KASARAPAN

3434 Words

CHAPTER 33 Kinalabit ko si Lucas habang nangangatal na nakalingon sa lalaking iyon. Gusto kong magsabi sa kanya na may tumatawag sa akin ng Isabella ngunit hindi ko sa kanya masabi dahil may kung anong hindi ko maipaliwanag na enerhiyang pumipigil sa akin para magsalita. Hanggang sa nang nilingon ni Lucas ang tinitignan ko ay bigla na rin lang naglaho ang lalaking iyon. “Anong nangyayari sa’yo? Nakanganga ka’t takot na takot kang nakatingin sa likod natin eh wala naman akong makita,” tanong sa akin ng nagtatakang si Lucas. Bumunot ako ng malalim na hininga. Pagkakaalam ko sa sarili ko, matapang na ako pero yung ginagawa niyang kakaibang kapangyarihan na parang sinasakal na di makapagsalita o di makagalaw, iyon ang hindi ko kinakaya. Saka doon sa babaeng multo na madalas kong makita sa h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD