CHAPTER 76 Nagpatuloy si Tito sa pagkukuwento niya sa buhay niya bilang yung diyablo. Hindi bilang siya na si Tito Diego ang ikinukuwento niya kundi bilang yung sumanib sa kanya. Malinaw niyang naalala lahat pati ang ilang dayalogo kaya naging mas malinaw din sa akin ang bawat tagpo at mga pangyayari. Dahil sa mismong bahay hindi ako nakatagpo ng tunay na pagmamahal at pagtanggap, sinubukan kong naghanap sa labas. Ng babaeng sa akin ay tatanggap at mamahalin ako ng lubos. Hindi naman ako pangit, hindi rin mataba o sobrang payat. Alaga sa gym ang aking katawan at dahil kastila ang aking ama, masasabi kong pogi rin naman ako dahil sa matangos kong ilong at lubog ngunit mapupungay na mga mata isama pa ang kulay gatas kong kulay ng balat. Maputi ako sa karaniwang kulay ng mga purong Pinoy.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books