CHAPTER 32 Pagmulat ko nang aking mga mata, nabungaran ko ang walang pang-itaas na si Lucas. Basa pa ang buhok at may droplets pa ng tubig ang matipuno at nakakatakam nitong katawan. Halatang bagong ligo lang siya. Amoy ko ang kanyang ginamit na sabon. Uminat ako at humikab habang nakatitig siya sa akin. Matamis ang kanyang pagkakangiti. “Anong oras na ba?” “Lagpas alas sais na ng gabi kaninang dumating ako.” “Ano?” bumangon ako. Tumingin sa bintana. Madilim na nga. “Ano ba ‘yan. Iidlip lang dapat ako eh. Andami ko pa dapat kailangang tapusin kanina. Bakit naman hindi ako nagising kahit nag-alarm na ako. Ano ba ‘yan,” naiinis kong sinabi sa aking sarili. “Bumangon ka na. Hindi mo na rin naman na maibabalik pa yung oras na naitulog mo. Ayaw mo no’n nakapagpahinga ka?” “Ewan ko ba, bi