still dripping. Naka yuko sya at may binabasa sa cellphone nya. "Hey." I called him. Mabilis nyang nilapag ang cellphone nya at lumapit sa akin. He put his arm into my waist and kissed me. Inilagay ko ang mga braso ko sa leeg nya and kissed him back. Agad na nag lakbay ang mga kamay nya and I knew what we were gonna be doing next. Pero mabilis akong napahiwalay sa kanya nang marinig ko na tumunog ang cellphone ko. "I got to take it." Nakangiti na sabi ko. "Alright. I'm just here." Sabi nya naman. I went out to his living room where I put my bag. Kung normal na ringtone lang iyon ay kaya ko'ng hindi pansinin. But the ringtone that I heard is the ringtone I chose for my parents. Meaning, kapag iyon ang tumunog, parents ko ang tumatawag. They share one cellphone. Hindi naman daw kasi nila talaga kailangan, they just need it to contact me and my siblings, as well as our other relatives. "Hello?" Hindi ko alam kung bakit sila tumatawag at this time of the night. "Ayanna! Anak!" It's my mother's voice. Maingay sa paligid nya which is unlikely kung nasa bahay lang sya. "Ma? Ma, bakit po? May problema po ba?" Tumawa sya. "Ano ka ba? Natawag lang ba ako kapag may problema?" I was relieved. "Hindi naman po. Bakit po kayo napatawag?" "Inimbitahan kasi kami ng Tita Gloria mo dahil birthday nya. Bago sana kami umuwi, gusto ka namin makita ng papa mo. Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay mo pero wala ka pa. Nasa Lush ka pa ba?" Bumilis ang kabog ng dibdib ko. s**t! My parents are here? What the hell! "What? Bakit hindi kayo nagpasabi?" Lumingon ako sa pintuan ng kwarto ni Zieg and there he was, standing still in his towel. Nang nakita nya na parang nagpapanic ako ay dahan dahan syang lumapit. "Hindi ka na namin natawagan kanina, akala kasi namin ay uuwi ka na lang. Nagpaload pa lang kami kanina ng papa mo. Nasaan ka?" Oh s**t. "Ahm lumabas lang ako saglit. Pero uuwi na rin ako." "Ah ganoon ba? Sige maghihintay na lang kami ng papa mo." Damn it. I am glad that I can see my parents pero sana man lang ay nagsabi sila. Its cold and they are waiting outside my house? Ugh! "Ma, punta muna kayo ni papa sa coffee shop sa bandang kaliwa. Baka matagalan pa ako pero pauwi na ako." Napapikit ako nang maramdaman ko na yinakap ako ni Zieg mula sa likod. He started giving me small kisses on my neck. Holy s**t. "Sige, hintayin ka na lang namin Ayanna." Halata ang sigla sa boses ni mama. Mabilis akong humarap kay Zieg nang maputol na ang linya. "Something wrong? Was that your mother?" Kunot noo na tanong nya, still not letting me go. Tumango ako. "Yep. I'm sorry, Zieg. I have to go. Hindi nagpasabi ang mama at papa ko na darating sila, nasa tapat na daw kasi sila ng bahay ko. I have to go home." "Oh, I see. Sasamahan na kita." Binitawan nya ako at mabilis na naglakad pabalik sa kwarto nya. "What?" Sinundan ko sya. "Hindi na. I can go home. Magbobook na lang ako ng uber." He opened his cabinet and put on his clothes. "It's alright, Ayanna. Ihahatid na kita." "A-are you sure? You don't have to, really." Ngumiti sya at hinalikan ako bago lumabas sa kwarto nya. Sinundan ko ulit sya. Naka shorts at plain blue t shirt lang ang suot nya but he still looked so dmn good. Kinuha nya na ang susi mula sa pinagsasabitan nya. "Ayanna? Let's go." Naka idle pa rin pala ako habang naka tingin sa kanya. I got my bag and we went. Zieg raided my stock and volunteered to cook for my parents. Honestly, inaasahan ko lang sya na ihatid ako. Nagulat na lang ako nang bumaba rin sya mula sa sasakyan nya at naglakad kasunod ko papasok sa coffee shop para sunduin ang parents ko. Wala akong choice kung hindi ipakilala si Zieg. He was the one who introduced his self as my 'boyfriend' at parang kulang na lang ay maglulundag ang parents ko sa tuwa na finally ay may 'lalaki' na rin ako sa buhay ko. Although unlike Breen a napaka vocal ng parents at relatives nya tungkol sa pag aasawa nya. Bree's older than me, probably ka edad ni Daena. Sa edad ko nga na ito ay hinahanapan na ako, paano pa si Bree? Hindi matigil kaka tanong sila mama at papa habang naglalakad kami pabalik sa bahay. Zieg just left his car at the parking space of the coffee shop. When I asked them kung kumain na sila at sumagot sila na hindi pa, that's when Zieg volunteered to cook for them. And now kasama ko sa living room sila mama at papa habang busy sa pagluluto si Zieg sa maliit kong kusina. "Customer mo ba sya sa Lush, anak? Bakit hindi mo man lang nababanggit sa amin na may boyfriend ka na pala?" Todo ang ngiti na tanong ni mama. Palingom lingon sya sa kusina kay Zieg. Suot ni Zieg ang pink Hello Kitty apron ko na regalo sa akin ni Daena. "Si Albert at si Ariella matagal nang nagpakilala ng mga girlfriend at boyfriend nila, ikaw na panganay, kung hindi ka pa namin pupuntahan ng mama mo ay hindi namin malalaman." Naiiling naman na sabi ni papa. "Mama, papa, may balak naman ho ako na ipakilala sya.." I don't know if that's the truth because honestly, wala pa kaming dalawang lingo na 'exclusive' ni Zieg at wala pa doon ang isip ko. I was just enjoying what we have. "Saan kyo nagkakilala?" Tanong ulit ni mama. She looked so eager. Kung alam ko lang na magiging ganito sila kasaya edi sana noon ko pa naisip na mas maging open tumanggap ng relationship. I mean, it doesn't really need to be super serious, right? I cleared my throat. "L-lawyer sya sa dating pinapasukan ko." "Sa spa o sa catering?" Kunot na tanong naman ni papa. My parents don't know my stint in Dolce Maria. They can't know. Ang alam nila ay sa isang spa ako nagtatrabaho at tuwing weekends ay on call ako sa isang catering service. Iyon lang ang magpapaliwanag kung bakit may kalakihan ang naipapadala ko sa kanila. My parents aren't all about the money. Pareho silang may pension, at isang taon na lang naman ay gagraduate na siAriella, ang bunso namin. But I still want them to spend the money I worked hard for. Madami akong naipon dahil hindi ako makapagpadala ng masyadong malaki dahil magtataka sila. Hindi ko noon mapigilan ang ma guilty but I have no choice. Kung ako lang, hindi ko ikinakahiya ang pagiging lap dance sa Dolce Maria, but my parents will freak out. "S-sa spa." Nilingon ko si Zieg. "Uhm p-pupuntahan ko po muna si Zieg. Baka kailangan nya ng katulong para mas mabilis na maluto." I dashed to the kitchen not waiting for their answer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD