Pinapasok sya ni Gavin sa pangalawang pinto sa ikalawang palapag ng malaking bahay. Namangha nanaman sya sa ganda ng silid at kumpleto sa modernong kagamitan, may malaking kama sa gitna, side table, malaking TV sa may malapit sa pinto ng terrace, may malaking sofa din sa tapat non. "Wow" anas nya at binitawan ang malateng dala sa sahig, kaagad syang tumakbo sa may sliding door at binuksan yon sumalubong sa kanya ang malakas na hangin at malamig na klima. Agad syang sumilip sa labas namamangha sya dahil mula sa kinatatayuan nya natatanaw nya ang malawak na karagatan sa isla. "This is heaven" usal nya at tumingala sa langit, kitang-kita nya ang nagkikislapang mga bituin at muling tumingin sa ibabang bahagi ng terrace damo at mga puno't alaman ang naaaninag nya. "Are you trying to escap