Gavin-4

1103 Words
Kinabukasan maaga siyang nagising uuwi siya ng San Miguel, doon daw kasi gustong makipag kita ni Mr. Pangilinan sa kanya . Nakakainis pa, dahil sa VincElla Hotel pa. Paano kung may makakilala sa kanya roon? Paano kung makita sila ni Mr. Pangilinan ng mga taong kakilala niya? sabihin pang pumapatol siya sa matanda. Well, iyon naman ang totoo. Halos dalawang oras din ang biyahe niya, dahil ma trapik at hindi siya makaiwas sa trapik. Pagdating sa bahay kaagad siyang sinalubong ng mga kapatid at mga magulang, dahil biglaan ang pag uwi niya. Nang makakuha ng tyempo sinabi nya sa Mommy niya na maibibigay na niya ang kalahating bayad kay Mr.Crisostomo ngayong araw. Napaluha pa ang Mommy niya at niyakap siya ng mahigpit habang umiiyak. "Mommy, baka makita tayo ni Daddy niyan" umiiyak din na bulong niya. "Thank you so much, Ellise, for doing all these things for our family." "Mommy, I can do anything for us," Sagot niya at lalong naiyak ang ina. Totoo iyon, basta sa pamilya niya wala siyang hindi gagawin. "Anyway, where did you get the money?" biglang tanong ng ina. Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa ina at naglakad patungo sa ref, para kumuha ng tubig. "Nag loan ako sa agency ko, kaya baka aalis din ako mamaya. They give me a 1-month full-time work," Pagsisinungaling niya, iyon naman ang totoo 1-month siyang magtatrabaho kay Mr. Pangilinan, sa kama nito. "That's great anak, basta tumawag ka araw-araw para hindi kame nag-aalala sa iyo." "Yes, po Mommy" sagot niya at inabutan ng tubig ang ina. Matapos silang mag-usap ng Mommy niya lumabas siya ng bakuran at pinagmasdan ang katam-tamang laki ng bahay nila na dalawang palapag at may pagka moderno ang gawa. May limang kwarto sa itaas tig isa-isa sila at isang guest room. May malaking library room din sa baba at isang maid's room sa bandang likod. Malawak pa ang bakuran nila dahil sabi ng Daddy niya kaya daw malaki ang lupang binili nito para sa kanila ay para pag nagka pamilya na silang tatlong magkakapatid eh doon na rin sila magsi pagtayo ng mga bahay nila, para kahit papano sama-sama pa rin daw sila kahit may mga kanya-kanya na silang mga pamilya. Naluha siya sa naisip dahil paano kung hindii niya nagawan ng paraan ang bahay at lupa nila,na tanging pamana ng Daddy nila sa kanila? Anong mararamdaman ng Daddy niya? "Ellise?" Tawag ng Daddy n'ya na hindi namalayan na nasa tabi na pala niya. "Dad," "Ang lalim yata ng iniisip mo hija?" Tanong nito. Malakas na ang Daddy niya nagagawa na nito ang dating mga nagagawa noon, basta nakakapag gamot lang ito. "Daddy," anas niya at niyakap ito. "Na mimiss ko lang po ang andito ako kasama kayo at nakikipag away sa dalawang makukulit na iyon," sagot niya at nginuso ang dalawang kapatid na papasok ng gate. "Ate!" Tili ni Elvie ang bunso noyang kapatid na nasa highschool na rin. Niyakap siya ng dalawang kapatid na halos dalawang linggo na yata niyang hindi nakikita. "Surprise visit eh," biro ni Evan ang sumunod sa kanya na 1st year college na. Parehong sa San Miguel nag-aaral ang dalawa, at nagagawan naman niyang kayanin ang lahat ng gastusin, kahit siya lang ang nagtatrabaho at limang apartment na paupahan ang inaasahan nila. Basta sa pamilya kakayanin niya lahat. Kinagabihan nagpaalam na siya sa mga Magulang at Kapatid na kailangan na niyang umalis, dahil may trabaho na siya. Walang idea ang mga ito kung anong trabaho ang papasukin niya. Kung ano ang kapalit ng perang pinambayad nila ng utang. Pagdating sa VincElla Hotel, kaagad siyang lumapit sa receptionist para magtanong sa reservation ni Mr. Pangilinan. Kaagad naman siyang pinahatid sa staff ng Hotel. Nananalangin siyang wala sanang makakilala sa kanya. Simple lang ang suot niya. Maong pants and white loose shirt, nilugay ang buhok na nais niyang tumakip sa mukha para walang makakilala sa kanya. Hindi pwedeng makarating sa mga magulang ang ginagawa niya ngayon. Kailangan niyang maging maingat. Sa isang luxury room siya pinapasok ng staff at nang makaalis na ito. ginala niya ang mga mata sa paligid, wala siyang makitang tao sa loob. Ito ang unang beses niyang makapasok sa hotel room ng sikat na VincElla Hotel sa baya nila. At masasabi niyang napaganda ng silid. "Mr. Pangilinan,' tawag niya habang naglalakad papasok sa malaking kwarto. Hinahanap si Mr. Pangilinan na siyang ka deal niya. Wala nang atrasan pa. Napapitlag sya ng may makitang tao sa may tapat ng bintana ng hotel room. Nakatayo ito roon habang may hawak na kopita at nakapamulsa ang isang kamay sa suot na trouser. Kumunot ang noo nya, dahil tila iba ang pangangatawan ng lalaking nakatayo sa salamin na bintana ng hotel, na kung saan makikita ang ganda ng Bayan ng San Miguel tuwing gabi. "Mr. Pangilinan?" Alanganing tawag niya at muling humakbang palapit rito. Tila naman siya pangangapusan ng hininga habang dahan-dahang lumilingon ang lalaki. "Hi," bati nito na naghatid ng kilabot sa buong katawan niya, nang marinig ang napaka baritonong boses nito. "Hi..." Alanganing sabi niya at muling lumapit para lalo pang makita ang lalaking nakatayo. Dimlight ang ilaw kaya hindi niya ito masyadong naaaninag ang mukha. Pero malayo ang katawan nito sa katawan ni Mr. Pangilina sa larawan. Isama pang may buhok ito. "Are you Mr. Pangilinan?" Tanong niya. Nanlaki ang mga mata nang makita ang kabuuang mukha ng lalake. Napasinghap siya at natuptop ang bigbig sa mga kamay sa gulat. "What?!" Bulaslas niya, sabay napaatras ng makilala ang lalaki. Hindi ito si Mr. Pangilinan. Dahil, malayo-malayo ang itsura nito sa larawang pinakita ni Lenny. Mataba at matanda na si Mr. Pangilinan, at ang nasa harapan niya ay bata't may magandang pangangatawan. Gwapo ito at alam niyang hindi ilang beses na niya itong nakasalubong at nakita kung saan-saan. Ito ang lalaking nakabungo niya sa mall, ito ang lalaking nakita niya nang mag dinner sila ni Lenny, ito ang lalaking nakita niya sa rooftop ng condo unit niya na bumaba sa helichopter. Pero bakit ito ang nasa harapan niya ngayon at hindi si Mr. Pangilinan? Sino ito? Sino ang lalaking kaharap niya ngayon? Nagkamali ba siya ng kwartong pinasukan? "Well, I.... guess.... maling... room ang napasukan ko. I'm sorry," paumanhin niya at mabilis na tumalikod. "You are in a right room, Ellise," Nanlaki ang mga mata niya at nang marinig na sinabi ng lalaki ang pangalan niya. Kilala siya nito. Sino ito? Bakit siya nito kilala? Anong nangyayari? "You know me?" Nagtatakang tanong niya rito. "Of course, Ellise," sagot nito, na naghatid ng kilabot sa buong katawan niya ang pag banggit nito sa pangalan niya sa ikalawang pagkakataon. "I bought you, Ellise,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD