Chapter 5

1689 Words
Heira's POV; Namimilog ang mga mata ko habang pinagmamasdan ko si Dark. Dahan-dahan kasi niyang hinubad ang suot niyang T'shirt. "s**t! Bakit ba hanggang ngayon hindi parin masanay ang mga mata ko sa Hot niyang katawan. Parang akala mo ngayon ko lang ito nakita. Samantalang ilang beses ng dumampi ang kamay ko sa matiponong dibdib niya. "Ate Heira!" "Hey Ate! "Oh? Bakit John Axle?" Tanong ko ng hindi ko ito sinulyapan. "Ate, bakit nakanganga ka?" Halos mapalundag ako sa pagkagulat ko kay John Axle. Bigla ba namang humarang sa magandang view na nakita ko. Haist! Sayang! "Ano ba ang kailangan mo?" "Wala naman po Ate Heira. Nagtataka lang kasi ako sayo. Nakatulala ka tapos nakanganga? Si Kuya John Ace ba ang tinitiningnan mo?" "Bingo! Alam mo naman pala humaharang ka pa sa magandang view!" "May iniisip lang ako masarap na pagkain nagkataon lang na nakatuon ang tingin ko kay John Ace." "Ganoon ba ate." Umupo siya sa tabi ko at inumpisang kainin ang hawak nitong Ice cream. "Penge naman ako Axle." Bigla kasi akong natakam sa kinakain niya. "Sabi ni kuya wag daw kitang bigyan ng pagkain ngayon." Sumimangot ako kay Axle. Simula ng pinagbawalan ako ng O.b gyne ko na magdiet sa pagkain. Tinitipid na ako ni Dark na kumain. Nakakainis kasi nagugutom ako. Ang daming bawal unang-una ang malalamig na pagkain. "Hindi naman malalaman ng kuya mo na bibigyan mo ako. Sige na Axle kawawa si Baby sa loob ng tummy ko gustong kumain ng Ice cream. Salubong ang kilay niya ng tumungin sakin. "Wala pa naman yan ngipin si Baby sa tummy mo ate Heira niloloko mo lang ako." "Ay ganon ba? Haha! Ang talino mo talaga bunso. Hindi kita maloko manang-mana ka sa Kuya mo." Sinadya ko pang hinaan ang huling sinabi ko. "Kumain ka na lang ng apple ate masustansya yan." Ngumiti pa siya sakin. "Hmmm.. Ang sarap talaga ng ice cream." Napalunok tuloy ako habang pinagmamasdan ko si Axle na kumakain ng Ice cream bigla akong natatakam. Nakaramdam tuloy ako ng pagkirot ng t'yan ko. Napahawak tuloy ak sa t'yan ko. "John axle.. Ang t'yan koo!! Aarayy!!" "Ate anong nangyayari sayo?" Lumapit pa siya sakin. "Ang kuya mo! Tawagin mo please!" Nagmadali namang tumakbo si Axle papunta sa kuya niya. "Kuya! Kuya! Si Ate Heira sumasakit ang t'yan!" Narinig kong sigaw ni John Axle. Agad na umahon sa swimming pool si Dark gayon din si Shawn at tumakbo palapit sakin. Hinawakan ako ni John Ace. "Namumutla ka Asawa ko." Sabi pa niya. "D-dalhin mo ako sa Hospital manganganak na yata akoo!" Tumango sakin si John Ace at kinarga niya ako papunta sa kotse. Hindi na nagawang magbihis ni John Ace sa sobramg taranta niya. "Saan kayo pupunta Son?" Tanong ni Papa Frits. Kararating lang nilang dalawa ni Mama Ally. "Manganganak na po yata si Heira." "Ano? Teka! Ipasok mo siya sa kotse! " Tarantang sabi ni Papa Frits. Agad naman akong ipinasok ni John Ace sa kotse. "John Ace! Magbihis ka kami na ng Daddy mo ang magdadala sa hospital sa asawa mo." Sabi ni Mama Ally. "Pero Mom? Kailangan po ako ng asawa ko." "Tingnan mo ang itsura mo? Maligo kana at sumunod ka na lang sa hospital. Wag mong kalimutang dalhin ang gamit ng baby mo." Bumuntong-hininga si John Ace. "Sige po Mommy!" Sabay takbo nito papasok ng mansion. Mabilis namang pinaharurut ni Papa Frits ang koste. Katabi ko si Mama Ally. Hawak-hawak ko ang tiyan ko at namimilipit ako sa sakit. "Kaya mo yan Heira. Konting tiis na lang." Sabi pa ni Mama Ally. Pilit akong tumango sa kanya. Kahit na nga hindi na maipinta ang mukha ko sa sobrang sakit ng t'yan ko. "Wife ko, tawagan mo si Mang tony sabihin mong ihatid si John Ace sa hospital. Baka kung anong mangyari don kapag siya ang nagdrive. "Okay sige husbie ko." Kung hindi ako namimilipit sa sakit ng t'yan baka kinilig na ako sa dalawa. Ang sweet kasi nila kahit matanda na sila. Kung sabagay titingnan mo sila mukhang magkakapatid lang kami dahil parang hindi nagbabago ang itsura nila. Parang hindi sila tumatanda. Biglang bumukas ang pintuan ng kotse ng tingnan ko. May tatlong nurse ang nasa harapan ko at may dalang wheelchair. Binuhat ako ni Papa Frits at pinaupo sa wheelchair. Agad namang itinulak ng Nurse papasok ng hospital. "Maglakad-lakad ka pa ng konti Mrs Santiago hindi pa gaanong nakakababa ang baby mo." Sabi ng O.B gyne ko. "Po? Pero hind ko na po kayang maglakad. Sobrang sakit ng t'yan ko." "Okay kung ganon cesarean ka na lang." "Ayoko po! Wag po!" Mas lalong ayokong macesarean. Jusko! bibiyakin ang t'yan ko." Tipid na ngumiti si Doktora. "Hindi naman ganon 'yon Mrs, Santiago. Hindi mo mararamdaman kasi tulog ka." Napailing ako. "Ayoko po! Maglalakad na lang po ako ng pabalik-balik. Kaya kong maging normal ang panganganak ko." "It's all up to you Mrs." Mabuti na lang talaga at nasa private Hospital ako. Kaya ako lang ang pasyente ni Doktora. Kahit sobrang sakit na at hirap na akong maglakad. Ginawa ko parin ang pinag-uutos ni Doktora. Wala sila Mama at Daddy sa loob ako lang mag-isa. Gusto ko sana kasama ko si Dark para may lakas ako ng loob kaya lang hindi pa siya dumarating. Sunod-sunod na katok ang narinig ko. Hindi yon pinansin ni Doktora. Nakatuon ang pansin niya sakin. Pinapanood niya ako sa paglalakad. "Dark... Nasaan ka na ba?" "Asawa ko!!" Napaluha ako ng marinig ko ang boses niya. Humahangos pa ito ng makapasok sa silid. Siya pala ang makulit na katok nang katok. Mabuti na lang talaga at binuksan ng Doktora ang silid. "Dark.." Niyakap ko pa siya. "Masakit pa rin ba?" "Sobrang sakit. Ayoko ng maglakad Dark." "Bakit pinaglalakad ka pa?" "Mataas pa daw ang t'yan ko." "Ganoon ba 'yon? Sige sasabayan kita sa paglalakad." Ganoon na nga ang ginawa ni John Ace. Inalalayan niya ako sa pabalik-balik na paglalakad hanggang sa sinabi ng Doktora na maari na akong mahiga sa kama. "Asawa ko kaya mo yan!" Sabi pa sakin ni John Ace habang hawak niya ang kamay ko. Hindi ko na nagawang tumugon sa kanya dahil sobrang sakit na talaga. Ganito pala ang manganganak walang katumbas ang sakit. "Mr, Santiago maari na kayong lumabas. Hindi pwedeng may kasama ang pasyente sa loob. Kami na po ang bahala sa asawa at anak nyo." Sabi ni Doktora. "Po? Ayoko po dito po ako sa tabi ng asawa ko." "Pero hindi po pwede." "D-doktora. Pakiusap po gusto kong kasama ang asawa ko sa panganganak ko." "Haist! Sige na nga!" "Thank you po!" Sagot ni John Ace. Nilagyan ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan ko habang kitang-kita ko kay John Ace ang pamumutla niya. Kitang-kita ko din ang butil-butil na pawis sa sintido niya. "Asawa ko... Kaya mo yan!" "Mrs Santiago kapag sinabi kong umire. Iire ka ha!" "Opo Doktora." Sagot ni John Ace. "Hindi po kayo ang tinatanong ko yung asawa nyo po." "Pasensya na po hindi na kayang sumagot ng asawa ko." "Okay sige!" "Promise Asawa ko. After two years na ulit tayo gagawa ng Baby." Gusto kong sampalin ng kaliwa't kanan si Dark. Hindi pa nga nailalabas ang panganay naming anak nag-isip na agad ng kasunod. "Mrs Santiago. Magbibilang ako ng tatlo. Iire ka okay!" "Opo Doktora!" Sagot ni John Ace. Tumango ako matapos sumagot ni John Ace. Para kasing naiinis na ang Doktor kay John Ace dahil siya ang sumasagot sa mga tanong ni Doktora. Hindi ko naman sinasaway dahil bukod sa masakit na ang t'yan ko alam kong kinakabahan lang siya kaya ganon siya. First time kasi namin itong dalawa. "Okay One, two, three!! Iree!" "Buong pwersa akong umire. Napakapit pa ako ng mahigpit kay John Ace. Naramdaman kong may kung anong lumabas sakin. Nang lingunim ko si John Ace pati siya umiere din. Mabuti na lang at hindi napapansin ng Doktor. "Isa pa Misis! One, Two, three!" Muli akong umiere hanggang sa tuluyan ng nawala ang sakit na nararamdaman ko. Nanghihina na rin ako at parang inaantok ako. "Asawa ko si Baby natin." Narinig kong sabi ni John Ace. Ngunit parang hinihila ako ng antok dahil sa pagkahilo ko. Pakiramdam ko unti-unti akong nawawalan ng lakas. "Doktora! Ano po ang nangyayari sa asawa ko. Putlang-putla siya?" "Misis wag kang matutulog delikado." "Asawa ko.. Wag kang matulog." Hinawakan pa ni John Ace ang mukha ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sakin. Pilit akong ngumiti sa kanya. Sabay pa kaming napalingon ng marinig namin ang iyak ng Baby namin. Kusang tumulo ang luha ko ng marinig ko ang iyak ng anak naming dalawa. "Baby ko.. "Asawa ko narinig mo ba ang iyak ni Baby?" Umiiyak pa ito ng humarap siya sakin. Ngumiti ako sa kanya. "Inaantok na ako Dark. Gusto kong matulog." "No! Asawa ko hindi pwede.. Baka- baka hindi kana magising. Wag kang matulog please!" "P-pero... "Please!" Pinilit kong labanan ang antok na nararamdaman ko. Alam kong bawal akong matulog. 'Yon kasi ang sabi ni Nanay sakin. Wag daw akong matutulog kapag normal delivery ako. May kung anong itinurok sakin ang Nurse. Pagkatapos noon unti-unti na akong lumakas. Sabi ni Doktora pwede naman akong matulog wag lang ngayong oras. Kaya pinilit ko na lang na abalahin ang sarili sa pakikinig sa sinasabi ni John Ace. Ilang minuto pa ang nakalipas itinabi sakin ang anak namin ni John Ace. Kusang tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ko ang munting anghel naming dalawa ni John pareho kaming nakangiti. "Ang ganda ng anak natin. Manang-mana talaga sakin Asawa ko." Sabi ni John Ace. Inirapan ko siya tapos muling kong itinuon ang pansin ko sa baby namin. "Anong ipinangalan mo sa Baby natin Dark?" Tumingin siya sakin. "Malalaman mo din mamaya kapag kaya mo ng kumilos." "Bakit hindi pa ngayon?" Sa halip na sagutin niya ako. Itinuon niya ang pansin sa baby namin. "Welcome to the world Baby." Walang pasidlan ang kaligayahan ko habang pinagmamasdan ko ang baby naming dalawa. Parang kelan lang magkaaway pa kami ni Dark. Ngayon isa na kaming Ama at Ina na may magandang anak. Wala na yata akong hihilingin pa dahil ibinigay na sakin ni God ang pinakamagandang regalo niya sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD