CHAPTER 75 “Pagkasuot ko ng singsing, parang ibang tao na ako. Sandaling bumalik ang lahat lahat sa isip ko na para bang binalikan ko ng alaala ang lahat. Hindi yung mga alaala ko bilang ako na si Diego kundi alaala ng ibang tao. Nang una, hindi ko alam kung sino pero habang iniiisip ko nang nahimasmasan na ako, ibig lang sabihin, ang lahat ng nangyaring iyon ay nangyari at naging karanasan ng sumanib sa aking diyablo. Nangangahulugan lamang na nang sumanib siya sa akin, gutso niya at kailangan niyang ipasa sa akin din ang lahat ng impormasyon o karanasan niya sa aking utak para siya ang gagamit hindi lang sa aking katawan kundi ang buo kong damdamin at isipan. Gusto niyang angkinin ang kabuuan ko. Gusto niyang saniban ako at magiging sa kanya na ang katawan ko’t pag-iisip. Pakiramdam ko