Kinabukasan nagising siya sa tunog ng cellphone na nasa maliit na mesa sa gilid ng kama.
"Hello," inaantok na sagot niya.
"Ellise anak!" Tili ng Mommy niya na gumising sa inaantok niyang diwa.
"Mommy! Ano po'ng nangyari?"
"Anak pumunta kanina rito si Mr. Crisostomo ay buti nalang hindi siya pumasok, kung hindi makikita siya ng Daddy mo,"
"Ano ho ang sabi niya?" Tanong niya at nasalo ang nananakit na ulo.
"Isang linggo nalang daw ang ibibigay niyang palugit sa atin, dahil nagmamadali na daw ang buyer niya sa bahay, anak,"
"Ano ho, isang linggo?!" Gulat na tanong niya.
"Oo anak, ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong ng Mommy niya na hindi mapigilan ang umiyak sa kabilang linya.
"Ma, huwag na po kayong umiyak ako na po ang bahala, gagawan ko na po ng paraan. Basta si Daddy po asikasuhin niyo, saka sina Evan at Elvie, ako na po ang bahala sa problema. Tawagan ko po kayo mamaya," Litanya niya at mabilis nang nagpaalam sa ina. Dahil hindi na rin niya mapigilan ang maiyak.
Napahagulgol siya ng iyak. Ano nang gagawin niya? Saan siya kukuha ng limang milyon? Ano ng mangyayari sa kania? Mga tanong niya sa sarili habang umiiyak.
Tila ba wala na talagang ibang paraan kundi kumapit siya sa patalim. Kailangan na niyang magdesisyon ngayon, dahil wala na siyang sapat na panahon. Dinampot niya ang cellphone at tinawagan si Lenny. Wala na siyang ibang alam na paraan. Kailangan na niyang pumayag para matapos na ang lahat.
Kinagabihan Nakipagkita uli sa kanya si Lenny sa dating restaurant.
"So ano, this time ba eh sigurado ka na?" Tanong nito. Mabilis siyang tumango.
Wala namang ibang paraan pa, ito nalang ang tanging paraan para matapos na ang lahat ng problema niya, at sa oras na mabawi niya ang bahay at lupa nila uuwi na siya sa San Miguel at doon nalang hahanap ng trabaho. May kaunting ipon naman siya maaari siyang magtayo ng sariling negosyo tulad ng boutique. Maliit na puhunan lang naman ang kailangan niya doon. Basta ang mahalaga ngayon mabawi na nila ang bahay at lupa.
"Ok. Actually alam ko naman na papayag ka rin eh, kaya naman, naialok na kita sa mga kakilala kung businessman," nakangiting sabi nito. Napangiwi pa siya sa ginamit na salita nito. Naialok ano ba siya pagkain?
"And you are lucky dahil, kakilala ka ni Mr. Pangilinan, kaya agad siyang pumayag nang i alok kita," patuloy nito. Hindi aman siya makakibo.
"And he wants to see you tomorrow evening,"
"Bukas agad?" Gulat na tanong niya.
"Ellise, ikaw ang mas nangangailangan, ikaw dapat ang sumunod," sita nito sa kanya.
"Sorry," paumanhin niya. Kung anu-ano pa ang pinaliwanag ni Lenny sa kanya, na hindi naman niya naiintindihan, nais na niyang itanong kung kailan ba niya makukuha ang kabayaran sa serbisyo niya. Iyun naman kasi ang pinakahihintay niya.
"This is him." Pinakita ni Lenny ang lalaking marahil nasa singkwenta na ang edad na naka business suit. Kokonti nalang ang buhok, malaki pa ang tiyan. napalunok siya at bumuntong hininga.
"Masasanay ka rin Ellise, sa simula lang mahirap, pero pag nakasanayan mo na, balewala nalang sa iyo iyan."
"I guess so," malungkot na sagot niya at inubos ang laman wine na nasa glass.
"Anyway about the payment." Narinig niyang sabi ni Lenny na nagpagising at nagpabuhay sa kanya.
"I didn't offer anything, si Mr. Pangilinan ang nag presyo and guess what kung magkano?"
"Magkano?" mabilis na tanong niya.
"10 Million, Ellise!"
"What?!" Ang napasigaw na tanong niya at mabilis na tinakpan ang sariling bibig. Nahihiyang lumingon sa paligid.
"Yes, Ellise after that isa ka nang millionarya," nakangiting sabi ni Lenny.
"Bakit ang laki naman? Kailangan ko lang naman limang milyon."
"Ayaw mo non, magkakapagtabi ka ng extra five million for yourself."
"But isn't to much? Ano bang balak niya sa akin?" Hindi niya maiwasan magtanong. Hindi naman siya babayaran ng ganoong kalaki kung hindi rin malaki ang kapalit.
"Well, according to him, he wants you to be his woman for the whole month." Nagulat siya sa sinabi ni Lenny.
"Whole month?" Nanlalaking mga matang tanong niya rito.
"Yes,"
"Anong gagawin namin sa loob ng isang buwan?"
"F*ck each other. Ano pa nga ba, syempre susulitin niya ang bawat sentimo na binayad niya sa iyo, Ellise," sagot ni Lenny na nagpahina sa kanya. Nanlambot ang buong katawan niya. Gagamitin ang katawan niya.
Isang buwan siyang pagsasawaan ng matandang iyon. Isang buwan siyang gagamitin at dudungisan, kapalit ng sampung milyon. Well, hindi na rin naman masama pero anong klase pagtatalik kaya ang gagawin sa kanya?
Lalong gumulo ang isip niya pero ayaw na muna niyang isipin iyon sa ngayon. Ang mahalaga may maibabayad na siya kay Mr. Crisostomo, matatapos na ang problema niya at haharap siya sa panibagong problema.
"I guess wala naman akong choice," malungkot na sabi niya.
"Yeah. And he wants to see you tomorrow, sa VincElla Hotel in San Miguel."
"What? Bakit sa San Miguel pa?"
"Hindi ka niya pwedeng i-meet dito, delikado for you at lalo na sa kanya he is a married man."
"Pero bakit sa San Miguel? You told him, I'm from San Miguel?"
"No. I don't know why he knew that place, basta ganoon lang ang sinabi niya sa akin."
"But-"
"Ellise, hindi tayo ang magdedesisyon rito, binabayaran tayo kaya kailangan natin sumunod." Putol nito sa sasabihin n'ya.
"I see."
"So ready yourself and good luck, cheer!" Nakangiti pang sabi nito.
"Thank you," alanganing sagot niya at naki cheer na rin. Kahit alam niyang isang malaking pagkakamali ang gagawin niya. Kailangan niyang gawin para sa pamilya, para sa Daddy niya.
Matapos silang mag usap ni Lenny kaagad na itong nagpaalam at naiwan na naman siyang mag-isa sa restaurant sinusulit ang mga mamahaling pagkain at wine na inorder ni Lenny sa kanila. At nagpapasalamat siya ito lagi ang nag nagbabayad ng mga kinakain nila sa mamahaling restaurant na iyon. Matapos niyang maubos lahat tumayo na siya para lumabas ng Restaurant ng mamataan si Luke na papasok sa loob. Iiwas sana siya dahil nais niyang iwasan ang binata. Alam niyang kukulitin lang siya nito na makipag date rito. Minsan na siyang sumama kay Luke at hindi niya nagustuhan ang mga nangyari, kaya ayaw na niyang maulit pa. Sikat ito at alam niyang sikat rin sa pambababae.
"Ellise," Tawag ni Luke sa kanya ng makita siya, kahit anong iwas niya.
"Hey," tanging bati niya, at nagtuloy sa paglabas ng Restaurant. Sumunod ito sa kanya.
"Wait, ikaw ang sadya ko rito" Sabi nito sabay pigil sa braso niya.
"Ako? Bakit? Isa pa paano mo nalaman na narito ako?"
"I asked Lenny where you at, kaya pinuntahan kita rito."
"Bakit?" Tanong nia at pasimpleng binawi ang braso.
"To talk to you, hindi mo kasi sinasagot mga tawag ko sa iyo, pati na mga messages ko."
"Luke, busy kasi ako. Marami akong inaasikaso, wala akong time sa mga-"
"Ellise, why don't you give us a chance?"
"Chance?"
"Come on, let's talk in my car." Anyaya nito at hinawakan siya sa braso.
"No, Luke uuwi na ko, I'm sorry ok. Kung ano ang napag usapan na natin noon iyon na yon," inis na sagot niya. Binawi ang braso at mabilis na lumakad palapit sa kotse niya. sumunod pa rin sa kanya si Luke.
"s**t,' mura niya at mabilis na sumakay sa kotse. Bago pa niya naisara iyon napigilan ni Luke ang pinto.
"You want to talk to your place? I'll follow you," sabi nito at bago pa siya makapag protesta ito na mismo ang nagsara ng pinto ng kotse.
"Bakit naman kasi sinabi pa ni Ate Lenny kung nasaan ako," maktol niya habang ini-istart ang makina.
Habang binabaybay niya ang kalsada nakita niyang nakasunod nga sa kanya si Luke at lalo siyang naiinis. Paano ba niya mapapatigil ng kakabuntot sa kanya ang lalaking ito, naiinis na siya at hindi na siya natutuwa sa pangungulit sa kanya ni Luke.
Unang date palang nila nakitaan na niya ng kabastusan si Luke. Masyadong mabilis pagdating sa babae na agad niyang kinainisan rito, kaya naman ng matapos ang date nila sinabihan niya ang binata na iyon na ang una't huling date nila. Ewan niya kung bakit pilit pa rin itong namimilit ngayon.
Wala pa siyang nagiging boyfriend iyung seryoso, halos lahat ng nakarelasyon niya mula noong college eh mga fling fling lang, parang puppy love ganon. Walang seryoso, tila dala lang ng kabataan at panunukso ng mga kaibigan. Kaya naman ng mapunta siya sa Maynila marami ang nagparamdam sa kanya, at tanging si Luke lang ang inin-tertain niya, dahil gwapo ito at sikat naman talaga sa mga kabataan. Pero ng makilala na niya ito nawalan na siya ng gana rito.
Pagdating sa Condo building hindi pa rin niya maiwasan si Luke hanggang makarating sa pinto ng unit niya nakasunod pa rin ito sa kanya.
"Luke, please magpapahinga na ko. Hindi kita maaasikaso ngayon," inis na sabi niya nang nasa tapat na sila ng pintuan.
"Bakit ba ang ilap mo ha, Ellise? Ano bang pinagmamalaki mo at masyado kang pa hard to get!" May himig na galit sa tono nito.
"Luke! I'm not playing hard to get here! hindi mo lang maintindihan na hindi kita gusto!"
"Come on Ellise, I'm Luke!" Sagot nito at hinawakan ang mukha niya, sinubukan niya iiwas iyon pero mahigpit ang pagkakahawak nito.
"Luke ano ba?!"
"Who do you think you are huh Ellise? Isa ka lang namang pipityuging model!" Matalim na sabi nito. Sinubukan siyang halikan sa labi, mabilis niyang iniwas ang mukha at dumapo ang labi nito pisngi niya.
"Let me go!" Tili niya at tinulak ito at nang makawala mabilis siyang nagtatakbo palayo rito.
"Ellise!" Narinig niyang tawag sa kanya ni Luke, pero hindi na siya lumingon pa. Nagtatakbo lang s'ya ng nagtatakbo palayo rito.
Nakarating siya sa rooftop ng building. Doon nag iiyak naupo siya sa upuan malapit sa swimming pool. Wala ng mga tao roon pag ganoong oras bawal na ang mag swimming kaya s'ya lang mag-isa roon. At doon niya nilabas ang lahat ng sama ng loob.
"Damn it! damn it!" Sigaw niya. Napatingala siya ng lumakas ang hangin at umingay sa buong paligid. Tila may helicopter na nais bumaba sa area na iyon. Halos hindi niya mabuksan ang mga mata habang nakatingin sa helicopter na palapit ng palapit, kaya naman lalong lumalakas ang hangin at umiingay sa paligid. Hinawakan pa niya ang buhok na sumasama sa malakas na hangin.
Nang makalapag ang helicopter isang lalaki ang bumaba. Naka maong pants at long sleeve polo, na dahil sa lakas ng hangin tila nabuksan ang ilang butones ng polo nito. Maliwanag sa buong paligid dahil buong gabing bukas ang magagandang ilaw ng building sa rooftop para makita ang magandang view sa itaas. Nanatili siyang nakamata sa lalake, hanggang sa lumipad muli ang helicopter na sinasakyan ng lalake.
"Sino siya?" Bulong niya na tila ba nakalimutan niya ang problema ng makita ang gwapong lalake. Napasinghap pa siya ng mapansin ng lalaki ang kinauupuan niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang lalaki.
Ito ang lalaking nakabungo niya sa mall at nakita niya sa restaurant noong isang araw. Bakit ba lagi niyang nakikita ang lalaking ito? Sino ba ang lalaking ito? Tanong niya sa sarili habang nakatingin sa lalake.
Sinulyapan naman siya nito na walang ekspresyon sa mukha, na muntik pang niyang ika tigil sa paghinga ng magtagpo ang kanilang mga mata
Shit! Ang gwapo niya.