Pag akyat nila sa rooftop ng hotel, isang helicopter ang naghihintay sa kanila roon, napa wow pa s'ya, dahil first time n'yang makakasakay sa isang expensive na helicopter. Alam n'yang hindi isang simpleng businessman lang Gavin, kung pagbabasihan sa pagkakaroon nito ng sariling helicopter at pag gastos ng milyon para lang sa isang virgin na babaing katulad n'ya, kahibangan at tila walang magawa sa pera ang tingin n'yang ginawa ni Gavin. Baka sobra-sobra na ang pera nito at hindi na nito alam ang gagawin sa pera. "Let's go," bulong nito dahil sa lakas ng hangin at ingay sa paligid. Tumango s'ya, habang hawak-hawak ang buhok na nililipad ng hangin. Pagpasok nila sa helicopter nag salute pa kay Gavin ang piloto, medyo nakaramdam pa s'ya ng hiya, dahil bigla n'yang naiisip kung may idea ba