Chapter 4

1961 Words
Heira's POV "Yaya Chedeng! Nasaan po sila John Ace?" Tanong ko kay Yaya Chedeng habang nakaupo kaming dalawa sa Sofa at nanonood ng Tv. Kaninang umaga pa kasi wala sila John Ace at ang Mommy at Mga kapatid niya. Naiwan akong mag-isa sa mansion. Gusto ko sanang pumunta kila Nanay. Ngunit mahigpit na pinagbilin ni John Ace na hindi ako pwedeng umalis ng bahay. Ayoko namang suwayin siya dahil baka pag simulan na namin ng away. "Nasa out of town sila. Diba? Sinabi ko na sayo Senyorita?" Bigla naman akong nahiya. Ilang beses ko na nga bang tinanong kay Yaya iyon. Ilang beses na rin niya akong sinagot. Nakulitan na siguro sakin. Bumuntong-hininga ako. "Bakit hanggang ngayon wala parin sila?" "Hayaan mo na Senyorita. Minsan lang sila umalis ng mag-anak." Nakaramdam ako ng lungkot. Hindi parin ba ako kasali sa pamilya nila? Bakit nila ako iniwan dito? "Kung ang iniisip mo na hindi ka nila tanggap bilang kasapi sa pamilya nila. Nagkakamali ka. Dahil alam kong may maganda silang dahilan kung bakit nila yon ginawa." "Hindi naman po Yaya. Nalulungkot lang po ako." Alibay ko. "May gusto ka bang kainin? Ipagluluto kita gusto mo?" Sabi niya sakin. "Wala po Yaya Chedeng busog pa po ako." "May gusto ka bang panoorin?" "Wala na po.." Bumuntong-hininga pa ako. Tapos tumayo ako upang magtungo sa garden. Mas masarap kasing tumambay doon. "Saan ka pupunta Heira?" "Sa Garden po sama kayo?" "Ha? Teka! Teka! Wag kang pumunta don Senyorita!" "Po? Bakit naman po?" "H-ha? Ahh— kasi may ahas don!" Namilog ang mga mata ko ng malaman kong may ahas sa garden?. "Sure ka Yaya may ahas don? Pero paanong nakarating ang ahas don yaya? Inaalagaan naman po yon ni Mama Ally ang garden?" "Ha? Ehh— may nakapasok na ahas galing sa kabilang mansion. Tama! Ganon nga ang nangyari. Kaya wag kang pumunta doon dahil baka matuklaw ka buntis ka pa naman." Bigla akong natakot. Akala ko kasi sa gubat lang maraming ahas pati sa manila. Kaya pala palaging sinasabi ng kapitbahay naming bungangera na. "Hindi lahat ng ahas nasa gubat ang iba nasa Kapitbahay mo lang." Yon pala ang ibig sabin niya. "Sige po hindi na ako pupunta don. Nakakatakot pala. Baka matuklaw ako. Kaya pala Yaya yung kapitbahay namin inaaway niya yung katabi nilang bahay. Kasi may ahas daw. Tsk! Grabe pala yon noh!" "Oo kaya dumito ka na lang. Baka mapagalitan pa ako ni Senyorito John Ace." Sige po Yaya! Teka lang po may kukunin ako sa lumang gamit ko." "Sasamahan kita Senyorita." "Wag na po Yaya! Hintayin nyo na lang po ako dito." Kinalkal ko ang mga lumang gamit ko na nakatago sa basement ng mansion. Sabi noon ni Dark itapon ko daw lahat. Ngunit hindi ako pumayag dahil may mga sentimental value sakin ang iba do'n. "Ayun! Nakuha din kita!" Sabi ko ng makita ko ang bota na ibinigay sakin ni Maezy noon. Gift niya sakin yon dahil palaging bumaha sa palengke noon kapag umuulan. Sinukat ko iyon at natuwa naman ako dahil nagkasya parin ito sakin. "Yan! Hindi na ako matutuklaw ng ahas!" Pagbalik ko sa living room. Ipinagyabang ko kay Yaya Chedeng ang bota ko. Nakatulala lang siya sakin at hindi alam kung anong sasabihin niya. "Yaya ang talino ko na po noh? Kahit dumadaan-daan pa ang ahas hindi ako matutuklaw." Humalakhak si Yaya na ikinagulat ko. "Anong nakakatawa Yaya? Pangit po ba ang bota ko? Sabi na nga ba eh. Ang baduy talagang pumili ni maezy." I pout. Umiling-iling si Yaya sakin habang walang tigil ang kakatawa sakin. Hawak-hawak pa niya ang tiyan. "Wala Senyorita! Maganda naman ang Bota mo. Tama nga ang sinabi ni John Ace." Tumaas ang kilay. "Ano po ang sinabi niya?" Tumingin muna sakin si Yaya tapos tumawa. "Sinabi niya na maganda ka daw kapag buntis." "Talaga po? Bakit feeling ko hindi yon ang sinabi ni Dark sa inyo?" "Senyorita wag kang mag-isip ng kung ano-ano." "Haist sige na nga po!" Pagkatapos umupo ako sa Sofa at nanood ng movie. Hanggang sa makatulog ako. John Ace's POV Dahan-dahan akong kumatok sa silid nila Mommy at Daddy. Pasado alas Onse na ng gabi ng maisipan kong puntahan sila at kausapin. Nakataas ang kilay ni Mommy ng buksan niya ang pintuan ng silid nila. "Bakit John Ace?" "Mom, pwede ko ba kayong makausap ni Daddy?" "Hindi ba pwedeng ipabukas ang sasabihin mo samin ng Daddy mo?" "Hindi na po Mom. Kailangan ko na po kayong makausap ngayon" Pinagmasdan muna ako ni Mommy bago niya niluwagan ang pagkakabukas ng Pinto. "Pumasok ka Anak." Nakita ko si Daddy na katabi niya si Fritzie na mahimbing namang natutulog ang bunso kong kapatid. Lumapit muna ako kay Friyzie at dinampian ko ito ng halik sa noo. "Anong kailangaan mo John Ace?" Tanong sakin ni Daddy. Lumapit ako kay Daddy at tumabi ako sa kinauupuan niya. "Gusto kong turuan mo ako ng mga moves mo Dad. Kung paano nainlove ng husto si Mommy." Sinulyapan ko pa si Mommy. "Ginayuma ako ng Daddy mo that's it!" "Wife ko.. Ikaw nga itong nanggayuma sakin eh, habol ka nang habol sakin noon. Kulang na lang ilibing mo ng buhay ang mga babaeng umaaligid sakin." "Tse! Ang hangin ng Daddy mo!" Tumawa si Daddy. "Ayaw mo pang aminin totoo naman." "Husbie!" "Dad, seryoso po ako." "Yang Daddy mo laging may Surprise na gimik sakin. Kaya masyado akong nainlove sa kanya." "Totoo ang sinabi ng Mommy mo. Palagi akong nag-iisip ng surprise para sa kanya." "Gagawin ko din po yon kay Heira." Tiningnan ako ni Daddy. "Maganda yan! Kailangan kahit mag-asawa na kayo hindi parin nawawala ang sweet nyo sa isa't-isa kailangan para kayong palaging mag kasintahan. Teka! bakit mo biglang naisip yan?" Tanong ni Daddy. "May karibal po kasi ako ngayon sa asawa ko Dad. Mukhang hindi papatalo. Kaya gusto kong makasigurong hindi siya mahuhulog kay Kingkong Dad." "So anong plano mo?" "Gusto kong i-surprise siya bukas Dad." "Anong gagawin mo?" "Kailangan ko po ng tulong nyong dalawa." Tumango sila sakin. Pagkatapos pinag-usapan namin ang plano namin para bukas. "Kuya! Ano? Anong oras mo ba sisimulan yang ginawa nyong kabaduyan!" React ni Jhoace sakin. Bukod kasi kay Mommy at Daddy pati ang mga kapatid ko sinali ko sa gagawin kong surprise date para kay Heira. Kahit na nga tutol si Jhoace sa kabaduyan ko daw." Sinipat ko ang orasan ko pasado Alas otos na ng gabi. Tinawagan ko si Yaya chedeng at napag-alaman kong nabihisan na nito si Heira ngunit mahimbing parin ang tulog niya. "Jhoace, puntahan mo na si Heira. Alam mo na ang gagawin mo." "Mabuti naman!" Sabay irap niya sakin. Napailing na lang ako. Maldita talaga si Jhoace. Mas malala pa kay Mommy. Pero kahit ganoon siya suportive parin siya samin ni Heira. "Anak! Ready kana ba?" Nakangiting tanong ni Daddy. "Yes Dad!" Sumenyas si Daddy at dumilim ang paligid papuntang Garden. Doon ko kasi naisip na gawin ang plano ko. Ilang saglit pa narinig ko ang boses ni Heira. "Jhoace, saan tayo pupunta? Wag tayong pumasok dyan sa garden may ahas daw dyan sabi ni Yaya chedeng." "Believe me walang ahas dyan. Let' s go!" "Sure ka!" "Oo naman! Lagot ako kay kuya kapag may nangyaring masama sa inyo ni Baby." "Sige na nga! Pero ang dilim baka madulas ako." "Hayaan mo na. Let's go!" Pagkatapos binuksan ko ang ilaw sa tapat nila. Mula sa malayo Nakita kong namangha si Heira dahil sa entrace palang may Red carpet na sa gilid nito may dalawang tao na nakatayo at nakataas ang espada at nakadikit. Para silang Mga Kawal ng isang reyna at hari. Ang dalawang yon ay ang security guard namin. Naglakad sila papasok nakita ni Heira si Daddy na may hawak-hawak na bulaklak. Iniabot niya iyon kay Heira at sumayaw silang dalawa sa saliw ng musikang Beautiful in white ng westlife. "Ate Heira Dance with me po." Sabi ng bunsong kapatid kong si John Axel. Ngumiti si Heira. "Sure!" Pagkatapos sumayaw silang dalawa. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko sila. Sumunod na bumukas ang ilaw sa tapat ni Shawn Skyler. "Ineng sayaw tayo!" Nakangising sabi ni Shawn. Sumimangot si Heira. "Wag mo nga akong matawag-tawag na Ineng!" Umirap pa siya. "Haha! Joke lang ate. Tara sayaw tayo." "Ano ba ang nangyayari? Bakit may ganitong eksena?" "Sumayaw ka na lang minsan mo lang makasayaw ang gwapong katulad ko. Kaya sulitin mo na." "Hangin mo grabe!" "Atleast gwapo." Sabay kindat pa ni Shawn kay Heira. Kung hindi ko lang kapatid si Shawn baka sinuntok ko na siya sa mga sinasabi niya kay Hippo. Pinapanood ko lang silang dalawa hanggang sa magpaalam si Shawn kay Heira. "Punta ka na dyan ate sa tanim na Roses ni Lola at Mommy." Ani Shawn. "Ang dilim eh." "Tatanawin na lang kita mula dito." "Sige na nga!" Nang makarating siya doon. Isa-isang binuksan ang maliit na lantern na may iba't-ibang kulay. Nakita ko ang pagkamangha ni Heira sa paligid niya sa tulong nila at Daddy at Mommy nagawa naming pagandahin ang garden namin at maging isang romantic place iyon. ang mga iyon. Mga kalabasang Nilagyan din ng mga christmas lights ang mga bulaklak upang mas lalong maging maganda dahil naiilaw ang mga ito. Habang abala ang mga mata niya sa kakatingin sa harap niya. Bitbit ang roses na lumabas ako mula sa likuran niya upang hindi niya ako mapansin. "Ang ganda naman.." Sabi pa niya. Itanapat ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong ako. "Mas maganda ka ngayon Asawa ko." Dahan-dahan siyang ngumiti. "Dark!" Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. Napangiti naman ako habang nakayakap ako sa kanya. "Dark namiss kita! Bakit ang tagal mong umuwi." Dahan-dahan kong inangat ang mukha niya. Nakita ko ang bakas ng mga luha niya. Kaya naman pinunasan ko yon. "I love you." I love you too Dark." Hinapit ko ang bewang niya at sumayaw kaming dalawa habang tinugtog ang kantang Say you won't let it go. "Dark.." "Hmmm.. Bakit?" "Nagulat ako sa ginawa mo. Akala ko talagang iniwan nyo akong mag-isa. Akala ko hindi ako tanggap bilang miyembro ng pamilya nyo. Yon pala may surpresa ka sakin. Thank you!" "I can do anything just for you. Wag ka lang mawala sakin." "Hindi naman ako lalayo e. Hindi ko bibitawan ang kamay ko sa pagkakahawak mo sakin." Ngumiti ako sa kanya. "Thank you!" "Ikaw? Iiwan mo ba ako? Ipagapalit mo ba ako sa ibang mas maganda at seksi kesa sakin?" Tumawa ako. "Ikaw lang ang sexy sa paningin ko." Umingos siya. "Tse! Nambola pa!" "Totoo yon Asawa ko. Ikaw lang ang pinakamaganda sa paningin ko. Kaya kahit anong mangyari sakin ka lang." Nagkatitigan kaming dalawa. "Naramdaman mo yon Dark?" Tanong niya sakin. Tumango at ngumiti sa kanya. "Oo asawa ko." Hinawakan ko ang tiyan. "Baby! Kamusta ka na dyan sa t'yan ni Mommy." Sabi ko pa. Yumuko pa ako upang pakinggan ito. "Dark sinisipa kana ng anak mo." "Masaya lang siya kasi masaya tayo." "Excited na ako sa paglabas ng panganay natin." Sabi pa niya. Mabilis ko siyang dinampian ng halik sa labi tapos tinitigan ko siya. "Ako din excited na akong gumawa ng Kapatid niya." I wink. Her cheeks turn to red. Tapos kinurot niya ako sa tagiliran. "Nag-uumpisa ka naman sa kalokohan mo." Sa halip na magalit niyakap ko siya ng mahigpit at itinapat ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong ako. "My Daddy said. go and multifly." "p*****t!" Humalakhak ako. Ang sarap kasi niyang asarin. Lalo na kapag ganon ang usapan namin namumula ang mukha niya. Isa lang ang alam ko. Hindi ako papayag na mawala sakin ang Buhay ko ang dahilan kung bakit nagagawa ko ang huminga araw-araw ang buhay ko.. Hindi na kami sumayaw. Umupo na lang kaming dalawa habang magkayakap kami at pinapakinggan ang kanta ng westlife na. I wanna grow old with you..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD